"Good morning my queen!" Nakangiting bungad ni Samuel ng bumukas ang pinto. Hindi ko mapigilan ang mapakagat labi habang nakatingin sa gawi nito. Dahil tanging boxer lang ang kanyang suot at walang damit pang itaas. Hindi ko tuloy malaman kung alin ba ang inihahain niya sa akin, ang dala ba niyang pagkain o ang hotdog at pandesal nito na nakalantad sa aking paningin. Hays! Kakagising ko lang at hindi pa ganon kataas ang sikat ng araw ngunit pakiramdam ko ay parang biglang umalinsangan sa aming kwarto. So hot! Hoooo... "Breakfast in bed for my queen!" Nakangiting sabi pa nito habang maingat na inilalapag ang mga pagkain na dala sa may paanan ng kama. Agad naman akong umahon sa pagkakahiga at umayos ng upo. Inilapit niya sa harapan ko ang tray at sinimulang lagyan ng mga pagkain ang kat

