Chapter 47 Maria “Grabe...grabe ang nangyari kila He-...ang ibig kong sabihin kila Elaine...” basag ko sa katahimikan hanggang makarating na kami ng bahay, kagagaling lang namin ng debut ni Haley yung bunsong kapatid ni Sky at sobrang gulat na gulat ako sa nangyari, buti na lang andun si Toffer sa tabi ko at hindi niya ako binitawan. “Ibig sabihin matagal siyang nagtago? Sa katauhan na Hebe? Ibig sabihin matagal na silang magkakilala ni Sky? t-tapos ...woah hindi ako makapaniwala...” saka ako naupo sa sofa..l Ilang oras lang kaming nagpahinga, matapos masigurado ni Toffer na ayos lang ang kaibigan niya, minarapat na rin naming bumalik dito sa Manila. Di parin niya ako madalas kausapin kahit ilang araw na ang nakararaan at minsan nga ilap parin siya sa akin, minsan parang iniiwasan niy

