Malayo ang tanaw ni Abby, nakakabored din talaga kapag nasa tabing dagat ka tapos mag-isa ka lang. Ipinatapon s'ya roon ng parents n'ya na parang si Shine noon nag buntis ito at itinago sa malayong probinsya. Iyon ang simpleng bartolina sa kanila, okay naman sa kanya ng una noong nag papagaling pa lang s'ya pero boring na ng gumaling na s'ya. Pinull-out na s'ya ng parents n'ya sa underground at nalaman din n'ya mula sa parents n'ya na si Nathan ay temporary pa lang nag sanib puwersa sa underground para hanapin kung sino ang tunay na pumatay sa ama nito na inisip pala ni Nathan na s'ya ang pumatay sa tatay nito. Hindi pa malinaw sa kanya ang lahat basta ang sinabi lang sa kanya ng Mama n'ya na pansamantalang dun muna s'ya titira malayo sa civilization at sa panganib habang nag papagaling s

