Hawak ang kanyang ulo ay naguguluhang nagpalinga-linga si Wenona nang magising mula sa pagkakatulog. Ngayon ay pumasok na sa kukuti niyang nakahiga na siya sa isang malambot na kama. Malayo sa magulong palengke kung saan ay natatandaan niyang naroon siya. “Tulog? Hi-hindi naman ako natulog. Nasa pamilihan ako!” bulalas niya sabay mabilis na bumangon at tumayo. Agad siyang napahawak sa kanyang dibdib habang mabilis na nagtago sa likod ng kurtina. Nagsisimula na siyang maluha matapos rumagasa ang kanyang mga alaala na na-kidnapped siya matapos magtiwala sa isang lalaki na may magandang mukha. Her lips were trembling as her nail dug into her bare skin. “Lintik ka kasi, Wenona! Ba’t ba sucker ka pagdating sa mga gwapo at magaganda . . ? ’Yan tuloy ang inabot mo!” bulong niya at mas lalong hu

