Chapter 01

1809 Words
Glazia PoV "GLAZIA!!?!" Napabalikwas ako ng bangon sa sigaw at kalampag mula sa likod ng kwarto ko. "GLAZIA JAKEE!!" Sigaw muli tita. Kaagad umahon ang takot sa bawat himaymay ng katawan ko. Bumaba ako mula sa kama at inayos ang sarili ko. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan at hinawakan ang seradura. Bago ko buksan ang pintuan, huminga muna ako ng malalim. "GLAZIA!! ISA PANG TAWAG KO AT WALANG NAGBUKAS NG PINTUAN MAS MATINDI PA ANG PAGDADAANAN MO!!" Napaigtad ako sa muling pagsigaw ni Tita. Dahan-dahan kong inikot ang seradura at hinila iyon ng paunti-unti. Hindi paman ganapna bukas ang pintuan, tinulak na iyon ni Tita at sinampal ako dahilan para magising ang pagkatao ko. Napaupo paako sa sahig sa lakas ng sampal nya. Hindi pa ako nakakabawi asa gulat, walang pakundangan nyang hinila ang buhok ko at iniwasiwas iyon na parang nagtataboy ng dumi. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. "A-aray po t-tita, m-masakit po!" Wika ko habang hawak ang kamay nya na nakahawak sa buhok ko. "TALAGANG MASASAKTAN KA KUNG HINDI KAMAGTATANDA!!" Sigaw nya muli at lalong pinag wagwagan ang buhok ko. "T-tita!" Sambit ko habang patuloy na natulo ang luha. "Ma! Stop it, kanina ka pa hinihintay ni papa sa baba!" Kung hindi pa dumating si Kuya Kervin hindi nya pa bibitawan ang buhok ko. "Tinuturuan ko lang ng leksyon iyong babaeng ito! Nasasanay na kasi!" Sambit ni Tita bago pinagpag ang kamay na animo'y humawak sa basura. "Tsk, one slap is enough!" Sambit muli ni Kuya Kervin at hinawakan sa pulopulsuhan ang ina. Tumango naman ang ina nya at lumabas na sa kwarto ko. Napaupo naman ako ng ayos kasabay ng sunod-sunod na luhang pumatak mula sa mata ko. Niyakap ko ang tuhod ko at sinubsob ang mukha ko doon. Wala pang isang minuto akong nasa ganung posisyon may biglang sumipa sa paa ko. Kaagad akong nagtaas ng tingin at nakita ko ang kakambal ni Kuya Kervin na si Kevin. Naka krus ang mga braso nito sa harap ng kanyang dibdib. "Kesa magmukmok ka riyan, mas mabuting kumilos kana at kanina pa kami nag-iintay ng makakain!" Sambit nya bago ako tinalikuran at lumakad palabas ng kwarto. Dahan-dahan akong tumayo at pinahid ang pisnge ko. Napangiwi pa ako sa sakit dahil sa sampal ng Tita kong demonyita. Naglakad na ako palapit sa banyo ko at tumingin sa salamin. Tumulo muli ang luha ko nang maalala ko si Mama. Si mama lang kakampi ko noon. Noong buhay pa sya, kung sana hindi lang lumitaw sila tita sa harap ng bahay namin sana buhay pa si Mama. Sa mama lang kasi naging takbuhan ko noon tuwing sinasaktan ako ni Papa. Palagi nalang galit si papa kapag umuuwi sa bahay. Kung hindi ako ang sinasaktan nya si mama naman. Pero laking pasasalamat ko noon ng bigla syang nawala. Isang buwan din yun kaya naman sobrang saya ko, nakakagalaw na ako ng maayos ng walang kasunod na palo sa tuwing magkakamali ako ng galaw. Pero kabaliktaran ang naramdaman noon ni Mama. Palagi kong sinasabi sa kanya na dapat masaya kami kasi nga wala na si papa. Pero iling lang ang sagot nya kasabay ng iyak. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong magpasalamat dahil wala sya o dapat bang hilingin ko nalang na sana palaging nandoon si papa para maging masaya si Mama. Sa mura kong edad noon, mulat na ako sa katotohanang ginamit lamang ni papa si mama para mabuhay ang pamilya nya na sila Tita Hilarry. Nung araw na sabihin ni Papa samin na may anak sya at may asawa at nagpakasal ng hindi namin alam, inatake sa puso si Mama. Dinala pa namin sya noon sa ospital pero hindi na raw umabot. Wala akong ginawa noon kundi ang umiyak ng umiyak. Palagi akong nasa tabi noon ng kabaong ni mama. Nakaub-ob at nagdadasal na sana hindi nangyari ang bagay na iyon. Na sana hindi dumating sa buhay namin sila Tita Hilarry. Kung hindi pa ililibing si Mama hindi pa ako mahihiwalay sa kanya. Kinse Anyos ako ng mangyari iyon. Doon nagsimula ang galit ko kila Tita at Papa. Bawat sakit na pinapadanas nila sakin, lalong nayabong ang galit ko sa kanila. Na animoy parang nadidiligan. Kinausap ako noon ni Tita Glenna kapatid ni Mama. Tinatanong nya ako kung gusto ko raw bang sumama sa kanya. Sa kanya na sana ako sasma anoon pero kinuha ako ni Papa. Kukuhanin pa sana ako ni Tita pero nagtaka ako noon ng hindi na sya bumalik sa bahay namin para bositahin ako. Ang huling kita ko pa sa kanya ay nung ilang linggo pagkatapos ng libing ni Mama. Malungkot akong napangiti ng maalala ko ang pinag daanan ko sa kamay nila Tita. "Haha, daig ko pa si Princess Sarah!" Malungkot na ani ko bago ako naligo. at nag-ayos. Sinuklay ko ang buhok ko na hanggang bewang ko. Ito rin ang isang alala ko kay mama. Ang sabi nya ay maganda raw sa babae ang maganda ang buhok kaya naman alagang-alaga ko iyon. Siya pa ang nagsusuklay noon sakin noong bata ako kaya naman hindi ko magawang paputulan. Nag-ayos na ako bago bumaba. Nasa hagdan pa lamang ako naririnig ko na ang tawanan nila. Malayo pa lang aakalain mong masaya ang pamilya nila. Perpekto ika nga. Pero sa bawat salitang iyon, palaging may nakatagong sikreto at karumihan. Dumiretso na ako sa paglalakad pero muli akong napatigil ng makita ko ang posisyon nila. Masayang nanonood sa sala habang magkakatabi. Tsk, kahit kailan hindi nya kami tinrato nang ganyan. Sambit ko sa isip bago marahas na pinilig ang ulo at dumiretso sa kusina. Huminga muna ako ng malalim at tinapik-tapik ang dibdib kung nasaan ang puso ko. Okay lang yan Glazia!! Okay ka lang! Pangungumbinsi ko sa sarili ko sabay hinga ng malalim para hindi tumuloy ang luhang pinipigilan ko. Ngumiti ako at dumiretso sa ref para maghanap ng maluluto. Nang makahanap na ako, binalatan ko na rin iyon at ginayat. Binilisan ko ang paggayat dahil alam kong magagali nanaman si tita kapag pabagal-bagal ako. May kasambahay sila Tita noon, pero pinalayas nila kasi nandito na naman daw ako. Sayang daw ang perang ibabayad kung meron naman daw babaeng 'Walang silbi' Kaya mula noon ako na ang naglilinis ng bahay, medyo mahirap noon dahil nag-aaal ako. Minsan ala una na ako natatapos sa paglilinis. Tas maaga pang gigising kasi may pasok. Minsan naman 'di na ako nakakapag pasa ng mga project kasi hindi naman daw mahalaga yun. Kaya naman humanap ako noon ng karinderya na pedeng pasukan. Doon ko kinukuha yung perang pambili ng project, nagpapasalamat nalang ako kasi may scholarship ako. Gusto ko kasing makapagtapos ng pag-aaral para kahit papaano ay matupad ko ang pangarap ni mama sakin. Hanggang sa natapos akong magluto, at mag-ayos ng hapagkainan. Naririnig ko parin ang tawanan nila. Ayaw ko sanang pumunta roon at yakagin sila ngunit kailangan. Bawat hakbang ko, palakas ng palakas ang tawanan. Huminga muna ako ng malalim dahil hindi ko naranasan ang ganyan sa piling ng ama ko. "T-tita, p-papa kakain na po!" Nakatungong wika ko. "Darling, kakain naraw. Tara na, at baka lumamig ang pagkain." Sambit nya. Kinuyom ko ang kamao ko dahil kahit kailan hindi nya kami niyakag ng ganyan. Tinago ko iyon sa likod ko. Lalabas na sana ako sa kusina ngunit nagsalita si papa kaya naman natigilan ako. "Oh? Glazia? Saan ka pupunta? Sumabay kana samin!" Sambit nya. Dahan-dahan akong pumihit paharap sa kanila. Nakatingin sakin si papa habang nakangiti. Tsk!! Ano nanaman ba ito satanas?! Sambit ko sa isip. Gusto ko sanang tumanggi ngunit naalala ko ang pinagdaanan ko nung isang araw. Wala silang tinirang pagkain sakin. Kung meron man, tira-tira at pakain nalang sa aso. Humingi pa ako ng kanin noon sa kapitbahay namin at nagtimpla ako ng kape at yun yung kinain ko. "Hayaan mo na Kiko, baka ayaw nya. Umaarte nanaman yan!" Lihim akong napairap sa sinabi ni Tita Hilarry. "S-sigurado p-po kayo?" Tanong ko. "Bakit? Ayaw mo ba?" Takang tanong nya. Gusto kong tanungin sya kung anong trip nya pero pinigilan ko ang sarili ko dahil alam kong makakatikim nanaman ako kay tita. "Sige na Glazia, kumuha kana ng plato at kubyertos. Umupo ka rito sa tabi ni Kuya Kervin mo!" Sambit nya habang nakalahad ang kamay sa katabing upuan ni Kuya Kervin. "Tsk!" Rinig kong taltak ni Kuya Kervin. Hindi ko na iyon pinansin at kumuha nalang ako ng plato at kubyertos. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa upuan na katabi ni Kuya Kervs at naupo. Kukuha na sana ako ng pagkain pero naunahan ako ni Papa. Kinuha nya ang sandok at NILAGYAN NYA AKO NG KANIN AT ULAM SA PLATO!! Hindi ko mapigilang pangunutan ng noo sa inaasta nya. Ano bang ito?! Ha?! Punyemas ka?! Sambit ko sa isip. "Kumain kana, linggo naman ngayon ka pwede ka munang magpahinga sa kwarto mo." Sambit ni Papa. Kaagad na umangal si Tita sa sinabi ni Papa "Ano ka ba Kiko? Mamaya masanay yan!" Sambit nya. "Oh eh ano naman kung masanay sya? 'Di ba nga dapat pag dumating ang araw maganda ang kutis nya." Sambit nya at pinanlakihan ng mata si Tita. Yumuko naman si Tita sa sinabi ni Papa. "S-sino po ang m-mag huhugas ng pinggan?" Takang tanong ko. Muling humarap sa akin si Papa at ngumiti. "Wag kang mag-alala, nanjan naman sila Kervin at Kevin. Pwede nang sila muna sng maghugas para kahit papaano ay makapag pahinga ka naman." Sambit nya. Naninibago ako sa trato nya sakin, noon kasi halos mahimatay na ako sa pagod sa kakakudkod ng sahig. Tapos ngayon? Pinag papahinga nya ako. "Kumain na, Kervin at Kevin plbilisan nyo na riyan. Kayo muna ang maghuhugas ng pinggan." Utos nya. "Tsk." "Psh." Sabay na singhal ng dalawa. Masungit kasi yang dalawang yan. Galit sila sakin, kasi nandito daw ako at nakikitira sa bahay nila. Kumain kami ng sabay sabay, pero kahit ilang beses pa kaming magsalo-salo ng sabay-sabay, kahit ipakita nya sakin na tanggap ako sa pamilya nila hindi parin mawawala ang pagkasuklam ko sa bawat isa sa kanila. Sila ang dahilan ng pagkawala ng ina ko. Sila ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya ko. Pero sa tingin ko naman, hindi na kami magkakaayos. Natapos kaming kumain at totoo ngang si Kervin at Kevin ang nagligpit ng plato. Pilit akong pinagpahinga ni Papa sa kwarto. Alagaan ko raw mg mabuti ang kutis ko lalong lalo na ang buhok ko. May binigay rin siyang mga lotion at shampoo pati conditioner. Basta lahat ng abubot sa katawan binigay na nya. Nagsisimula na akong magtaka sa ginagawa nila. Simula ng matapos kaming kumain, walang naging imik si Tita. Palaging masama ang timgin nito sakin. Muli akong nsligo at ginamit ang sabon na binigay sakin ni Papa. Sabi nya kasi sakin yun. Mabanago ang sabon at shampoo na binigay nya. Pagkatapos kong maligo, pinatuyo ko muna ang buhok ko bago ako humiga. Dahil narin siguro sa kakaiyak ko, nakatulog ako ng walang pag-aalinlangan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD