"Delrio , Cassandra, S. c*m Laude!" Masaya akong naglakad paakyat sa stage para tanggapin ang karangalan. Finally I made it! Nagbunga rin ang pagsusunog ko ng kilay sa pagaaral. Nakangiti kong tiningnan ang mga mahal ko sa buhay na nakaupo sa di kalayuan.
At masaya ring nakatanaw sa akin. They all proud of what I had.
Napadako ang tingin ko kay mommy at daddy. Pareho silang malaki ang pagkakangiti habang nakatingin sa akin.
Samantalang ang kuya Francis naman, ay agaw eksena na may pagsigaw pa.
"Kapatid ko yan!" Napapailing na lamang ako dito. Para itong hindi kilalang Business man kung umakto. Nakatayo pa siya habang kalong sa mga bisig ang cute na cute kong pamangkin na si Fritz. Bahagya pa nitong kinakaway ang maliit nitong kamay. Mag iisang taon na ito at habang lumalaki ay nagiging kamukha talaga ito ni kuya. Although hindi naman nila ito biological child. Yes! Ampon lang si Fritz.
Ilang buwan matapos ikasal si kuya ay may Iniwang bata sa labas ng gate namin na may kasamang note na nakapangalan kay kuya. Nakikiusap ang nanay nito na ipagamot ang anak niya dahil may maliit itong butas sa puso na kailangan ng agarang operasyon. Agad naman itong inasikaso ni kuya at dinala sa ibang bansa para ipagamot and then miracle happen, the baby survive. Fritz is a real angel sent us by God. Ang mga tawa, sigaw at kakulitan nito ang bumubuhay sa bahay namin.
Napasimangot naman ako nang magawi ang paningin ko sa katabi ni kuya.
Hala! bakit nandito ang manyak na yan? As far as I know hindi siya invited noh!
Nakangiti ito habang nakatingin sa akin.
Grrrr! Sisirain nanaman niya ang araw ko! Akala niya nakalimutan ko na ang atraso niya sakin. Almost one year na ang lumipas pero hindi ko parin nakakalimutan ang pagnanakaw niya ng first kiss ko noh!
"Congratulations ihja!" Bati sa akin ng isa sa mga profesor ko. Kaya napabaling ang tingin ko dito.
"Thank you sir!" Nakangiti kong tugon dito at agad tinugon ang pakikipagkamay nito.
Pagkababa ko ng stage ay agad akong sinalubong ng pamilya ko.
Isa isa nila akong niyakap habang binabati..
I'm so over whelmed!
I am bless to have a family like them!
Natigilan ako nang lumapit sakin ang manyak na bestfriend ng kuya ko sabay abot ng dala nitong bulaklak. My favorite flower! a tulips!
But hell! It's still big no!
"Congratulation!" Nakangiting bati nito. Sinamaan ko siya nang tingin at akmang lalampasan ito nang marinig ko ang pagsaway ni mommy.
"Cassandra!" saway nito
Shit! Mura ko sa isip
Inis ko itong binalingan at pahablot na kinuha ang bulaklak sa kamay nito.
"Thank you!" Napipilitang pasalamat ko
"Your welcome babe!" Nakangiting tugon nito na nagpangiwi ng mukha ko.
"Ewww! Kadiri!" Saad ko na umakto pang nasusuka.
"Cassy! " Saway naman ni daddy.
Hays! Bakit lahat na lang sila kampi sa lalaking yan! Kung alam n'yo lang ang ginawa sakin ng manyak na yan!
Sigaw ng isip ko.
"It's okay tito, ganyan lang po talaga maglambing ang anak n'yo sa akin!" Nakangiti pa rin nitong sabi, sabay kindat pa sa akin.
Lalo naman akong nakaramdam ng pagkainis dito.
"Lambing your face! Ewww..." galaiti kong tugon dito. Ngunit malakas na tawa lang ang sinagot nito na ikinatawa na rin ng lahat.
Ano kayang nakakatawa?
Grrrr...
Sa isang kilalang restaurant kami dumeretso matapos ang graduation. Pag aari ito ng isa sa mga kaibigan ni kuya. Si kuya Lennon, sa lahat parang ito lang ang nakikita kong matino sa mga kaibigan ng kuya ko. Hays!
Natanaw ko ang paglapit ni kuya Lennon kasunod nito ang ilang waiter na may dala ng order namin.
"Congratulation Cassy!" Nakangiting bati nito sabay abot sa akin ng dala niyang paper bag, masaya ko naman itong tinanggap.
"Wow! Thank you kuya Lennon!" masayang pasalamat ko rito.
"Tsk! Back off Lennon!" narinig kong palatak ng manyak na katabi ko, kaya inis ko itong binalingan.
"Woooh! Relax bro! Inabot ko lang yong regalo ko." Nakangisi tugon ni Lennon. Na bahagya pang itinaas ang dalawang kamay.
"Sige po! Mauna na po ako tito, tita! Enjoy your food po! Baka mamaya umusok na ang ilong ng dragon eh!" Pabirong saad nito, napairap na lang ako sa taong tinutukoy nito. Makabakod wagas, feeling!
Maang akong napatingin dito nang kunin nito ang plato ko at lagyan nang pagkain.
"Hoy! Ako na, may mga kamay naman ako eh!" paasik na saad ko dito habang pilit kong inaagaw ang plato ko, ngunit hindi ito nagpatinag.
Wala na rin akong nagawa kundi kainin na lang ang pagkaing inilagay nito. Kainis talaga! Galaiting sabi ko sa isip. Pasalamat siya at puro paborito ko ang mga pagkain na inilagay niya, kung hindi, hindi ko talaga 'to kakainin! Pagmamaktol ko sa isip. Gaano ko man kagustong magreklamo ay wala naman akong magagawa pa dahil siya lang din naman ang kakampihan ng pamilya ko! Natigilan ako sa pagsubo nang maalala ko ang usapan namin ng mga kaibigay ko.
"M-mom!" Tawag ko kay mommy.
Tumingin ito sa gawi ko.
"P-pwede po ba akong magsleep over at April house?" Pagpapatuloy ko.
"No!" Halos sabay pang bulalas ni kuya at Samuel.
Hays! Nagduet pa ang dalawang epal! Kainis!
Inis na inirapan ko nalamang ang dalawa.
"Please mom... Baka po kasi ito na ung last bonding namin, since graduate na kami. Magiging busy na kami sa magiging career namin." Paliwanag ko, malakas na napabuntong hininga si Mommy.
Shit! mukhang malabo talaga!
Kaya nga until now hindi ko nagawang makipagrelasyon dahil bukod sa gusto kong magfucos sa pag aaral ko. Mahigpit din ang parents at lalo na si Kuya, idagdag pa ang bestfriend niyang epal!
"Talk to your dad." Sagot nito.
"Dad..." baling ko naman kay daddy.
"kahit ito na lang po ang graduation gift n'yo!" Samo ko sa kanila, kita ko ang pagseryoso ng mukha nito habang nakatingin sa akin.
"Okay! Just make it sure, no boys allowed!" Sagot naman ni daddy.
"Yes! " Malakas na saad ko, sa tuwa ko ay sinugod ko pa ng yakap si daddy at hinalikan ang pisngi nito.
"Thank you daddy! Your the best talaga!" Masayang turan ko.
Nang makabalik ako sa upuan ay agad akong nagtipa ng message sa gc para sa mga kaibigan ko.
Me: Tuloy na tayo mga beshy!
April: Thats good, hays! I'm so excited!
Trish: Me too!
Me: See you later mga beshy
Nakangiti kong itinago ang phone ko, ngunit natigilan ako nang mapatingin sa mukha ng manyak na lalaking iyon. Nakatiim bagang itong nakatingin sa akin.
Pakialam ko sayo! sa isip ko
Inirapan ko na lamang ito at hindi na pinansin.
I wont let him na sirain ang masayang araw ko. Nagu'guilty man dahil sa pagsisinungaling ko sa mga parents ko but I could'nt help my self na makaramdam ng excitement.
Actually hindi lang basta sleep over ang gagawin namin. We plan to go in a bar, for once we want to experience it! After all graduate na rin naman kami. Pwede na magpasaway ng kunti lang.
Wish ko lang walang umepal!