THIRD PERSON POV BEFORE THE ACCIDENT... [CAFE] A man wearing a black jacket and also a black baseball cap entered the glass door of the cafe, where Juarez and Samson were scheduled to meet. Saglit niyang ibinaling ang tingin sa dalagang nakaupo sa bandang sulok, kay Ryza Samson, na ngayon ay mag-isa pa lamang. Batid niyang maya-maya lang ay darating na rin ang katagpo nitong si Wynter kaya naman pumuwesto na rin siya sa isang bakanteng mesa, sa gawing sulok din sa kabilang bahagi, ngunit sapat ang distansya upang matanaw niya ito. Dinukot niya agad ang bulsa sa bandang kanan at inilabas doon ang cell phone upang i-check ang mensaheng pumasok, dalawang minuto pa lamang ang nakalipas. "Do your job properly." "Yes, boss!" reply niya agad. Nang mai-send iyon ay agad niyang binalik sa

