Chapter 15 Maria “BUWAAA!!” hinimas ko ang likod ni Toffer habang patuloy siya sa pagduwal “AHHHH!” angat niya sa mukha niya saka umiling-iling, tinignan ko ang namumutla na niyang mukha at tila nanghihina na. “Ina baka pwede na nating itigil ito…” pakiusap ko sa aking Ina matapos makita ang sitwasyon ni Toffer “Nagsusuka na siya at tila nanghihina na. Nakailang bote na rin siya…” “Senyorita, kung susumahin wala pa siyang naubos ni kalahating bote, kanina niya pa isinusuka ang mga iniinom niya…” saka inilabas ni Nana Iska ang isang maliit na bote na may isang dangkal ang taas. “Kung patuloy niyang gagawin iyan, mapipilitan akong ipainom ito sa kanya, ang likidong ito ay inimbak pa ng sampung taon, nahahaluan ito ng pinakuluang ibat’-ibang uri ng halamang gamot at iba’t ibang par

