RYAN DELA CRUZ Dahil sa sinabi ni Wynter na sasamahan daw ako ng multo, hindi ko naiwasang ikutin ang kwarto kung saan ako inihatid Monet. Maayos naman. Wala naman akong nararamdaman na kakaiba. Magaan naman at mukhang makakatulog ako nang matiwasay dahil kaamoy ng Shangri-la Hotel ang kwarto. "May kailangan ka pa ba?" Nasa tapat pa rin ng pinto 'yung Monet. "Para maigayak ko bago ako maghugas ng pinggan sa baba." Binalingan ko siya. "Wala na." "Sige. Baba na 'ko." Patalikod na sana siya nang bigla akong may naalala. "Teka pala!" Nilingon naman niya 'ko agad. "May beer ba kayo rito?" "Uhm. Meron naman. Nasa ref. Dadalhan ba kita?" "Hindi na. Ako na lang bababa mamaya." Tumango lang siya bago tuluyang umalis. Siya na rin ang nagsara ng pinto. Nagtanong ako ng beer dahil balak ko t

