IT'S BEEN A WEEK SINCE Peter finds out the truth. At isang linggo na rin na tila mas naging aburido ito. Ayos naman sila pagkauwi nila galing sa mansyon. Pero nagpaalam ito at may importanteng pupuntahan. Hinintay lang nito na dumating si Ate Nida saka umalis.
Pagbalik ni Peter ay parang bumalik ito sa unang paghaharap nila. Naging ilag ito sa kanya. Akala pa man din niya ay maayos na sila dahil sa ginawa nito sa loob ng kotse pero maling akala lang pala lahat nang iyon.
Hindi niya tuloy maiwasan isipin kung saan ito nanggaling. Sino ang kasama? May kinalaman ba ang taong 'yun sa pagbabago na naman ng pakikitungo ng asawa sa kanya.
'Bahala nga siya!'
Kasalukuyan siyang tumutulong kay Ate Nida para sa hapunan nila. Kahit na tila sinapian na naman ang asawa niya ay hindi naman siya nito pinapabayaan. Laging alerto kapag may kailangan siya. 'For the sake of our baby' 'yun lang ang dahilan. Napalingon siya sa kanyang cellphone nang tumunog ito at makita ang asawa ang tumatawag. Kinuha niya ito at sinagot.
"Hello."
"Don't cook for dinner, we will eat outside," bungad nito.
"Tonight?" Paninigurado niya.
"Yea. Pauwi na rin ako, we will meet Hycent and Reese," dugtong nito na nakapagpa-excite sa kanya. She will meet them again. Bago pa siya makasagot ay busy tone na ang narinig niya. Napasimangot na lang siya. Minsan talaga walang manners ang asawa niya, ay madalas pala.
Tumayo siya at sinabihan si Ate Nida na hindi sila dito maghahapunan at pwede na itong umuwi dahil pauwi na rin naman si Peter.
Pumasok siya sa kanyang silid at nagsimulang mag-ayos. Dahil halos kakatapos niya lang din naman maligo ay magpapalit lang siya ng damit.
Hindi mapuknat ang ngiti niya. Sa totoo lang naiinggit siya kay Reese dahil halatang-halata ang wagas na pagmamahal rito ni Hycent. Saksi siya nang araw na mag-propose si Hycent kay Reese. Ramdam na ramdam talaga na nagmamahalan ang mga ito. Sa kislap ng mga mata. She hoped she could also find that love.
Malalim siyang napabuntung-hininga habang sinusuklay ang hanggang balikat na buhok na itim na itim at tuwid na tuwid. She looks at herself in the mirror. Hindi niya maikakailang may kulang. She might be happy but she was longing for love. A love like her parents have.
Pero siya naman ang pumili nito. Siya ang nagdesisyon. Kahit na maluwag na tinanggap ni Cyrius ang pakikipaghiwalay niya ay hindi nawala ang bigat sa dibdib niya. Pakiramdam niya kasi ay itinapon niya ang halos limang taon nilang relasyon. Which is totoo naman.
Napukaw ang pagbabalik-tanaw niya nang marinig ang boses ng asawa.
"Khaira, are you done?" tanong nito saka bumukas ang pinto. Napalingon siya roon at nakita ang asawa. Wearing a color white polo shirt , a jeans paired with white sneakers while his hair was neatly comb—a lot woman will surely drop their panty. "Tapos ka na?" Ulit nitong tanong kaya naman iniwas niya ang tingin rito.
Tumayo siya at kinuha ang kanyang kulay puti na sling bag. She's was wearing a backless white dress na hindi umabot hanggang tuhod niya. She paired a white flat sandals. Naramdaman niya ang paghagod nito ng tingin sa kanyang kabuuan. Hindi pa naman talaga halata ang kanyang tyan saka malambot ang tela ng suot niyang damit kaya hindi maiipit ang kanyang baby.
"Do you have a blazer? Masyado malamig sa labas or sa pupuntahan natin?" Kunot ang noong tanong nito.
Siyempre alam niya 'yun kaya naman itinuro niya ang isang couch na nasa tabi ng kama niya. Sinundan nito ang kanyang daliri. Ito na ang kumuha sa blazer saka lumapit sa kanya.
"I wear it later," sabi niya nang ipinapasuot na nito ito sa kanya.
"No. Wear it now, baka malamigan si baby. Paano kung magkasakit siya sa loob ng tiyan mo." Nagsalubong ang kanyang mga kilay sa sinabi ng asawa. "I just found out about that, there's a possibility that the baby might have caught a cough and it is not good." Tuluyan na nitong naisuot ang blazer sa kanya. "Magpalit ka na lang kaya. Ang ikli pa ng suot mo," bakas ang iritasyon sa mukha nito.
"What is wrong with my dress? It's a formal dress to be wear and I'm comfortable with it. Tara na baka naghihintay na sila." Nauna na siyang humakbang palabas. Narinig niya pa ang pag-ungol nito na parang hindi talaga gusto ang kanyang suot. Pero wala siyang balak magpalit. Hindi porket asawa siya nito ay pagbabawalan na siya. Hindi ba nga sabi nito 'for the sake of Amah and my baby' kaya bahala ito. She will wear what she wants.
Hanggang sa makarating sila sa isang restaurant ay walang nagsalita sa kanilang dalawa. Naiinis siya at hindi niya alam kung bakit. Maybe pregnancy thing. Nang makapag-park ito ay hindi na niya hinintay na pagbuksan pa siya ng asawa ng pintuan. Siya na mismo ang nagbukas at nagmamadaling bumaba.
Maglalakad na sana siya papasok nang may humawak sa kanyang braso. Hinila siya at naramdaman na lang niya ang pagpulupot ng isang braso sa baywang niya. Habang ang kanyang mga kamay ay lumapat sa dibdib ng asawa. Nag-angat siya ng tingin at nagsalubong ang kanilang mga mata. Kunot ang noo nito habang mariin na nakatitig sa kanya.
"What is the problem?" tanong ni Peter.
Napapikit siya nang maramdaman ang pagbuga ng hininga nito sa kanyang mukha. "Are you mad at me?" masuyo na ang boses nito. Malakas siyang napasinghap nang gumapang ang isang kamay ng asawa sa may hita niya kaya naimulat niya ang mga mata.
"Nygel!" mahina pero madiin niyang tawag sa pangalan ng asawa, but she used his second name.
"Yes, Qīzi." Napahawak siya sa kwelyo nito nang mas pumaloob pa ang kamay nito. Napalingan siya sa paligid. Medyo madilim sa kinaroroonan nila kaya sigurado walang nakakakita sa kalokohang sinisimulan ng asawa.
"Stop it. Baka may makakita sa atin," saway niya rito.
"Pakialam ko naman."
"Nygel, pumasok na tay—Urgh!" Daing niya nang humaplos na ang kamay nito sa kanyang p********e kahit na may suot pa siyang panty ay damang-dama niya ang init ng palad nito. "Ny-Nygel, stop it-it," nahihirapan niyang sambit dahil parang mas gusto niyang umungol lalo na nang pagalawin nito ang daliri, making a circular movement.
Laking pasasalamat ni Khaira nang bitawan na siya ng asawa dahil tumunog ang cellphone nito. Baka si Hycent na ang tumatawag.
"Gago! Nandito na kami sa labas, papasok na," rinig niyang sabi ni Peter saka nito pinatay ang tawag. Inayos nito ang kanyang damit.
"Nygel, hanggang d'yan lang 'yan baka masira," reklamo niya nang pilit nitong ibinababa ang laylayan ng dress na suot. Hindi niya alam kung matatawa o maiinis sa pinanggagawa ng asawa.
"Next time, don't wear like that. Dapat hanggang talampakan ang haba ng damit na sinusuot mo para hindi mahamugan ang baby natin." Napailing na lang si Khaira sa mga pinagsasabi ng asawa habang nakayakap pa rin ito sa baywang niya habang papasok sila sa Royal Sea Bay—One of the best seafood restaurants in town.
Nakaalalay ang asawa hanggang sa makapasok sila sa loob ng nasabing lugar. Kanina pa siya namamangha sa nakikita. Kaya pala naiiba ito sa lahat ng branch ng restaurant because this one is really have the blue sea theme. Mula sa labas ay ramdam na ramdam ang lamig ng simoy ng hangin. Pagkapasok nila ay may pahabang pasilyo, sa magkabilang dingding ay nakaukit ang iba't ibang klaseng seafood creatures. Napaganda at napakagaling nang puminta.
Nang makarating sila sa pinakadulo ay tuluyang umawang ang bibig niya sa nakita. Literal na tubig dagat ang nasisilayan niya. Napakalawak ng buong restaurant at may mga pintuan pa na siguro ay para sa mga Vip. Nang tumingin siya sa baba ay kitang-kita niya ang mga iba't ibang uri ng isda na lumalangoy. Yes, para silang nasa loob ng dagat o nasa loob ng isang malaking aquarium. Hindi niya matukoy.
Hindi niya alam kung matatakot na baka kapag humakbang siya ay mabasag ang salamin. Because the whole area was covered with a glass wall hanggang sa kisame.
"Let's go, Qīzi," ang boses ng asawa ang umagaw sa kanyang atensyon. Nagpatangay na lang siya rito nang igiya siya patungo sa isa sa mga pintuan na naroon. It's also made with glass but tinted dahil hindi makita ang nasa loob. Pinagbuksan sila ng isang lalaki na nag-a-assist sa kanila.
Pagkapasok ay bumungad sa kanya ang isang round table with four chairs. At naroon na sina Hycent at Reese.
"Hello there, Khaira," ang salubong ni Reese sa kanya. Nang makalapit sila rito ay tumayo ito at sinalubong siya ng yakap. Sobra ang sayang nararamdaman niya. She found a sister with her.
"Hello too, Ate Reese," ganting-bati niya rito. Binalingan niya rin si Hycent at binati rin ito. "Hello, Kuya Hycent."
Napakamot sa ulo si Hycent na mukhang hindi yata nagustuhan ang pagtawag niya rito ng kuya. "Parang ang tanda ko na tuloy. Pero, hello din sa 'yo Khaira. Ilang taon ka na ba?" Nginitian siya nito at nakita niya na nag-fist bump ang asawa at ito. "Nag-quickie ka pa yata, bro."
"Gago! Ginaya mo naman ako sa 'yo, hayop ka," rinig niyang sagot ng asawa. Bigla siyang nailang dahil sa narinig. Kahit hindi niya medyo naiintindihan 'yon ay parang may ideyang pumapasok sa isip niya.
"Don't mind them. Let's sit," aya sa kanya ni Ate Reese. Naramdaman niya ang paghila ng upuan ng asawa at pag-alalay sa kanya.
"May pagka-sweet ka pala bro? Bakit ngayon ko lang nakita 'yan?" Pang-aasar ni Hycent kay Peter.
Itinaas lamang ni Peter ang kamay nito saka biglang ipinakita ang middle finger nito kaya naman mabilis niyang ipinababa 'yon.
"Nygel!" Madiin niyang saway rito. Nakakahiya kasi. Binibiro lang naman ito ng kaibigan.
"Khaira, it's okay. Lambingan na nila 'yan kaya huwag kang mag-alala. By the way, nag-order na kami, if you don't mind. If you want to add, go ahead." Itinuro ni Reese ang menu na nasa tabi niya.
Pero nang dumako ang tingin niya sa lamesa ay naglaway siya agad. Sa dami ng pagkain na nasa table nila ay meron pa ba siyang hahanapin.
"This is too much," nasambit niya habang nanatiling nakatingin sa mga pagkain sa kanilang harapan. Literal na seafoods nga ang mga nakahanda. Hindi kaya sila atakihin nito.
"Paki-ready na lang ang dessert. We will call once we need anything," sabi ni Reese sa lalaking nag-assist sa kanila kanina. Sumama pala ito sa loob hindi niya man namalayan.
"Enjoy your meal," sambit nito saka nagpaalam na sa kanila.
"How old are you again Khaira?" muling tanong ni Hycent.
"I'm twenty two years old," kaswal niyang sagot.
"What the f—seryoso?"
"Yes, why?"
"Sh*t! Akala ko nagbibiro lang si Reese nang sabihin na bente dos ka pa lang. Kung gano'n," bumaling si Hycent kay Peter na tahimik lang, "walong taon ang agwat n'yo," halata sa boses nito na inaasar ang kaibigan.
"Don't worry bro, mas matanda ka pa rin sa akin," pagpatol ni Peter rito.
"May sasabihin ka pa, mahal? Nag-backfire ba sa 'yo?" Singit ni Reese. "Saka, it's just a number. Tayo nga limang taon ang agwat."
Bago pa muling magkagulo ay nagsalita na si Khaira, "Ang dami naman nito. Mauubos ba natin lahat ng ito?" She was aware about their age gap pero dahil nga arranged marriage lang ay hindi niya 'yon pinansin.
"Baka nga kulang pa kay Peter 'yan. Adik sa seafood 'yan, eh." Napalingon siya kay Peter sa sinabi ni Hycent. So, her husband is a seafood lover. Bakit hindi man niya alam 'yon? "Don't tell me you didn't know?" Napayuko siya sa tanong ni Hycent. Pakiramdam niya ay tila napahiya siya. Ano ba alam niya tungkol sa asawa?
"Mahal, ikaw nga hindi mo alam na mas gusto ko ang hipon kaysa sa alimasag," rinig niyang sabad ni Ate Reese.
"Really? 'Di nga?"
"See, you still don't know. But sooner you will find out. Right, Khaira? Ang dami pa nating oras para kilalanin ang mga asawa natin," nakangiting turan ni Ate Reese sa kanya kaya naman napangiti na rin siya.
"Let's eat. Siguradong gutom na ang mga baby d'yan sa tiyan n'yo." Napalingon siya sa asawa nang marinig ang masayang boses nito. "What?" tanong nito habang pinaglalagyan siya ng pagkain sa kanyang plato. Umiling siya at sinundan ang ginagawa ng asawa.
'Huwag ka maging mabait. At ang puso ko ay inaakit mo'
Nagsimula na silang kumain at hindi nakatakas kay Khaira ang pag-aasikasong ginagawa ng asawa. Mula sa pagbalat sa hipon, sa pagkuha ng laman sa alimasag, paghimay sa mga isda at ang huling ginawa nito ay ang subuan siya.
"Subo mo na, ang bagal mong kumain kasi." Hindi niya alam kung naiinis ito dahil sa boses o para hindi lang ito punain.
"Ayusin mo naman kasi bro. Nahiya ka pa," pang-aasar pa rin ni Hycent sa kaibigan na para bang tuwang-tuwa sa nasasaksihan. "Dapat kumuha tayong video, e. Remembrance ba," dagdag pa nito bago sinubuan din si Reese na buong pusong tinanggap ng huli.
Kaya naman napanganga na lang din siya upang isubo ang ipinapasubo ng asawa.
"F*ck off bro! Dahil sa remembrance na 'yan muntik na tayong ma-kick out sa school noong college tayo," angil ni Peter kay Hycent.
"Aba kasalanan mo naman kasi. Sino ba naman kasi nagsabi na magdala ka ng sinturon ni Hudas sa school saka mo sindihan?"
Sabay pa sila ni Reese na napalingon kay Hycent. Kapwa may hindi makapaniwalang ekspresyon sa kanilang mga mukha.
"Gago! Kasalanan n'yo 'yon. May pabunot-bunot pa kayo sa kung ano ang dadalhin. Sadyang minalas lang ako," pagdepensa ng asawa niya saka muling iniumang ang kamay nito na may kanin at ulam.
Kahit paano ay natutuwa siyang malaman na may masayang parte naman pala sa nakaraan nito. Pero palaisipan pa rin hanggang ngayon sa kanya kung ano ang dahilan bakit bigla na lang nito kinalimutan ang isang magandang emosyon— ang magmahal.
"Qīzi," untag sa kanya ng asawa.
"Hu-huh?" Wala sa sariling tanong niya.
"Kanina ka pa tinatanong ni Reese," tugon ng asawa kaya napabaling siya kay Reese.
"Ano po 'yon, Ate?" Nahihiya niyang tanong.
"I'm just asking kung hindi ka ba nahihirapan sa paglilihi," nakangiting sagot nito.
Bago pa siya makasagot ay nagsalita si Hycent.
"Parang hindi sanay ang asawa mo sa ginagawa m, ah, bro. Dapat mas dalasin mo ang pag-aasikaso sa kanya. Lalo na at buntis siya. They need us most of the time. Especially when it comes to their cravings," pahayag nito.
"Speaking of craving," bumaling sa kanya si Ate Reese, "ano naman ang mga pinaglilihian mo na out of this world?" Bigla siyang napaisip. Bukod sa mga prutas, fries at sundae. Wala pa naman siyang ibang gusto talagang kainin. "Ay, ang swerte naman mukhang hindi ka maselan maglihi," muling sabi nito nang hindi siya agad nakasagot.
"Sana all," sabad ni Hycent. "Ito kasing misis ko mukhang sobrang love na love ako kaya naman kung ano-ano na lang ang hinahanap."
"E, sa 'yon ang gusto ng baby natin. Ano magagawa ko?" Sumimangot ito kaya naman ang bilis na nakayakap rito ni Hycent habang nilalambing ang asawa nito.
They looked great together. Bagay na bagay sila sa isa't isa. The way Hycent attended to his wife is really something to treasure. Nang bigla niyang maalala na ganoon rin ang ginawa ng asawa sa kanya, a moment ago.
'Pero sila nagmamahalan habang kami…nagpapanggap.'