Alexandria's POV
God! Jesus! Lord! Buddha!! Allah!! At lahat ng Greek goddess and goddesses!!
Tulungan nyo po ako at ilayo sa kapahamakang dulot ni MALI!!
Waahhh mga kababayan ko!!! Bilib ako sa kulay argghhh yung ex ko papalapit na sakin!!!
What to do??
Tatakbo ba ako paalis o gagapang??
Di na naman ako makapag isip ng matino huhuhu bat kasi nandito tong hinayup*k na toh??
Pero sabagay dito sya nababagay para mabusog na sya sa pagkaing hilaw in short mabusog sa mga babae!!
Papalapit na sya pero steady mode pa din ako!!
"Hey beautiful!!"
Nagulat naman ako ng biglang may umakbay sakin at hinalikan ako sa pisngi!!
Nakita kong napatigil si mali s***h ex ko at lumiko??
Hohohoho anu ka ngayon hmp!!
Napatingin naman ako sa manyak na humalik sa akin pero saviour ko..
"Invisible?? "
Napakunot noo naman sya sa sinabi ko..
"Invisible?? Ako?? Bakit dimo ba ako nakikita ha!?
Tsk hindi ba nya alam na pwede ding maging visible ang mga invisible!!
" Ikaw nga!! You are Invisible na visible ngayong oras!!"
Napakamot naman sya sa mga batok nya..
"By the way..you need to go on council's office.."
"Huh? Bakit?? Gagawin ba nila akong muse? No thanks.. Di bagay sakin ang muse, pang universe ang beauty ko!!"
Napailing naman si Mr. Invisible..
"Just followed me.."
Sumunod naman ako sa kanya..
"Kahit anong marinig mo, makita o mangyari sa loob..wala kang pagsasabihan.." sabi nya ng nasa harap na kami ng office..
Ano ako tsismosa??
Inirapan ko naman sya at tumango eh sa na curious ako..
Curiosity fears hihhihi naeexcite na naman ako..
Binuksan nya ang pinto at isang di kaaya aya sa mga mata ang nakita ko!!.
Hulaan nyo kung anong meron??
Meron kayong 5 seconds..
5
4
3
2
1 .......TIME'S UP!!!
Ngayon huhulaan ko naman kung ano yung hula nyo...
Siguro akala nyo may gumagawa ng kababalaghan noh??
Pero pwede din naman kaso hindi kababalaghan ang meron dito eh..
Demonyo!!!
May demonyo??
"WAAAAAAAAHHHHHHH!!!"
Nagsisisigaw ako sa loob ng office habang nakaupo sa sahig..
"Hey--"
"Waaahhh Mr.Invisible!!! May demonyooo!!! Umalis na tayong lahat dito huhuhu!! Baka sakupin at kainin nya ang mga kaluluwa ng lahat ng--"
"AJ!!!"
Napatigil naman ako sa pag ngangawa ng marinig ko yun!!!.
"Shokoy?? Waaahh pinapunta ka din ba dito ni mr.invisible na alagad ng demonyo??"
"SHOKOYYY??"
Napatakip naman ako ng tenga ng sumigaw lahat ng tao dito maging ang demonyo ay sumigaw din…
Uh oh!!!
Nakuu baka di nila alam ang tungkol sa pagkatao ni shokoy!!!
Nakita ko namang napailing si shokoy at dahan dahan akong binuhat papunta sa sofa..
"Behave maniac girl..walang demonyo dito..''
"Eh ano sya?? Kampon ni Satanas o baka isinumpa ng mga espirito??" tanong ko habang itinuturo ang lalaking kalbo na may malaking salaming itim at may headband na sungay.
Inalis naman nya yung salamin nya at kumaway sakin???
Kumurap kurap naman ako at nilapitan yung demon-- waaahhh si kalbong dean??
"Waaahh mr.kalbo!! Kaw pala yan hihihi akalain mong demonyo pala yung totoo mong pagkatao!!''
" AJ...''
Sumimangot naman ako at bumalik sa sofa..
"Hi.."
Nilingon ko naman yung babaeng lumapit sakin.
Nginitian ko ito at inirapan!!
Sa ayaw ko makipagkaibigan eh in short ayaw kong makipag plaktisan!!.
"AJ.." babalang tawag sakin ni Shokoy kaya inirapan ko din ito at hinarap ko yung demonyo..
"Ano bang ginagawa ko dito?"
"Ask the king!"
Lok*ng toh oh!! King?? Lol!!
"Ewan ko sa inyong lahat!! Mga walang kwenta!!" sigaw ko at tumayo para umalis ngunit pinigilan ako ni invisible man!!
"Bitawan mo nga ako!!" Sigaw ko..
Pansin nyo bang kanina pa ako nagsusungit??
Kasi ang totoo nyan eh ayy wag ko na ngang sabihin nakakahiya eh!!
Naman oh!! Oo na!! Sasabihin ko na kung bakit ako nagsusungit since kanina pa ako kinakalabit ng mga ispirito dito.
Oh ito na nagsusungit ako kasi--
"AJ come here!!" maawtoridad na utos ni shokoy habang nakaupo sa kinauupuan ko kanina..
"Aalis na nga a-"
"That ice cream is yours.." putol nya sakin..
Umilaw naman ang mga mata ko at lumabas ang mga star uhh bat star ang lumabas??? Diba pag nahihimatay lang lumalabas ang star??
Oh baka naman?? Favorite din nila ang ice cream!!
Agad akong umupo sa tabi nya at kinuha ang ice cream..
Nginitian ko sya ng pagkatamis tamis na pati langgam mauumay sa tamis at sinimulang kainin ang ice cream hang tinitingnan ko sya ng nakakaakit na pati nag aagaw buhay ay pipiliting mabuhay para lang makita ang tingin ko.
Isa isang tumikhim ang mga tao dito..
Pinagmasdan ko sila at napansin kong anim kaming lahat, isama na natin don ang demonyong pangisi ngisi kahit labag sa loob ko!!
Tumayo naman sa harapan ko si invisible man..
"I am Andrew Ford.." pakilala nya.
"And I'm Shanice Landon and this man sitting beside me is my cousin Nathan Landon..." sabi naman nung babaeng inirapan ko kanina.
"And I think kilala mo na ako at si Kian?" sabi naman ni DEANa tutubuan ng buhok..
Nilunok ko muna ang ice cream na kasusubo ko lang..
"Bukod sa Kian ang pangalan ng shokoy na toh wala na akong kamuwamg muwang sa ibang buhay at asa ka naman aalamin ko pangalan mo duhh ano ka chicks??" irap ko sa kanya na ikinatawa nya..
"I like you huh! Now I know why the king is obsessed with you!!" nakangising sabi nya.
"Of course, every man is dying to have me, they love every inches of my body and soul but sorry I won't accept you being part of them hmp!!"
Humalukipkip ako!!
He likes me?? Akala ko masama lang ang mga demonyo pero di naman ako na inform??
Kaya pala dumadami na ang demonyo kasi mas adik sila sa spg kesa sa mga tao!!!
Nacurious tuloy ako kung ano yung itsura ng demonyong babae?? Kasi sa pagkakaalam ko iba iba sila ng itsura eh.
Tatanungin ko na sana sya kung ano yung itsura ng mga kalahi nya ng bumalik at huntingin ako ng nakaraan..
Noong nakaraang segundo, sinabi ng demonyo na gusto ako ng hari??
So sinong hari???
Oh my?? Don't tell me yung hari ng mga demonyo?? O si Satanas?? Kasi diba sya yung puno't dulo??
Nagtapang tapangan ako at tumayo sabay turo kay DEANmonyo!!
"Hoy alagad ng kasamaan, pugad ng kadiliman!! Paki sabi sa hari mo na hinding hindi ko sya magugustuhan!!"
Napasinghap naman ang mga ilang alagad ng kadiliman at napangisi naman si Dean.
"Then why don't you tell him?"
Napakunot noo naman ako..
"Bakit?? Nasan ba yang hari nyo ha at ng maipamukha ko sa--"
Pinutol ni invisible man ang sasabihin ko..
"The King is sitting beside you Alexandria..."
Napatingin naman ako sa kaliwang bahagi pero walang nakaupo?? Invisible din ba ang hari!!
"Tss.."
Nakarinig ako ng ahas sa tabi ko..
TABI KO??? BESIDE ME??
Lumingon ako sa kanan ko..
Kian is sitting beside me...
***
SANA MAY NAGBABASA WAHAHA