"GET OUT OF HERE!" Hindi makapaniwala si Peter sa isinigaw ng asawa sa kanya. Talagang pinapalayas siya nito at mas pinili ang bastardo niyang kapatid. Matalim niyang tiningnan ang kapatid at mas lalo uminit ang ulo niya nang makita inakbayan pa ito ni Khaira at tinutulungan na bumangon. "Get your dirty hands off, my wife!" Singhal niya kasabay nang pag-igti ng kanyang panga. Hindi niya gusto ang naabutan. Kung hindi pa sila agad nakarating baka nahalikan na nito ang asawa. Ang isipin pa lang na dadampi ang mga labi nito kahit sa pisngi ng asawa ay nagwawala na ang kanyang isipan. "Will you please shut up, Peter. Bigla ka na lang darating dito tapos manunuktok ka! Give some respect, could you?" iritableng sagot ng asawa na hindi man talaga natinag sa galit niya at ang bastardo niyang

