PAPALAPIT si Cyrius kina Khaira, sakay ng isang speedboat. Malawak ang pagkakangiti nito na para bang nanalo sa lotto. Nang huminto ito sa tapat nila ay walang kahirap-hirap na nakalipat si Cyrius sa kanilang floating cottage. "Papa Cy!" Sa isang iglap ay buhat-buhat na nga ni Cyrius si Nyra. Muntikan pa mahulog ang mga ito, mabuti na lang at nakabalanse si Cy. Napalingon si Khaira kay Peter nang marahas itong bumuga ng hangin. At hindi niya napigilan matawa nang makita ang disgusto sa mukha ng asawa. "Hey, hon—" "Call her Khaira and not any endearment!" mahina pero madiin na babala ni Peter na ikinaputol nang sasabihin pa ni Cyrius. "Daddy, are you mad?" inosenteng tanong ng anak nila. Nakatitig ito kay Peter kaya naman biglang nagbago ang ekspresyon ng asawa. Mula sa disgusto ay

