Mabuti nalang at malapit na yung bahay nila tita tumatakbo kami papuntang bahay nakita ko si tita sa labas akmang papasok na ito sa loob ng gate ng tawagin ko ito tita sabay akap dito namiss ko po kayo nagulat pa ito ng makita ako pero inakap din ako nito pabalik bumitaw ito ng akap sa akin at tumingin sa mga kaibigan ko bakit pala kayo tumatakbo? bakit parang may humahabol sa inyo at sino itong mga kasama mo ann? sunod sunod na tanong nito sa akin.
Tita mga kaibigan ko po pala pinakilala ko sila isa isa magandang gabi po tita sabay na nilang bati pagkatapos inaya na kami ni tita pa pasok ng bahay at nakaka agaw na kami ng atensyon sa mga kapitbahay.
Nung nasa loob na kami ng bahay tinanong kami ulit ni tita kung bakit kami tumatakbo kaya sinagot ko sya kasi po tita may nakita kaming aswang dun sa may malaking puno nakakatakot po yung itsura niya pagka sabi ko nun hindi agad naka sagot si tita kaya tinawag ko ito tita bakit? ano ba ang itsura ng aswang na sinabi niyo tanong nito si franz na yung sumagot sa kanya tita ang pangit po ng itsura mapula po yung mga mata tas yung buhok po buhaghag parang hindi naligo ng isang taon tas mahahaba din po yung mga kuko may pangil din po sya at masasabi po naming babae po yung aswang na nakita namin base po sa katawan niya mahabang sabi nito.
Alam niyo ba na kayo palang ang naka kita sa aswang kasi isang buwan na umaatake yung aswang na yan at wala pa may nakakita dito kaya hindi namin alam kung babae ba sya o lalaki nasabi lang din naman na aswang yung mga bumibiltima sa mga hayop hindi lang sa mga hayop meron din siyang binibiktimang mga tao dito kasi puro mga wala nang mga lamang loob pag nakita namin yung nagiging biktima nito.
Dahil sa sinabi ni tita nagkatinginan kaming magkakaibigan pero imbis na matakot makikita mo pa yung excitement sa mga mata namin para bang nagkaka intindihan kami alam namin na hindi magiging boring ang bakasyon namin. Pero wag kayong mag alala hanggang andito kayo sa loob ng bahay ligtas kayo narinig pa naming sabi ni tita hindi niya alam na hindi kami natatakot mas na eexcite pa kami sa mangyayare.
Dalhin niyo na ang mga gamit niyo sa taas pagkatapos bumabq na kayo at kakain tayo ng hapunan ann ikaw na bahala sa mga kaibigan mo alam mo naman kung alin yung mga bakanteng kwarto jan sige po tita sagot ko dito inaya ko na ang mga kaibigan ko na umakyat medyo may kalakihan din yung bahay nila tita kaya maraming kwarto alam kung bakante yung apat na kwarto sa tabi ng kwarto ko kaya doon ko na pinatuloy ang mga kaibigan ko bahala na silang mamila may sariling kwarto kasi ako dito sa bahay nila tita.
Pagkatapos naming maligo bumaba na agad kaming lima pag baba namin nakita ko yung dalawa kung pinsan na lalaki kaya tumakbo ako papunta sa mga ito at inakap silang dalawa natawa nalang ang mga ito yung annie namin na mimiss kami bakit ngayon ka lang nag punta dito? bakit hindi ka sumasama kila tito at tita pag nagbakasyon sila dito? sunod sunod na tanong nila ooppsss isa isa lang ang tanong kung maka tanong naman kayo sa akin parang ilang taon na tayong hindi nagkita eh samantalang tatlong buwan palang naman ang nakalipas nung huli tayong nagkita sa bahay at saka alam niyo naman na busy ako sa pag aaral kaya hindi ako nakaka sama kila daddy at mommy pag pumupunta sila dito kaya napatawa nalang yung dalawa sa sagot ko sa kanila pero napalingon ako sa mga kaibigan ko ng tumikhim si franz na wala sa isip ko na kasama ko pala sila hoy bruha ka nakalimutan mo na kami wala kabang balak ipakilala sa amin yang dalawa mong poging pinsan? kaya napatawa ako dito saka pinakilala ko sila isa isa at yung gaga tuwang tuwa naman maya maya lang narinig namin si tita oh sya mga bata halina kayo dito tama na muna yan kumain muna tayo kaya dali dali naman kaming pumunta sa hapag kainan ang daming ulam na niluto si tita puro seafood paborito namin ito pero may problema si judy saka si celine hindi marunong humimay ng alimasag paborito din nila yun kaya ng presenta nalang yung dalawa kung pinsan na ipag himay sila kaya ang mga lukaret tuwang tuwa naman.
Nakatapos kami ng hapunan na hindi natahimik yung hapagkainan dahil kay franz at ruby ang dadaldal kasi kwento ng kwento pati yung aswang na nakita namin na kwento din nila at dahil wala yung katulong nila tita umalis daw pagkatapos nila mag luto kanina taga dito lang din naman kasi yung mga katulong kaya pwede sila umuwi ng kahit anong oras dahil wala sila kaya tulong tulong kami sa pag ligpit ng pinagkainan namin pagkatapos naisipan namin na tumambay sa may balkonahe sa kasarapan ng aming pag uusap may bigla kaming narining sa bubong na para bang may dumapo doon kaya tumahimik kami at nakiramdam pero maya maya lang may narinig nanaman kami na parang may naglalakad sa may bubong napatingin sa akin ang mga kaibigan ko alam namin na yu
ng asawang yun sigurado kami na sinundan kami nito kasi base sa kwento ni tita wala pa may nakakita dito bukod sa aming lima.
Halina kayo pumasok muna tayo sa loob sabi ni mike yung pinsan ko kaya sumunod nalang kami dito. Nung nasa loob na kami nag salita si celine sinundan na tayo ng aswang na nakita natin parang baliwalang sabi nito tinignan ko isa isa ang mga kaibigan ko at ni konting takot wala manlang ako may nakita sa muka nila excitement ang nakikita ko kilala ko ang mga kaibigan ko kayang kaya nilang protektahan ang kanilang sarili.
Alas onse na pala ng gabi kaya naisipan nalang namin na matulog na hindi na namin pinag usapan yung narinig namin yung dalawa kung pinsan nag paalam na din na matutulog na si tita naman kanina pa nakatulog yun maaga kasi itong natutulog kaming sabay sabay na kaming lima na umakyat sa taas goodnight guys sabi ko sa mga ito bago pumasok ng kwarto ko.
Saktong alas sais ng umaga nagising ako pumapasok na yung liwanag ng araw sa kwarto ko kahit naka sarado pa yung bintana salamin kasi yung bintana at yung kurtina naka hawi ng konti bumangon na ako at binuksan ang bintana dagat agad ang bumungad sa akin ang sarap sa pakiramdam ang fresh ng hangin hindi tulad sa maynila na puro usok.
Pumasok na ako sa cr at nag ayos ng sarili pupuntahan ko yung mga kaibigan ko at paniguradong mga tulog pa ang mga yun lumabas ako ng kwarto pinuntahan ko yung katabi kong kwarto at kumatok bumukas naman ito at nakita ko si celine na pupungas pungas pa good morning bati ko dito good morning ang aga mo namang nambubulabog natutulog pa ako eh sagot nito sa akin may ayos kana jan muka kang aswang sa buhok mo sabay tawa hahampasin pa sana ako nito pero naka layo na ako dalian mo jan bumaba kana pagkatapos mong mag ayos ng sarili at paniguradong naka handa na yung almusal natin pupuntahan ko lang yung iba sabi ko dito habang naka ngiti hindi kasi maipinta ang itsura nito ayaw na ayaw kasi nito na kinukumpara sa iba lalo pa at sa aswang ko pa ito kinumpara dumidiritso na ako sa kasunod na kwarto at baka kung ano pa ang magawa ni celine sa akin ang sama ng tingin eh.
Pinuntahan ko si judy saka si ruby sa kanilang mga kwarto sinabi ko na din dito na bumaba na sila hindi ko na sila biniro at baka kung anong gawin nila sakin mamaya huli kung pinuntahan ay si franz pagkatok ko ng pinto bumukas ito at bumungad sa akin ang naka boxer lang na si franz na tulala pa ako saglit dito kasi ang ganda ng katawan parang hindi bakla bumalik lang ako sa aking sarili nung magsalita ito good morning ann ang aga mo naman tumikhim muna ako bago sumagot para kasing may bumara sa lalamunan ko good morning mag ayos kana at pagkatapos bumaba kana din agad hihintayin ka namin sa baba pagkasabi ko nun aalis na sana ako pero hindi ko alam kung bakit lumingon pa ako ulit dito at nag salita franz tawag ko dito naka taas naman yung kilay nito sa akin bakit? ang ganda pala ng katawan mo parang hindi ka bakla pa akap nga at wooowww ang abs anim hahawakan ko na sana ito ng bigla itong umatras ang gaga parang nandidiri habang naka tingin sa akin lumayas kana ann kinikilabutan ako sayo kaya napatawa ako ng malakas dahil sa reaction nito hahawakan lang naman franz eh ang damot mo akmang hahawakan ko sana ulit ng tumakbo ito papuntang cr kaya hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko at tumawa ako ng malakas umalis na ako at baka maisipan ko pang pasukin si franz hanggang ngayon naiisip ko padin ang ganda ng katawan nito ngayon ko lang kasi ito nakita na naka boxer lang. Pagkababa ko didiritso sana ako sa kusina kaso parangay narinig akong nag uusap sa labas kaya sumilip ako at nakita ko si ruby, Celine at judy saka yung dalawang pinsan ko na may kausap na babae ang sexy at ang puti maganda din ito yung tatlo ko namang kaibigan parang hindi maipinta ang itsura kaya lumabas nadin ako at dahil nga may pagka chismosa ako lumapit ako sa kanila kaya nakita ko sa malapiitan yung babaeng kausap ng dalawa kung pinsan maganda ito pero parang may kakaiba dito tinignan ko yung tatlo kung kaibigan naka titig padin sila sa babae pero yung babae parang hindi kami nakikita sino kaya ang babaeng to?