KEYCEE POV Nakasakay kami sa malaki naming private van at kasalukuyang papunta sa airport. Isa sa mga sikat at dinadayong island ang pupuntahan namin. One week ang ilalagi namin ro'n kaya kinailangan din ni Ace na ipagpaalam si Ryan sa lolo nila. Baka raw kasi akalain nitong tumakas para hindi maikasal. At imbes na si Ace ang nagda-drive sa van, kinailangan niyang magsama ng isang driver para maiuwi rin ang sasakyan sa oras na maihatid kami sa airport. Si Ryan ang katabi ng driver at kasalukuyan niyang inaayos ang camera niya dahil magsho-shoot daw siya. Kami naman ang nasa passenger seat ni Ace at ng mga bata. Maluwang ang van dahil customized iyon kaya nagkasya kami sa unang line. Iyon nga lang ay kandong ko si Summer dahil ayaw bumaba sa 'kin. Katabi ko naman si Love, then si Fa

