Chapter 7 TRUTH

2994 Words
SUMALUBONG KAY Khaira ang puting kisame pagkamulat niya ng mga mata. Natigilan siya at inalala ang huling nangyari. Nang maalala ay bigla na lang siyang lumingon upang makita ang asawa. "Thanks God you're awake, iha," salubong ni Amah na kakapasok lang sa silid na 'yun. "Wait, I will call a doctor." Muli itong lumabas at ilang sandali lang ay bumalik at may kasama ng isang babaeng doctor. Sinimulan siyang i-eksamin ng doctor. Nanatili lang siyang tahimik pero may bumabagabag sa isip niya kaya naman hindi niya napigilang itanong 'yun. "Doc, how's my baby?" mahina ang boses niya at bakas ang takot sa maaaring marinig. Tumingin ang doctor sa kanya at nginitian siya. Sa ngiti nito ay tila nakahinga siya nang maluwag. Patunay lamang na ayos at ligtas ang baby niya. "Your baby is safe Mrs.Fuentes but you need to be extra careful. Mahina ang kapit ng bata, niresetahan na kita ng mga vitamins. And…one more piece of advice…"Binigyan siya nito nang makahulugang tingin. "Intercourse is not forbidden but please not as hard as last night when you suffered a vaginal laceration. Mukhang pinagpala pa man din ang asawa mo." Napayuko siya dahil sa sinabi ng doctor. Pakiramdam niya ay nag-iinit ang kanyang mukha sa mga narinig. "Of course my Peter is a Quazon, he's gifted in that part." Napaangat ang tingin niya kay Amah nang sumabat ito sa usapan. Malawak ang pagkakangiti nito sa kanya at tila bakas ang pagmamalaki. 'Ganoon rin kaya kalaki ang sa asawa niya' Mabilis niyang kinastigo ang nasa isip niya. "If you are thinking if my husband is also huge, it is a big Yes." Tuluyan nang napaawang ang bibig niya. At maging ang doctor ay napailing sa pagkabulgar ni Mrs.Quazon—ang may-ari lang naman ng isa sa pinakatanyag na hospital sa buong bansa. "Amah," tanging nasambit ni Khaira. Siya ang nahiya sa tinuran nito kaya napalingon siya sa doctor. "Sige na Reyes, you may leave us," maawtoridad na utos ni Amah sa doktora. Bumalik ang seryosong awra nito na parang walang binitawang nakakagimbal na salita. Tinanguan siya ni Dr.Reyes at nagpaalam na rin kay Amah. Pagkalabas nito ay nilapitan na siya ni Amah. Umupo ito sa may gilid ng kanyang kinahihigaan. "How are you, iha?" Bakas ang pag-aalala sa boses ni Amah. Hinawakan nito ang kanyang kamay. "Are you hungry?" Isa sa pinagpapasalamat ni Khaira ay ang kabaitan ni Amah sa kanya. Ramdam niya ang sinseridad, ang katotohanan, walang halong pagpapanggap hindi tulad nang ibang mayayaman na puro kaplastikan lang ang alam. "Amah, si Peter po?" 'Yon ang lumabas sa kanyang bibig. Siguro dahil nag-aalala siya rito o mas tamang sabihin na natatakot siya sa magiging reaksyon nito. Panigurado may alam na ito. "Maybe in your condo. Pinauwi ko muna siya dahil siguradong gulong-gulo ang isip niya." Sinalubong ni Amah ang kanyang mga mata. "I'm not against what happened between you and my grandson. Nevertheless, are you aware of what our plan is, right?" Nakagat niya ang ibabang labi at napayuko. Yes, she was aware of that…"Is Peter irresistible that you can't say no?" May panunudyo na sa boses ni Amah kaya bigla siyang napaangat ng tingin. Kitang-kita niya ang pagkislap ng mga mata nito na para bang tuwang-tuwa pa sa mga naganap. "A-Amah," 'yon lang ang nakapa niyang salita. Hindi niya alam kung paano dedepensahan ang sarili. Dahil kahit siya ay hindi rin alam kung ano ba ang isasagot. 'Bakit kasi hindi nga ako tumanggi?' Hinaplos nito ang kanyang hanggang balikat na buhok. "I am still rooting that you two will end up as good husband and wife. I know this forced marriage is not good but seeing Peter having different emotions because of you. I'm hoping that maybe you will be the reason for him to believe in love again." Natigilan siya sa mga sinabi ni Amah. Oo, alam niyang ayaw nito matali pero hindi niya alam na ang dahilan nito ay hindi ito naniniwala sa pag-ibig. Pero pwede nga bang mauwi sa tunay na pagmamahal ang isang sapilitang kasal? Siguro, pero hindi sa lahat ng pagkakataon. "Amah, alam n'yo naman po na may mahal akong iba." Napayuko siya. "I still love Cyrius. Pakiramdam ko nga kinakarma ako dahil sa nagawa ko sa kanya. Pero alam ko po ang pinasok ko, hindi ko lang maipapangako na pwede mauwi kami sa katotohanan." Inangat niya ang tingin kay Amah saka siya na ang humawak sa mga kamay nito. "Amah, malaki po ang pasasalamat ko sa inyo. You treat me as your real apo. Kaya ayoko po na paasahin kayo o masaktan. All I could promise is that…" Nalipat ang isang kamay niya sa kanyang tiyan. "I will take care of our child." Naramdaman niya ang pagpisil nito sa kanyang isang kamay na nanatiling nakahawak rito. "Let's go home then. Let's face Peter so that we know what to do. Whatever your decision I will respect it." MASAKIT PA ANG ULO ni Peter habang nagmamaneho patungo sa kanilang mansion. Tinawagan siya kanina ni Amah at sinabi na nakalabas na si Khaira at kasalukuyang nasa mansion. Naparami ang inom niya kagabi. Dumating sina Hycent, Noel at Arsen sa kanyang condo at may dalang ilang bote ng alak. Hindi niya alam kung pumunta ba ang mga ito para damayan siya sa problema o pumunta para makipag-inuman. 'Sarap pabalikin sa mga pinaggalingan' Ayaw niya sana uminom dahil nga nasa hospital ang asawa. Pero talagang kailangan niya ng distraction sa paulit-ulit na alaala ng kanilang pagtatalik. Kaya naman tinawagan niya si Amah at nang sabihin na maayos naman at walang problema sa asawa ay doon na siya nakipagsabayan sa mga kaibigan para uminom. Nang makapasok siya sa loob nang malawak na bakuran ng mansion ay dumiretso siya sa pinakapintuan. Pagkahinto niya ay tuloy-tuloy na siyang bumaba at hindi man lang isinara ang kotse niya. Someone will park it for him. Pagkapasok niya sa loob at sumalubong ang isa sa mga katulong. "Magandang umaga po Senyorito," bati nito. "Nasaan si Amah?" "Nasa taas po sa opisina niya." Humakbang na siya paakyat sa ikalawang palapag kung saan naroon ang opisina ni Amah. At mukha talagang importante ang kanilang pag-uusapan dahil sa opisina pa talaga nito at hindi sa library lamang. Nang tumapat siya sa pintuan ay huminga muna siya nang malalim bago kumatok ng tatlong beses. Nang marinig ang boses ni Amah ay pinihit na niya ang door knob. Sumalubong sa kanya ang malamig na hangin na nagmumula sa nakabukas na aircon. Pumasok siya saka maingat na isinara muli ang pintuan. Pagkaharap niya ay nakita niya ang asawa na nakaupo sa pahabang sofa. Nakayuko ito. Habang si Amah ay katabi nito. Lumapit siya kay Amah upang humalik. "How are you?" masuyo at mahina niyang tanong kay Khaira na umangat ang tingin kaya nagsalubong ang kanilang mga mata. Nakita niya ang pagkalitong rumehistro sa kulay brown nitong mga mata. Galit siya pero hindi niya naiwasan na hindi halikan sa pisngi ito na mas lalo yata nagpalito rito. "Are you okay?" Puno nang pag-aalalang tanong niya muli. "A-ayos lang ako," tipid nitong sagot sabay iwas ng tingin sa kanya. "Nygel, sit down," Amah said, pulling his attention from Khaira. Sinundan niya ang itinuro nito, pinapaupo siya sa kaharap na couch. Gusto niya sana ay sa tabi ng asawa pero mas okay na 'yun at mukhang may malalaman siya ngayong araw na hindi niya magugustuhan. Pagkaupo niya ay tumuon ang tingin niya sa dalawang taong nasa kanyang harapan. Nanatiling nakayuko si Khaira. Hindi siya sanay. Dahil sa ilang buwan nilang pagsasama ay alam niyang palaban ito. O, baka naman guilty kaya hindi magawang lumaban sa pagkakataon na ito. Napalipat tuloy ang tingin niya sa may tiyan nito. Hindi pagpapanggap ang pagbubuntis nito. At may ideya na siya kung paano nangyari ang bagay na 'yun. Kaya naman hindi niya kailangan magwala na parang magic ang nangyayari. "I'm waiting Amah," siya na ang unang nagsalita dahil mukhang walang balak na mauna ang mga ito. Lumipat ang tingin niya kay Amah na bumaling muna kay Khaira bago sa kanya. "Khaira has nothing to do with it. It's all my plan," pasimula ni Amah. "If you want to be mad, then be mad but to me not to your wife. Nygel, I'm sorry for meddling in your life but, Apo I can't accept that you will never consider getting married or having your own family. Tayo na lang dalawa ang magkasama, huwag mo naman ikulong ang sarili mo sa nakaraan." Nanatili siyang tahimik matapos ang mga sinabi ni Amah. Dumako ang tingin niya kay khaira na hindi niya alam kung bakit mas pinipili nitong titigan ang mga paa kaysa sa kanyang kagwapuhan. "I have a question, Amah," kapagkuwan sambit niya habang ang mga mata ay nanatiling nakatitig kay Khaira nang sa wakas ay tumingala na rin at sumalubong sa kanyang mga mata. Mukhang na-curious ito sa gusto niyang itanong. Hindi niya inalis ang pagkakatitig rito. "What is it apo?" Amah asked him. Mariin pa rin ang titig na ibinibigay niya kay Khaira. Sa riin no'n ay tila gusto niyang pasukin ang pinaka saloobin nito. "Am I really the father of her child?" Hindi nakaligtas sa kanya ang pagsinghap ni Khaira na para bang hindi nito inaasahan ang kanyang tanong. "I'm not dumb not to believe that she's really pregnant even though…she's still a virgin. I know there's a way but all I want to know is if I am really the father and how did you do that Amah?" mahaba niyang lintanya na hindi pa rin inaalis ang tingin kay Khaira kaya naman nakita niya ang pagdaan ng takot sa mga mata nito. "Yes. No one else but you. Only you." Napabaling ang tingin niya kay Amah sa sagot nito kasabay nang pag-alala kung paano nangyari ang bagay na 'yun. How did Amah get his sperm? "Remember when I asked you to masturbate because I need your sperm to be examined to see if it's healthy." Napatiim-bagang na lang siya nang maalala ang araw na 'yun. Pauwi na siya nang pumasok si Amah sa loob ng opisina niya kasama si Dr. Gamboa. Bakit ba hindi pumasok sa isip niya ang binabalak ni Amah. Talagang tiyempuhan pa na pagod siya kaya naman wala siyang panahon makipagtalo rito. Hindi niya nga rin alam kung paano niya pa nagawang mag-masturbate. Nang maalala ang bagay na 'yun ay napabaling ang tingin niya sa asawa. Mabilis itong umiwas ng tingin at halata na ang pamumula ng mukha dahil siguro sa mga naririnig. Akala niya ay expert ito kung ano-ano pang mga masasakit na salita ang sinabi niya rito. Bigla ay gusto niyang sapakin ang sarili. Pero, malay niya ba. Saka, mali pa rin ang ginawa ng mga ito. "And she is the one you had chosen to be the surrogate mother of my sperm," mapakla niyang sambit. It was a coincidence or Amah also planned it. Nasapo na lang niya ang noo saka isinandal ang likod sa sandalan ng upuan at ipinikit ang mga mata. Mas lalong sumasakit ang ulo niya sa mga nalalaman. "Yes. She is the best choice and I never regret it. See, in just one try your sperm and her egg cells match easily," bakas ang kasiyahan sa boses ni Amah na parang wala itong malaking kasalanan na ginawa. "At Least I can say that you got a strong sperm." Napabuga na lang siya ng hangin. Pilit pinapakalma ang sarili na nagsisimula nang magwala dahil sa mga nalaman. Kundi lang talaga malaki ang respeto niya kay Amah ay baka kanina niya pa pinagbabasag ang mga gamit na nasa loob ng silid na 'yun. Now, he understands why Amah met him in her office. Dahil alam nitong kapag nalaman niya ang lahat ay siguradong magwawala siya. Pero dahil alam niya rin kung gaano nito kamahal ang opisina at gaano kamahal ang mga naroon ay magdadalawang-isip siya. What a cunning woman. "So, what can you say about it apo?" Untag sa kanya ni Amah. Nagmulat siya ng mga mata at tiningnan ito. Malawak ang pagkakangiti nito na talaga namang pinapamukha pa sa kanya na masaya ito sa mga nangyayari. "Amah," mahina pero madiin niyang tawag rito pero may paggalang pa rin. "Alam n'yo po ba na masyado nang mali ang ginawa n'yo. Are you aware that she had a boyfriend. Ang dami naman babae bakit hindi man lang kayo pumili nang walang sabit," sabay baling niya ng tingin kay Khaira na nakatingin rin pala sa kanya. "Tell me Khaira…Did Amah forced you to do it?" Natigilan ito sa tanong niya saka nalipat ang tingin kay Amah. Kapag nalaman niya na pinilit lamang ito ni Amah ay kusa niya itong palalayain. He doesn't want someone to stay because she was forced. Hindi pa naman siya ganoon kadesperado. Kahit na dinadala nito ang anak niya, pwede naman gawan ng paraan 'yun. "I'm asking you, just tell me the truth and don't mind Amah." Bumalik na ang tingin nito sa kanya. Nakita niya kung paano nagtaas-baba ang dibdib nito. Kinakabahan? Dapat lang dahil maling sagot lang ay baka hindi nito magustuhan ang gagawin niya. Sample na ang nangyari kagabi. "No. It was my own decision," matapang na sagot ng asawa niya. "No one forced me, I decided with my own free will. Kaya huwag ka na maghanap nang masisisi." He gritted his teeth. There's always a reason. Nang maalala niya ang sinabi nito kung bakit ito napadpad sa mansion. Para kausapin si Amah. Pero, buntis na ito noon. So, from the very start it was all a lie. "What a perfect act. You really did it well," he sarcastically said while giving her a deadpan look. "From the beginning it was all a lie!" Hindi na niya napigilan mapalakas ang boses kasabay nang pagtayo. He was furiously mad. He hated liars. Napakislot naman si Khaira dahil sa lakas ng pagsasalita niya. "Nygel, lower your voice," saway sa kanya ni Amah kaya ito naman ang binalingan niya. "Why Amah? To all people, you are the one who knows how I hated a liar. You know it! Then, why?" Puno ng pait niyang tanong rito. Tumayo si Amah at humarap sa kanya. This time she was in her natural self. Showing all the emotion she was feeling. "Nygel, I know it. But, can you blame me? I can't take what you are doing for yourself. I'm too old and I'm going to leave you anytime. At ayokong iwanan ka na hanggang ngayon ay nakakulong ka pa rin sa nakaraan. Kaya, please, apo, just this once, accept it." Natigilan siya nang may pumatak na luha sa mga mata ni Amah. Kailan ba nang huli niyang makita 'yun. Sobrang tagal na, 'yun pa yata ang panahon na namatay ang mommy niya. "Amah, upo muna po kayo." Inalalayan ni Khaira si Amah na maupo at inabutan rin ito ng isang bottle water. Kapagkuwan ay humarap sa kanya. "Ano ba problema mo? Oo na nagsinungaling na kami sayo. Pero may dahilan si Amah. She is just thinking about you. Pero kung umasta ka parang ang laki ng kasalanan niya. Kasalanan na bang alalahanin ka? Kung tutuusin dapat hayaan ka na lang niya tutal malaki ka na at matanda na siya para isipin ka pa. Anong klaseng apo ka?" Mahabang lintanya nito at humalukipkip pa. Naikuyom niya ang mga kamao. "You don't know anything, kaya manahimik ka. I can't believe I marry someone who chooses money over the person she loves. Talaga bang pera na lang ang mahalaga ngayon? Na kahit ang taong mahal mo ay handa mong bitawan?" Tumawa siyang nang nakakainsulto. "Magkano ba ang in-offer ni Amah sayo at dodoblehin ko para lang mawala ka sa buhay ko. I don't need a user like you!" Isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang pisngi dahilan para matabingi ito. "Who are you to judge me? Who are you to blame Amah? Who are you to say I never think about him? Wala ka ring alam. Pero ako? Hindi ko na kailangan pa malaman kung ano ang buong kwento, just looking at you…I already saw a hopeless man. You are still lucky you have Amah who is willing to do everything just to make sure you are in good hands." "Kung ang pinagpuputok ng butsi mo ay ang ginawa namin kampihan laban sayo, ang pagsisinungaling, we admit it. Pero sana magtanong ka muna nang maayos. Hindi 'yung sisinghalan mo kami agad! Balik tayo sa pinaglalaban mo. Oo, I need Amah help. I need your money. Amah offered me to marry you but I declined because like I said I had a boyfriend. But Amah is persistent, she offers another one. Subukan ko daw na ipasok 'yang sperm mo like you said be a surrogate mother of your too strong freaking sperm! Kapag nabuo, I will marry you pero kung hindi she will help us one hundred percent. Sino ba hihindi? Lalo na wala naman kasiguraduhan and I am desperate. Malay ko bang ang liksi ng sperm mo. "And I am a woman who acknowledged my words. Kaya kahit masakit nakipaghiwalay ako sa boyfriend ko. Inisip ko God has his plan. Hindi naman niya hahayaan na mabuo ang bata rito sa sinapupunan ko dahil lang gusto niya. At sino ako para tanggihan ang isang blessing. Ngayon mas nasagot ang tanong ko kung bakit hinayaan mabuo si baby. Because someone needs his presence. "Kung hindi mo kami matanggap sa buhay mo, ok. We will leave you alone, magkulong ka hanggang sa ma-expire lalo ang sperm mo." Nakatulala na lang si Peter kay Khaira. Sa haba ng sinabi nito ay sigurado siyang nakuha niya lahat 'yun. Pero bakit imbes na magalit ay tila natutuwa pa siya sa itsura nito habang nagpapaliwanag. Kaya hindi niya napigilan tumaas ang sulok ng labi. "Huwag kang tumawa d'yan dahil walang nakakatawa. Ahhh! Kainis ka!" Bumaling si Khaira kay Amah. "Amah, doon muna po ako sa kwarto ko at na-stress po kami ni baby sa Daddy niyang shokoy!" Pagkasabi nito niyon ay tuloy-tuloy na itong lumabas 'Ako shokoy? Sa gwapo kong ito?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD