"Can we talk?" "Hindi mo ba nakikita busy ako." sagot naman ni Abby habang sini-silip ang mga batang mga nakahiga sa mga folding bed. Lumapit s'ya sa isang mag-ina at kinausap ang mga ito pero hindi pala nakakaintindi ng english ang ina. Nagulat naman si Abby na mag salita si Nathan ng kakaibang lenguahe na mukhang naintindihan ng babae na nag salita na parang may sinasabi tungkol sa bata. "Ano daw sabi?" tanong n'ya kay Nathan na lumingon sa kanya after nitong makipag-usap. "Hindi ko rin na intindihan e, ang bilis." inis naman na sinuntuk ni Abby sa balikat ang binatang tumatawa na agad naman sinabi ang sinabi ng ina ng bata. Panay naman ang tango n'ya habang nakikinig sa sinasabi ni Nathan. "Bakit parang ang ganda mo ngayon?" biglang banat naman ni Nathan after nitong ipaliwanag. Tu

