Natapos yung last subject namin na hindi ako tinigilan ng mga kaibigan ko kaka tanong kasi hindi ko sila sinagot tinatamad pa akong mag salita sabay sabay kaming nag lalakad palabas ng gate ng biglang nagsalita si franz girls maaga pa naman mag mall muna tayo mamili tayo ng mga pwede nating dalhin sa isla at dahil alas 4 palang nalang ng hapon kaya nag punta muna kami ng mall.
Malapit. lang naman yung mall sa university namin kaya naka rating kami ka agad. Pagka rating namin ng mall yung dalawang kaibigan ko na si franz at ruby dumiritso agad sa bilihan ng mga swimwear kaya wala na kaming nagawang tatlo nina Celine at judy kaya sumunod nalang kami sa kanilang dalawa yung dalawa talaga na yun ang pinaka ka ma arte sa aming limang magkakaibigan pero mababait naman sila at maaasahan mo sila sa lahat ng problema.
Naka lipas ang kalahating oras naka tapos nadin mamili yung dalawa kaming tatlong nila Celine at judy naka upo lang hindi kami namili at hindi naman kami mahilig dun pinipililit nga kami nung dalawa kanina na bumili din pero ayaw namin kaya wala silang nagawa.
Girls kumain muna tayo aya sa amin ni franz kaya pumayag naman kami naka ramdam na kasi kami ng gutom hinayaan lang namin si franz na mamili kung saan kami kakain naka sunod lang kami sa kanya at naka rating kami ng jollibee kahit kasi may pera kami hindi naman kami ma arte sa pagkain at saka masarap din naman yung pagkain sa jollibee ilang beses na din kami ng kumain dito pagka pasok namin pumila kami ka agad para makapag order mabuti nalang at walang masyadong tao kaya mabilis kaming naka order naka hanap din kami agad ng mauupuan
minsan kasi pag subrang daming tao mahirap maka hanap ng upuan.
Habang kumakain kami napag usapan namin yung magiging bakasyon namin dahil hanggang friday nalang yung pasok namin napag usapan namin na saturday ng umaga kami aalis dito pinag talunan pa nga namin kung saan kami sasakay kung mag babarko ba kami o eroplano kasi sa visayas pa kami pupunta doon kasi yung isla ang gusto ni franz saka ni ruby eh mag barko kami pero pag nag barko kami mas matagal makaka rating 24 hours kasi yung byahe pag barko sayang din yung araw kaya napag kasunduan namin na mag eroplano nalang para mabilis 45 minutes lang kasi makakarating na kami ka agad dun saka hindi naman namin kaylangan mag dala nang maraming gamit at marami naman pwedeng m bilhan doon sa isla.
Naka tapos na kaming kumain kaya naisipan na naming umuwi na at gabi nadin kasi alas 7 na ng gabi hindi naman ako nag aalala na baka hanapin ako sa amin dahil nag message naman na ako kay mommy na gagabihin ako ng uwi at hindi ako makakasabay sa kanilang kumain ng hapunan.
Mabilis lang kaming naka labas ng mall mag tataxi nalang kami para maka uwi ka agad at dahil iba iba yung direction naming lima kaya kaylangan naming mag abang ng limang taxi mabuti nalang at maraming taxi na dumadaan pag ganung oras ya naka sakay kami kaagad.
Pag dating ko ng nahay nakita ko si mommy na naka upo sa sofa may iniinom katatapos lang siguro nilang kumain ng hapunan.
Hello mom bati ko dati sabay halik sa pisngi niya mom asan si daddy? tanong ko dito oh anak anjan kana pala nasa kwarto yung daddy mo may kinuha lang pero bababa din yun dito sige po mom mag bibihis lang po ako bababa din po ako agad may sasabiihin po ako sa inyo ni daddy okay sige anak hihintayin ka namin dito sagot ni mommy kaya dali dali akong umakyat papuntang kwarto ko. Naligo lang ko nag bihis saka pinatuyo ko lang saglit yung buhok ko saka bumaba nakitako sila mommy at daddy nanunuod sila ng balita sa tv kaya lumapit ako dito hello daddy sabay halik sa pisngi niya at na upo din ako a katabi nilang upuan.
Anak ano yung sasabihin mo sa amin ng daddy mo tanong sa akin ni mommy kaya napa tingin din sa akin si daddy ngumiti muna ako sa kanila bago sumagot mom dad napag usapan po kasi namin ng mga kaibigan ko na mag bakasyon next week kasi hanggang friday nalang yung klase namin nakikinig lang ssila sa akin at hindi nag sasalita kaya nag pa tuloy ako napag usapan po kasi namin na doon sa isla sa visayas kami pupunta kila tita bhec dahil namimiss ko nadin po sila ilang taon nadin naman po kasi na hindi ako naka punta doon kaya pumayag po ako okay lang po ba mom dad? tanong ko sa kanila kaya sumagot si daddy oo naman anak pwede kayong mag bakasyon doon malaki naman yung bahay doon kaylangan niyo din makapag relax alam ko naman na stress na kayo sa school lalo pa ngayon na graduating na kayo at paniguradong matutuwa yung tita at mga pinsan mo pag nalaman nila na pupunta kayo doon wag kang mag alala tatawag ako sa kanila at sasabihin ko na pupunta kayo doon ng mga kaibigan mo para mag bakasyon para maka handa naman sila.
tuwang tuwa ako dahil sa sinabi ni daddy kaya inakap ko silang dalawa thank you mom dad Ilove you po sabi ko sa kanila Ilove you too anak sagot naman nilang dalawa sa akin
anak kaylan pala ang alis niyo? ahh dad aalis po kami ng saturday morning sagot ko dito sige po mom dad magpaphinga na po ako sa kwarto to napagod po kasi ako goodnight po sige anak goodnight sagot nilang dalawa sa akin
Tumayo na ako at nag lakad papuntang kwarto ko excited nadin ako na maka balik sa isla ilang taon nadin kasi na hindi ako naka punta doon naging busy kasi ako sa studies ko sila mommy at dadddy lang yung pumupunta doon every year taga doon kasi talaga si daddy doon na siya lumaki kasama yung iba pa niyang mga kapatid pero si tita bhec lang yung na iwan doon ayaw niyang umalis ng isla si daddy naman nakilala niya si mommy nung siya na yung namamahala sa company nila at yung ibang mga kapatid ni daddy nasa ibang bansa may mga sari sariling mga negosyo din sila mamita at lolo dad naman nasa ibang bansa din ngayon nagbabakasyon sila yung mga magulang ni daddy si mommy naman nag iisang anak lang siya kaya siya din ngayon yung namamahala ng mga hotels and restaurants nila marami silang branch sa buong pilipinas kaya palagi ding busy si mommy sila lolo at lola naman matatanda na din nasa bakasyon din sila ngayon.
Alas nueve na pala ng gabi kaylangan kung matulog ng maaga at maaga din yung pasok ko bukas hindi ako pwedeng ma late at si sir jhon yung first subject ko bukas terror pa naman yun ayokong dagdagan pa niya yung pinapagawa niya sa akin kaya nahiga na ako at kinuha yung paborito kung unan antok nadin ako at mdyo pagod kaya madali akong naka tulog.
Nagising ako dahil sa nanaginip ako bakit ganun yung napaginipan ko aswang ayuko nang alahanin kasi nakakatakot tinignan ko yung oras 5:30 na pala ng umaga kaya bumangon nalang ako at naligo pagka tapoos ung maligo nag bihis na ako ng uniform ko at ng ayos ng sarili 6:30 na ako naka tapos kaya bumaba ako kaagad dumiritso ako ng kusina nakita ko pa si nana josie kaya binati ko ito good morning nana josie good morning din iha kumain kana ng almusal mo andun na sila mommy at daddy mo hinihintay ka na nila sagot nito sa akin sige po nana salamat po dali dali akong nag lakad papuntang dinning table nakita ko yung mga magulang ko good morning mom good morning dad bati ko sa kanilang dalawa sabay halik sa pisngigood morning anak kumain kana para maka alis na tayo ganito yung set up namin tuwing umaga sasabay ako sa kanila ihahatid nila ako sa school pagka tapos ihahatid din ni daddy si mommy sa office niya saka siya pupunta ng company ka hirap pag dalawa yung company ayaw kasi ni daddy na mag drive si mommy kahit marunong naman ito mag drive kaya palagi niya ito hinahatid pagka tapos sinusundo pag uwian at ako naman may sundo ako tuwing hapon pero minsan hindi ako nagpapasundo lalo na pag may lakad kaming magkakaibigan.