Marahan akong napahilot sa aking batok ng maramdaman ang pangangalay. Sinilip ko ang orasan na nasa aking bisig, alas dose na ng tanghali. Kaya pala nakaramdam na ako ng pagkalam ng sikmura. Inayos ko ang mga nagkalat na papel sa aking mesa at akma na sanang tatayo ng biglang bumukas ang pinto. Gulat akong napatingin sa pintuan. Salubong ang kilay ko habang nakatingin sa palapit na lalaki. Bipolar yata ang lalaking ito. kanina lang ay galit na galit at may pag walk out pa ang drama. Tapos ngayon todo ngiti habang palapit sa akin. Hays! "I know your hungry already!" Sabi nito habang isa isang inaayos ang mga pagkain na dala niya sa maliit na lamesa. "Hindi ako nagugutom! Doon mo na lang sa mga babaeng bisita mo yan ipakain!" Nakaharap na sagot ko. ano yan suhol? Akala mo madadaan mo ako

