Nagtaka ako ng hindi sumabay si Carmela sa amin ng hapunan. "Daddy where's Carmela?" Tanong ni Sabina. Tumigil ako sa pagsubo at tiningnan ito. "She's in her room anak! She's not feeling well!" Pagsisinungaling ko, dahil hindi ko rin alam kung bakit ito hindi sumabay. Pinapuntahan ko na siya sa mga kasambahay ngunit ang sabi nila ay wala daw sumasagot sa loob. Ano kayang nangyari sa kanya? Tanong ko sa isip. Nang sulyapan ko si Sabina ay kapansin pansin ang pananamlay nito sa pagkain. Pati rin ako ay parang wala na ring ganang kumain. "Dad, let's go to her room and we will check if she's okay." Aya nito na may pag aalalang boses. "Finish your food first baby! And then we go in Carmela's room." Tugon ko, tsaka naman bumalik ang gana nito sa pagkain. Napalapit na nga ito kay Carmela

