RYAN DELA CRUZ Magkakaharap kami ngayon nila James, Arthur at Peter sa bilog nilang mesa sa likod-bahay, umiinom. Huling araw na ngayon ng honeymoon kuno namin ni Wynter, pero ni minsan hindi naman kami nagsama. Maliban do'n sa gabing napilitan akong puntahan siya sa club dahil sa pamimilit sa 'kin ni Keycee na ipasundo siya. Pero walang nangyari sa amin no'n kahit pa sa iisang kama kami nahiga. Sa sahig kasi sana ako matutulog no'n pero wala akong pangsapin at wala ring kukumutin. Kaya no choice ako kun'di tumabi sa kaniya. Pero dahil hindi ako sanay na may katabing ibang babae sa kama, halos hindi ako nakatulog nang maayos no'n. Speaking of her, hindi ko alam kung saang lupalop siya naglagi. Huli kong kita sa kaniya, nu'ng umalis siya sa kwarto ko matapos siyang magising sa kalasi

