Chapter 27 Sa wakas ay nakabalik na si Jane Rose ng ligtas sa kanyang pamilya. Masayang-masaya ang kanyang bunsong kapatid at nanay ng makita siya. "Anak? Nagbalik kana." Masayang sambit ni Aling Dolores na kanyang ina. "Nay, na miss ko kayo!" Umiiyak na niyakap ni Jane Rose ang kanyang nanay. "Rosalie! Nandito na ang ate mo!" Tawag ng nanay niya sa bunso niyang kapatid. "Ate!" Umiiyak na yumakap si Rosalie sa kanya. "Shhh, Andito na ako." Hinaplos niya ng banayad ang likuran ng kapatid. Alam niyang naghirap ito sa kamay ng kanilang Tatay ng wala siya. Mabilis na napatingin sa paligid si Jane Rose ng maisip ang ama. "Nasaan si Tatay?" Tanong niya sa kapatid. "Alam mo naman na nasa sugalan palagi ang Tatay mo, Jane Rose. Kumain kana muna at ilagay mo na yang bag mo sa kwarto." Sa

