CHAPTER 6

1148 Words
Alexandria's POV Dahil sa hindi ako naniniwala sa kasabihang curiosity kills eh tumayo ako at pumasok sa mini forest. Napahagikhik naman ako dahil sa excitement.. Sinundan ko lang kung san ang naririnig ko ng biglang nawala ang mga ingay.. Uh oh!! Nasan na?? Sa right ba o sa left?? O baka sa taas--ay gagi may pakpak lang ang peg!! Lumingon ako sa dinaanan ko pero puro mga matataas na damo lang at hindi ko na alam kung saan ako nanggaling!!! Waahh saan ako nanggaling?? Syempre sa tiyan ng nanay ko!! Antalino ko talaga!! Huminga ako ng malalim at tumingin tingin sa paligid.. Pinalabas ko ang imaginary horoscope para makakita ako sa malayo pero sa kasamaang palad puro kapalaran ang nakita ko. Napatampal naman ako sa noo ko ng marealize na telescope pala yung nakakakita sa malayo. Kaya nag switch ako into telescope.. Nilibot ko ulit ang tingin at sa kabutihang palaad, may namataan akong low pressure area ayy mali!! May namataan akong bahay?? May bahay akong nakikita na napapalibutan ng mga puno.. Baka may tao akong makita dun at pwedeng tumulong sakin?? Pero posible bang may manirahan ditong tao?? O baka ermitanyo?? Napahawak naman ako sa bag ko at sinilip ito habang papalapit sa bahay.. Baka nga may matandang ermitanyo at manghingi sakin ng pagkain bago nya sabihin ang daan pabalik!! "YESS!!" napasigaw ako ng may makita akong sandwich sa bag ko hehehe may pansuhol na ako, pero bat may sandwich ako? Wala naman akong naaalalang bumili ako ah?? May secret admirer ako?? Naks ang cheap naman nya, wala man lang tubig o juice?? Di bale papaturo ko lang naman ang daan eh di katulad nina Don Juan ba yun na ipinaexplain kung pano huliin ang ibong adarna. Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng bahay o kubo?? Basta maliit sya, para syang kahon!! Kumatok ako.. "Tao po!!! May tao po ba dito?? Amm mamang ermitanyo?? Yuhooo kahit sino mang nilalang ang nandyan!! May diyosa po dito sa labas!!" Hayst sumakit na ang kamay ko kakakatok pero walang bumukas ng pinto.. At dahil naniniwala ako sa kasabihang 'Don't give up kaya wag kang susuko' eh di talaga ako susuko. Kailangan kong makabalik dahil hindi ko pa natitikman ang kamandag ni shokoy.. Sinubukan kong buksan ang pinto at dahil ginabayan ako ng mga diwata na nagregalo sakin ng mga kagandahan mapaloob at mapalabas ng damit eh nabuksan ko ang pinto.. Tumambad sakin ang mga upuang kahoy na nakapalibot sa bilog na mesa!! Naks baka tambayan ito ng mga taong nag-i-spirit of the glass!! Naku po!!! Baka dito nila kinukulong ang mga kaluluwa waahahhh!!! Napatigil ako sa pag iisip ng maka rinig ako ng mga daing sa isang pinto!! Pero maliit lang ang bahay na toh bakit magkakaroon ng pinto jan?? Linapitan ko naman ito at hinawakan ang door knob.. "AJ..." Napatigil ako sa akmang pagbukas ng pinto.. AJ?? Si shokoy lang naman ang kauna unahang tumawag sakin ng ganyang pangalan.. Unti unti akong lumingon at nakita ko sya malapit sa pintuan... "Waaahh shokoyyy!!!" Agad agad akong tumakbo at tumalon sa kanya.. "Sh*ttt!!" mura nya ng muntikan na kaming matumba ng dambahan ko sya.. "Waahh akala ko kakainin na ng mga kaluluwa ang kaluluwa ko dito!! Huhuhu!!" Iyak ko habang nasa batok nya ang kamay ko at nasa bewang nya ang dalawang paa ko.. Nakasubsob ako sa leeg nya.. "Huhuhu ipakain mo nga sa mga pating sa kaharian mo shokoy si Santa huhu dahil sakanya hindi ako mapipilitang maging Dora the second huhu!!" Pinilit nya akong ibinaba at tinitingnan ang mukha ko pero hinigpitan ko ang pagkakayakap ng mga kamay at paa ko.. "Umalis na tayo dito.." bulong ko habang nasa leeg nya pa rin ang mga mukha ko!! Bumuntong hininga naman sya at lumabas na sa bahay ni Dracula!! Pero malaki kasi yung bahay ni Dracula kaya baka sa anak ni Dracula toh!! "I told you that you need to be a good girl right??" tanong nya habang naglalakad.. "Nag behave naman ako eh" "Then what are you doing here??" mababakas sa tono nya ang galit kaya umalis ako sa pagkaka subsob sa leeg nya at tiningnan sya.. "Galit ka ba??" nakapout na tanong ko.. "Yes I am, pano na lang kung hindi kita nakita at sinundan?? Baka kung napano ka na or worst naging dessert ka na ng mga mababangis na hayop dito!!" Napatulala naman ako sa kanya.. "Naks nemen!!! First time mang mag salita ng mahaba yiiee nag eevolve ka na into tao!!" asar ko sa kanya kaya sinamaan nya ako ng tingin. Sumubsob na lang ulit ako sa leeg nya.. "Sorry na..may narini-" "Curiosity kills." putol nya sa sinabi ko.. Tiningnan ko naman sya ulit at ngumiti ng tagumpay.. "Well...hindi totoo ang curiosity kills na yan dahil hindi naman ako namatay eh natakot lang ako kaya baka...curiosity fear??" tiningnan nya ulit ako ng masama kaya nagpout ako. "Don't pout.." sabi nya at tumingin sa daan!! Akalain nyong ang haba pala ng napuntahan ko, buti may magic shoes ako kaya diko ramdam yung pagod kanina. "Bakit di ako pwedeng magpout??" tanong ko sa kanya pero di nya ako sinagot.. "Huy bakit nga??" pilit ko sa kanya.. Tumigil naman sya at hinawakan ako ng mahigpit. Tiningnan nya ako ng mariin.. ''Just don't pout kundi ibababa kita!!" Sumimangot naman ako at bumalik sa leeg nya. Nagpatuloy lang sya sa paglalakad habang nakasubsob lang ako sa kanya. Behave na lang muna ako since nag eenjoy pa akong amuyin yung leeg nya at gusto ko pang ma feel ang mga muscles nya hihihi!! Ilang sandali pa nakabalik na kami pero di pa rin ako umaalis.. Di naman nakakahiya eh mas nakakahiya pa nga yung ginagawa nila eh..di nila alam ang salitang privacy at kwarto. Napansin kong lunch time na pala ng maramdaman kong kinain ng small intestine ko ang large intestine ko.. "Baba mo na ako shokoy, nagugutom na ako!!" Pero di nya ako pinansin at hinigpitan ang pagkakabuhat. Nakita ko ang gulat sa mga mata ng mga estudyante na nasa cafeteria at kung pano napahiwalay na naman namin ang mga nguso ng ibang nag lilive show. Bakit ba ganyan ang mga reaksyon nila?? Ganun ba ko kaganda?? Akala ko papakainin nya ako dito sa cafeteria pero dumiretso lang sya pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang bulong ng isang babae.. 'Bat sila magkasama ni king??' King?? Hari?? Loka*g babae!! Napahigpit ang pagkakayakap ko ng bigla nyang binilisan ang paglalakad.. "Hoy sho-" "Kailangan mong mag toothbrush at mag mouthwash.." putol nya sakin. Abat!! Nakakainsulto toh ah!! "Hoy excuse me wala akong bad breath!" sigaw ko sa mukha nya.. "Tsk you need to clean your mouth cause I'm dying to kiss that lips of yours but I won't taste the saliva of that white man!!" What? White man?? Yung mr. bond paper na humalik sakin? Bago pa ko makapagtanong tumakbo na sya na parang sabik na sabik.. Wooo exciting hihihi!!! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD