Chapter 17 Grant “GRANT!” Tumango ako ng makilala ko kung sino ang tumawag sa akin. “ANTHONY!” tawag ko sa kanya saka ko siya kinawayan, inubos ko ang iniinom kong alak bago ko siya tinapik sa balikat after he sat beside me “How did you know that I am here?” tanong ko sa kanya saka binigyan siya ng nakakalokong ngiti, Anthony Tiu is my close friend and currently my boss, sa kanya ako nag tratrabaho bilang professional photographer. “GAGO KA PALA GRANT EH!” sigaw niya sa mukha ko dahilan para lalo akong matawa sa kanya, ilang araw na kasi akong hindi pumapasok sa studio at hindi nagpapakita sa kanya. “Easy Pare...” sagot ko sa kanya saka umorder uli ng dalawang baso sa para aming dalawa “Sabi ko naman sa iyo, I want to find myself... gusto kong mag improve! Gusto ko pang gumaling!”

