ISANG linggo na mula nang umalis siya sa bahay ni Kier. Mula sa subdivision ay sumakay siya ng taxi. Nagpahatid siya sa taxi driver patungong Tagaytay. Nag-check in siya sa bagong bukas na hotel and restaurant sa Tagaytay. Habang naroon siya ay iniisip niyang umalis ng Pilipinas at dalawin sa America ang kanyang Kuya Tristan. "Thank you," nakangiting sabi niya sa babaeng naghatid ng order niya sa table na inukopa niya. Hinalo niya ang kape. Nalanghap niya ang mabango nitong aroma. Nilantakan niya ang isang slice strawberry cake. Masarap! Pero mapait siyang napangiti. Kanina lang ay kausap niya sa telepono ang kanyang ina. Ipinaliwanag niya ang lahat dito. Pero nagpaalam siyang hindi muna magpapakita sa mga ito. Puwede rin sigurong hindi na. She was not sure of anything anymore. Basta g

