Chapter 2: This is Where it All Started

2092 Words
Nakatulala habang nakaharap sa hapag-kainan si Hailey. Ni hindi man lang nagalaw ang pagkaing nakahain sa kanyang harapan. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari at nalaman niya kagabi; mga pangyayaring hindi niya inaasahan. Abala sa paghihiwa ng mga rekado si Hailey para sa lulutuin niyang adobo nang may kumatok sa pinto ng kanilang kwarto. Sa pag-aakalang si Faye lamang iyon ay hindi niya ito pinansin at nagpatuloy sa ginagawa. Kumatok uli ito at naiinis niyang nilapitan ang pintuan upang buksan. Handa na sana siyang sermonan si Faye sa pag-aaksaya nito ng panahon niya ngunit nagulat siya ng hindi si Faye ang tumambad sa kanya. "Lawrence," tawag niya sa pangalan ng lalaki. Ngumiti ito sa kanya. "Hi. Natapos ako agad sa pag-aayos kaya pumunta nalang ako dito para tumulong. Here." May inilahad itong maliit na disposable container. "Hindi mo naman kailangan pang tumulong. Inimbita kita para kumain, hindi para tulungan akong magluto," nahihiya niyang paliwanag dito sabay abot ng plastic. "Ano 'to?" "Leche flan. Binili ko doon sa sweets shop sa kabilang kanto. I figured out that since you'll be preparing dinner, I'll buy the dessert." Ngumiti ito habang nakasunod sa kanya papuntang kusina. "Hindi ka na sana nag-abala pa pero salamat at nalibre mo ako sa dessert." Medyo naiilang pa rin siya kay Lawrence pero unti-unti naman siyang nagiging komportable dito. Afterall, tenant nila ito at kapitbahay pa. "You're welcome." Ngumiti ito ng bahagya. "Ano ba ang pwede kong maitulong?" "Umupo ka nalang diyan at maghintay kang maluto itong adobo ko." Hindi na ito nangulit pa at pinagpatuloy na rin ni Hailey ang pagluluto. Mga tatlumpung minuto din ang itinigal bago matapos ang kanyang niluluto. Habang isinasalin niya ito sa isang serving plate ay aksidente niyang nasagi ang apoy sa stove na nakalimutan niyang patayin. "Aray!" Sigaw niya dahil sa hapdi. Dahil dito nabitawan niya ang hawak na sandok at cooking pan. Mabuti nalang at nailagay na niya ang serving plate na may lamang adobo sa lamesa, kung hindi ay baka natapon pa iyon sa sahig dahil sa katangahan niya. "Anong nangyari?" Hindi niya namalayang lumapit na pala si Lawrence sa kanya. Habang naghihintay kasi ito kaninang matapos siya ay may natanggap itong tawag kaya naman lumayo muna ito at sinagot iyon. "Konting paso lang. Nasagi ko kasi 'yong apoy sa stove," sagot niya sa binata. Inabot nito ang kamay niyang napaso sa may bandang pulsuhan at tinignan ang lagay niyon. "Medyo malaki-laking paso 'to ah. May first aid kit kaba dito? Gagamutin kita. " Pag-aalok nito ng tulong sa kanya saka iginiya siya sa kanilang maliit na sala. "Nandiyan lang sa may cabinet malapit sa ref. May maliit na puting box diyan." Turo niya dito kung nasaan ang first aid kit nila. Agad naman nitong nahanap iyon at bumalik. Nagsimula itong linisin ang kamay niya bago pahiran ng ointment. "Ang sabi dito sa packaging, 3 times mo daw ilalagay sa paso mo ang ointment para mapadali ang paghilom niyan." "Thank you, Lawrence." Nginitian niya ito bilang pasasalamat sa paggamot nito sa kanya. "No worries." Ngumiti ito sa kanya pabalik at nagpatuloy sila sa paghahanda ng hapunan. Kasalukuyan silang nag-aayos ng mga kubyertos na kakainan nilang ng bumukas ang pintuan at iniluwa nuon si Faye na kagagaling lang mula sa kanyang lakad. Agad itong lumapit sa kinaroroonan nila. "I'm home!" Masigla nitong bati sa kanya. Nagtataka itong tumingin sa kanya dahil sa napansin nito ang nakatalikod na pigura ni Lawrence na kasalukuyang may kinukuha sa loob ng kanilang ref. "May bisita ka pala?" Tanong nito kay Hailey. "Ah, si Lawrence 'yan. Bagong tenant dito sa apartment. Diyan lang kasi siya sa harap ng room natin kaya inimbita ko na siyang maghapunan dito," pagpapaliwanag ni Hailey sa kaibigan na tumango-tango naman. "Lawrence, si Faye nga pala bestfriend at kasama ko dito sa apartment." With that, humarap si Lawrence sa kanilang dalawa at bumaling sa direksyon ni Faye...na ngayon ay nakatulalang nakatitig sa lalaki. "Hi Faye, I'm Lawrence. Pasensya ka na at nakisali ako sa little celebration niyo ni Hailey." Inilahad nito ang kamay kay Faye. "To-totoo b-ba 'tong nakikita ko?" Hindi ma-gets ni Hailey kung ano ang ibig sabihin ng kaibigan. "Tell me, bff. Tell me I'm dreaming." "Ano bang nangyayari? Bakit nagka-gan'yan ka?" Nababahalang tanong ni Hailey sa nakatulalang kaibigan. "Ex mo ba siya? Bakit gan'yan ang reaction mo kay Lawrence?" The man, on the otherhand, wasn't at least bothered a little. May hula na kasi ito kung bakit naging gan'yan ang inakto ng kaibigan ni Hailey. "Bff!" Biglang sigaw ni Faye na siyang ikinagulat naman ni Hailey. "Hindi mo ba alam na ang nasa harap natin ngayon ay ang nag-iisang pinakagwapo, pinakasikat, at pinaka-talented na artista sa bansa?!" Natawa naman si Lawrence sa sinabing iyon ni Faye. Nasobrahan na kasi ito sa pag-describe sa kanya. "A-ano?" Hindi makapaniwala si Hailey sa sinabi ng kanyang kaibigan. "S-sino ba siya?" "Lawrence James Castro popularly known as Lawrence Castro, actor, model, and endorser. Siya ang nag-endorse ng Apollo University School for the Gifted last year for it's 25th founding anniversary. Hindi mo maalala?" Mabilis na litanya ni Faye sa kaibigan na obviously, ay nagugulahan na sa kanyang nalalaman. "H-hindi," ang tanging nasabi lamang ni Hailey bilang tugon. "Now you know," Simpleng sagot ng kanyang kaibigan na ngayon ay bumaling na ang atensyon kay Lawrence. "Hi Lawrence!" Masigla nitong binati ang lalaki. "Pasensya ka na sa inasta ko kanina. Nawindang lang talaga ang aking braincells dahil sa nakita ko." Pasimple nitong inabot ang nakalahad pa rin kamay ng lalaki. "Nice meeting you, Faye. I wanted us to chat more but I think I need a little explaining to do to your friend here." Binalingan nito si Hailey na ngayon ay siya namang nakatunganga. "Hailey, I'm sorry. Hindi ako nakapagpakilala sa 'yo ng matino," pagpapaumanhin nito sa babae. Tumingin ito sa kanya. "N-no. No don't need to be sorry. Sadyang hindi lang talaga ako nanonood ng tv kaya hindi kita nakilala." "Mabuti at alam mo 'yan, bff. Puro ka nalang kasi James kaya hindi mo na alam na isang sikat na artista na pala ang nakakasalamuha mo," sabat ni Faye sa kanilang usapan. "Who's James?" Kuryosong tanong ni Lawrence. "Iyong character sa bagong libro na sinusulat niya," simpleng sagot ng kanyang kaibigan. Nagulat naman ang lalaki sa nalaman. "So you're a writer?" tanong nito sa kanya. "Uh, oo. 'Yan din ang course ko sa Apollo, Creative Writing," nahihiyang tugon ni Hailey. "That's great! You know, mahilig din akong magbasa and I'm a big fan of Nicholas Sparks." Biglang lumiwanag ang mukha ni Hailey sa narinig. "Talaga? Nagbabasa ka ng mga libro ni Nicholas Sparks? I'm his fan too!" "Really? So dalawa na pala tayong pwedeng pumunta sa book signing event niya next week!" Bago pa man makasagot si Hailey ay nakarinig na sila na may pasimpleng tumikhim sa gilid. Sabay nilang nilingon si Faye. "What? Bawal na ba tumikhim ngayon?" Painosente nitong tanong sabay lakad palapit sa hapag at umupo. "At pwede ba, tigilan niyo na ang kachi-chika niya diyan. Nagugutom na 'ko!" Dagdag pa nito tsaka nagsimulang kumain. Nagkatinginan naman silang dalawa at sabay tumawa. Umupo na rin sila sa lamesa at nagsimulang kumain. Mga ilang minuto din ay natapos sila. Nag-alok si Faye na siya na ang maghuhugas kaya naman dumiretso na ang dalawa sa sala at doon pinagpatuloy ang kwentuhan. Matapos maghugas ng mga pinagkainan nila ay dumalo na rin sa kanila si Faye. Marami pa silang napag-usapan, mostly tungkol sa mga childhood memories nila at ang kani-kanilang mga pangalan na sinisimulang makilala ngayon sa larangan ng pag-arte at pagsusulat. Isang oras pa ang dumaan ay nagpaalam na sa kanila si Lawrence at may lakad pa daw ito. Naiwan silang dalawa ni Faye na nakatunganga habang inuubos ang leche flan hanggang sa naisipang magsalita ni Faye. "Bff, 'di ba kailangan mong mag-interview ng isang celebrity para doon sa bagong libro na sinusulat mo?" tanong nito. "Hay, bff 'wag mo munang ipaalala sa 'kin 'yan dahil malayo pa naman ang deadline nang thesis natin tsaka wala pa akong ideya kung sinong artista ang papayag na ma-interview ko para do'n," medyo inaantok na sagot ni Hailey. "Talagang wala kang maisip kahit isa?" "Wala, as W.A.L.A. Sino ba namang artista ang papayag na ma-interview ng isang hamak na writer katulad ko. Baka nga pabayarin pa 'ko sa oras na ibibigay niya sa 'kin e. Kung wala akong mahanap, iba nalang ang isusulat ko para sa thesis. Bakit ba?" Nakahilig na ang ulo nito sa arm rest ng sofa. "Bakit hindi nalang si Lawrence ang interview-hin mo?" Napamulagat ang mga mata ni Hailey at nawala ang pagka-antok niya. Mga ilang segundo rin bago niya maproseso ang sinabi ng kaibigan at lumapit dito upang bigyan ng isang napahigpit na yakap. "OMG, bff! That's a brilliant idea." Malapad ang ngiti niyang nakatingin sa kaibigan. "I know right, mr. Right," sabi nito sabay irap. "Alam ko din namang gusto mo pang makausap at makasama si Lawrence." Ngumiti ito sa kanya ng makahulugan at ikinapula ng mukha niya. "O-oy! Hindi ah! Natutuwa lang ako kasi may pwede na akong kakwentuhan tungkol sa mga libro ni Nicholas Sparks," pagtatanggol niya sa sarili. "Sus! In denial ka pa bff. Kilalang-kilala na kaya kita. Hindi mo kayang itago sa 'kin ang mga pasimpleng sulyap mo kay Lawrence kanina." Dagdag pa nito sa panunukso sa kanya. Mas lalo pa iyong ikinapula ng mukha ni Hailey. Hindi naman talaga ito ang tipo ng babaeng agad-agad nagka-ka-crush sa mga gwapong artista pero iba kasi itong si Lawrence para sa kanya. Parang nabuhay sa kanyang harapan ang karakter na isinulat niya na si James. And James is the embodiment of her ideal man. Kaya gano'n nalang kalakas ang epekto nito sa kanya tuwing nasa harap niya ang binata. "O, ano na? Naisip mo na ba kung paano mo siya papapayaging ma-interview mo?" Sabat ng kaibigan niya while she's in the middle of her thoughts. "Tatanungin ko nalang siguro siya bukas. Mukha medyo busy siya ngayon kasi may tumawag," sagot niya sa kaibigan habang nakatingin sa pinto. "O siya, matutulog na ko, bff. Tomorrow is Saturday at kailangan kong mag-ipon ng lakas para sa isang araw na bangayan na naman namin ng hilaw na scientist na si Fyodor," pagpapaalam nitonsa kanya sabay pasok ng sarili nitong kwarto. "Good night, bff!" tanging nasabi niya lang bago magsara ang pinto nito. At lahat ng iyon ay nangyari kagabi lang. Maaga siyang nagising kaya naisipan niyang magluto na muna ng agahan bago pumunta sa katapat nilang apartment room na siyang nirerentahan ni Lawrence. Matapos niyang ihanda ang agahan ay naisipan niyang ipagbalot ng konting fruit salad si Lawrence na ginawa niya rin para sa kanila ni Faye. Lumabas siya ng kanilang apartment at nagtungo sa katapat. Mga ilang katok rin ang ginawa niya bago siya pinagbuksan ng lalaki. "Good morning, Lawrence," bati niya sa binata na halatang kagigising lang. "Naistorbo ba kita?" "Good morning, Hail," At ginawaran siya nito ng isang makalaglag panga na ngiti. Ang gwapo pa rin nito kahit bagong gising lang, nasabi niya sa sarili. "Pasensya ka na sa hitsura ko. May late night meeting kasi kami ng manager ko kaya bigla akong umalis kagabi. Sorry about that." "Hindi, okay lang 'yon. Ito o, may dinala akong fruit salad," sabi ko sabay lahad ng lalagyan. "O, thank you so much, Hail. Ito lang ba ang ipinunta mo dito ng kay aga?" "Actually, I have a favor to ask." Mahina niyang sabi. "Pwede ba kitang ma-interview for my novel? Kailangan ko kasing mag-interview ng celebrity para sa sinusulat kong nobela na ipapasa ko bilang thesis namin." "Iyon lang ba? Sure, that wouldn't be a problem." Nakangiti nitong tugon sa request niya. "Talaga? So kailan ka free?" Excited niyang tanong sa binata. "Gusto mo ngayon na?" Tumawa ito. "Ei? Ngayon na talaga?" Inosente naman niyang tanong. "I'm actually free today so, yes. Pwede mo 'kong ma-interview ngayon." Natuwa siya sa sinagot nito. Agad siyang nagpaalam sa binata at sinabing babalik na lang siya mamaya pagkatapos niyang maligo at maglaba ng mga damit. Pagkarating niya sa kanilang apartment ay agad niyang ginawa ang mga dapat gawin hanggang sa umalis na rin si Faye upang magpunta kina Fyodor. Little did she know that today marks as the start of something she never will expect to happen soon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD