WYNTER JUAREZ I drifted off after the first time, and dreamed of many strange things. Iyong BFF fries sa McDo na naging kasing haba ng talahib. Iyong spaghetti na kulay violet. Umulan ng iced coffee at nagsahod ako ng maraming timba para lamang ipunin iyon at ipainom lahat kay Ryan. Then we went back to the villa at sumakay kami ng bus, pero siya ang nagda-drive at ang driver naman ang nasubsob. Bumili kami ng burgers na buy 1 take 1 pero isa lang ang binigay sa amin kaya naghati na lang kami, pero napunta sa kaniya lahat ng meat. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog, o kung anong oras na sa kasalukuyan. Ang alam ko lang, madilim pa sa labas dahil bahagya kong idinilat ang mga mata ko at iyon ang aking unang tinanaw—ang bintana. Bahagya akong bumaling sa gilid ko upang sulyapa

