"Gag*! Mag hanap ka ng bahay na titirahan mo, kapal ng mukha mo na bumalik dito sa Pilipinas baka ipa-deport ka ng mga Lagdameo at Montenegro sa ginawa mo. Pasalamat ka lang talaga dahil marunong silang tumanaw ng utang na loob sa pag kakaligtas mo sa buhay ni Abby noon basta hindi ka puwede sa Pad ko." galit na wika ni Rycko. "Hindi naman ako mag tatagal may aayusin lang ako dito sa Pilipinas patatapusin ko lang sa pag-aaral si Jupiter isasama ko na s'ya pabalik ng Us." "Masokista ka rin e, hindi na bumalik ka na sa US ako na muna bahala kay Jupiter basta wag ka na lang muna mag pakita sa pamilya ni Abby dahil baka samain ka." napabuga ng hangin si Nathan. "Oh! Para saan yan, ikaw pa ang napabuga ng hangin d'yan. Oi! Ipapaalala ko lang sa'yo muntik ng mamatay si Abby dahil sa tatay mo

