RYAN DELA CRUZ Tahimik na umaagos sa pisngi ko ang luha habang nakayuko sa ibaba, sa puntod ni Ryza. Kanina kasama ko pa si Tita Colina, Tito Matt at ang dalawa pa nilang anak, dahil kami ang huling naiwan sa puntod. Pero nagpaalam din sila agad dahil may aasikasuhin pa raw silang mga kamag-anak sa bahay nila na galing pa sa ibang bansa, umuwi lang nang mabalitaan ang nangyari kay Ryza. Hindi ko akalain na ganito kabilis ang araw. Dalawang gabi ko lang nagawang makipaglamay dahil noong una at pangalawang gabi niya, nagdalawang-isip pa 'ko. Para kasing hindi ko kaya. Hindi ko siya kaya'ng makita na wala ng buhay. Hindi ko kaya'ng makita siya na hindi ko man lang siya makakausap. O kung kakausapin ko man siya, wala na siyang kakayahan na sagutin ako. Sa dalawang gabing pananatili ko sa

