RYZA SAMSON Gaya ng inaasahan ko, nagulat si mommy at daddy sa mabilis kong pagbalik sa bansa ngayon at pagsulpot sa bahay namin. Alam kong bukas na ang kasal ni Ryan kaya sinikap kong makapag-booked agad ng maagang flight kahapon pa lang para makausap ko siya ngayon tungkol sa naging offer niya sa akin noong magkausap kami sa chat. At iyon ngayon ang dahilan kung bakit kami magkaharap na nag-uusap ni mommy sa veranda dahil nalaman niyang kaya ako bumalik sa bansa ay dahil kay Ryan. Hindi ko kasi sinasadyang maiwanan ang cell phone ko kanina sa kama at hindi ko iyon nai-lock bago ako pumasok sa banyo para maghilamos. Kaya nagulat na lamang ako nang makita kong hawak na niya iyon paglabas ko sa banyo. At nang lumapit ako sa kaniya para kuhanin iyon, nakita kong naka-open ang chat conv

