Alexandria's POV
Agad ko syang itinulak at tumayo.
"How dare you??!!"
Hindi sya nagsalita at lumapit sakin ng dahan dahan. At dahil isa akong dyosang hard to get eh umatras ako kahit ang totoo ay nabitin ako sa halik nya sakin hihihi!!
Huyy!! Ssshh lang kayo ha!!
"Wag kang lumapit saking gag*ng shokoy ka!!" sigaw ko ng mga ilang inches na lang ang layo nya sakin.
Sinubukan kong umatras pero no choice huhhhuhu...hulaan nyo kung bakit??
Well....
Pagsinubukan ko pang umatras eh magluluksa ang buong sambahayan este ang buong mundo pala..
Pero syempre...hindi ko papayagan yun noh!!
Hahayaan ko na lang na makalapit si manloloko at sinungaling na shokoy kesa mahulog ako dito at sumabit ang nakakaakit at masarap kong katawan sa puno hihihi!!
Hinapit ako ni shokoy at inilapit ang mukha nya sa akin!!!
Oh my!!! Hahalikan ba nya ako??
Nagpaparty party ang mga dugo, ugat at iba pang laman ng loob ng tyan ko tulad ng kidney, atay, tsaka yung malaki at maliit kong isaw hihihi charrr mga intestines ko pala...
Ayan na!!!! Lumapit na syaaaaa!!
Ngunguso na sana ako ng biglang magpop sa mga ugat ng utak ko ang lahat ng nakita ko sa lugar na yon..
Agad ko syang itinulak ng pagkalakas lakas, tinalo ang lakas ng hangin pero dahil isa syang shokoy na may taglay na tubig eh wala pa rin...hindi sya natinag at hinila nya ang mga kamay ko na naging dahilan para mapayakap ako sa kanya at maramdaman ang matitipuno nyang dibdib at braso hihihi...
Pag si shokoy talaga yung kasama ko napapalalim ang salita ko!!
Sinubukan ko syang itulak pero waepek!! Hinapit nya ang bewang ko habang ang isang kamay nya ay nasa likod ko..
Feeling ko tuloy napapalibutan kami ng apoy hihihi kasi naman ehhhh nararamdaman ko yung ano hihihi yung ano nyaahhh!!!
Nakuuu pooo!! Ilayo nyo ko sa ahas na gustong kumawala sa lungga nya!! Waahh nararamdan kong handa na syang tumuklaw hihihi!!
"Look at my eyes!!" seryosong sabi nya...
Tiningnan ko sya ...
"Look at my eyes, not on my face!!"
Inirapan ko sya..duh!!! Yoko nga noh!! Pano kung gagamitan nya ako ng powers nya?? Pero may kakayahan ba ang mga shokoy na mang hypnotize??
Hindi ko sya tiningnan at yumuko na lang..
Bumuntong hininga sya para siguro pakalmahin ang sarili..
Bigla nyang hinawakan ang mga pisngi ko at hinarap sa kanya.
Pero di ko pa din sya tinitigan sa mga mata..
"Let me go.." maginang sabi ko habang nakatingin sa mukha nya..
I thought bibitawan na nya ako ng tanggalin nya ang pagkakahawak sa pisngi ko pero mali..
Niyakap nya ako ng mahigpit...
I should push him!
Galit dapat ako sa kanya dahil niloko nya ako.. nagsinungaling sya sakin...
Pero pano ko ipapakitang galit ako sa kanya kung nararamdaman ko ang luha nyang tumutulo sa balikat ko??
Napatingin ako sa taas...
Napapikit ako... napangisi naman ako sa isip ko..
Hindi pala luha yung naramdaman ko.... laway pala!! Dejok lang!! Nagsisimula na palang umulan!!
Binigla ko ang pagkakatulak sa kanya kaya napaatras sya...
Tumakbo agad ako at dumiretso sa dorm..
Hingal na hingal ako ng makapasok ako sa kwarto ko...
Humiga ako sa kama at ipinikit ang mga mata...
Naisip ko ang itsura nyang iniwan ko sa rooftop...namumula ang mata nya... but why?? Umiyak ba talaga sya?? O ulan lang yung naramdaman ko kanina??
Tsk napailing naman ako ..
Bat naman sya iiyak?? Eh may girlfriend na naman sya?? Or asawa??
Napasabunot ako sa buhok ko!!
Argghh!! Ang tanga tanga ko!! Ibinigay ko ang sarili ko sa taong may ibang mahal?? Sa taong kailanman hindi magiging akin??
Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ay syang pagbuhos ng mga luha ko...
Hindi dapat ako yung nasasaktan...hindi dapat ako yung luhaan!!
Unti unting bumalik sa isip ko ang lahat lahat ..
Ang lahat ng nakita at natuklasan ko sa lugar na yon...
*flashback*
Nasa harap kami ng isang pulang pinto...
Hinarap nya ako at hinawakan ang magkabilang pisngi..
Anong meron??
"AJ...do you trust me??"
Nagtataka man ay sinagot ko pa rin sya..
"Kahit shokoy ka syempre may tiwala a-"
"Then you need to promise me one thing!!"
Uso ba ang pagputol ng mga dapat kong sabihin..
"Promise me na after this hindi mo ako iiwasan??''
What?? Oh my don't tell me may mga iba pa syang babae sa loob..
"AJ!?"
Wala na akong nagawa kundi tumango ng makarinig ako ng mga tumatakbo...
Itinulak nya ang pulang pinto at hindi ko inaasahan kung ano ang makikita ko!!
Bakit???
Hindi ko alam kung anong irereact ko...
May mga kalansay ng tao, mga damit na puno ng dugo, mga sahig na may dugo??
Ano toh?? Bat may ganito??
But one thing that caught my attention the most is the big picture frame na nasa dingding...
"AJ..."
Hindi ko pinansin si shokoy at nanatiling nakatingin sa picture frame...
A picture of shokoy hugging a beautiful girl...
Yeah I admit...maganda sya..
Naramdaman ko ang kamay ni shokoy sa pisngi ko..
Hindi ko namamalayang tumulo na pala ako...
Kaya pala nag aalangan syang pumasok dito...
Naloko ako... may girlfriend na pala sya??
Sh*t!! Nagpadala ako sa tukso!!
I admit that I am a liberated girl pero gaya ng ibang babae... nangangarap din ako ng lalaking magmamahal, tatanggap at higit sa lahat magpapakatotoo sa akin ..
Akala ko iba si shokoy...pero hindi... katulad ng past boyfriends ko... katawan ko lang ang habol nila...
At isang malaking pagkakamali ko ay sa lahat ng lalaki... kay shokoy pa ako bumigay...
Hinawi ko ang mga kamay nya na nakahawak sa pisngi ko at dali daling tumakbo papalabas ng kwartong yon..
Wala na akong pakealam kung makita ako ng kung sino mang tao ang nasa labas...
Ipinagpapasalamat ko na hindi ako naligaw at nakalabas ako ng lugar na yon ng hindi man lang nakita kung sino ang humahabol sa amin..
*end of flashback*
Simula nung araw na yun ay hindi ko na kinausap si shokoy... wala na namang dapat pag usapan pa...
Pero hindi ko pa din mapigilang isipan kung sino ba talaga ang babaeng yun??
Sya ba yung sirena nyang reyna??
At higit sa lahat...
Ano bang meron sa academy na toh? Sa dorm na toh?
Bakit may nagpapatayan sa hating gabi??
Bakit may mga dugo sa isang kwarto dito sa dorm at doon sa bahay ng anak ni Dracula?
Anong meron sa school na ito bukod sa mga estudyanteng manyak??
***
A/N: It's been a while simula nung nag update ako.. wala naman kasi itong readers kaya nakakatamad pag walang inspiration hahaha napagtripan ko lang talagang ipost to and thankfully may isa o dalawang nagbabasa na sa tingin ko ni remove na toh sa library nila sa tagal kong mag UD haha.. mag uud ulit pag nainspire ako😗