"Francis what happen? Bakit naospital ang kapatid mo?" Bungad na tanong ni mom habang nagmamadali ang mga hakbang nito sa paglapit. Luhaan ang mga mata niya at bakas ang pag aalala. "Mom." Tanging nasambit ko, wala akong masabi ni isang salita dahil kahit ako ay hindi ko rin alam ang lagay ng kapatid ko. Dalawang oras na siyang nasa loob ng emergency room. At hindi pa rin lumalabas ang doctor na tumingin sa kanya. Natatakot ako sa maaring mangyari sa kanya at sa mga pamangkin ko. Wala akong ibang sisisihin kundi sarili ko! Kung nagpigil lang sana ako at hindi nagpadala sa galit ko. But I was out of control, sobrang sakit sa loob ko ang nangyari sa kapatid ko. We did everything para maprotektahan siya. At masiguro na magiging maayos ang buhay niya. But all of the sudden bigla na lang nami

