Her reward

1832 Words
Chapter 5 "Ahhhhh!" Malakas na sigaw ni Jane Rose. Binabangungot na naman siya! Napabalekwas siya ng bangon at napatingin sa kanyang paligid. Nasa mansion na siya ng Gobernador! Ang natatandaan niya ay hinimatay siya ng makita kung paano bumaril ang Gobernador. Pagkatapos ay wala na siyang maalala. Nakatulog siya ng mahimbing at ngayon lang nagising. Iniisip palang niya kung paano siya nakabalik dito sa mansion ay nakakahiya na! Pakiramdam niya ay biglang naging pabigat siya sa Gobernador. Pero hindi mo rin naman siya masisisi dahil unang beses niyang makasaksi ng ganoong tagpo. Brutal at nakakatakot! Napabalekwas siya ng bangon ng makarinig ng sunod-sunod na katok. Nagtaka siya ng madama ang kanyang sugat. Parang gumaling na ito! Magic? Isang gabi ay gumaling na kaagad? Nasaan na yong nurse? Wala sa sariling tanong niya. Pagbukas niya ng pintuan ay seryosong mukha ni Eugene ang kanyang nabungaran. Muntik niya ng pagsarhan ng pintuan ang pagmumukha nito! Buti nalang at nanatili siyang kalmado at hindi nagpadala sa kanyang takot. "The Governor is waiting for you outside. May 5 minutes ka para makapagbihis." Sabi ni Eugene at mabilis na tumalikod. Yon lang? Napatanong naman si Jane Rose ng wala sa oras. Pero syempre, hindi narinig ni Eugene ang tanong niya dahil mabilis itong umalis. Dahil 5 minutes lang ang oras niya ay hindi na siya pwedeng maligo! Bakit ba naman ang hilig ng Gobernador sa mga minutes! Hiyaw ni Jane Rose sa kanyang isipan habang mabilis na nagbibihis. Napatingin siya saglit sa kanyang tiyan. Maayos ang pagkakatahi nito at sa tingin niya ay hindi naman malalim ang sugat kaya naghilom kaagad. Ito ay bakas at marka ng kanyang pagligtas sa buhay ng Gobernador! Natutuwa siya dahil may utang na loob na ito sa kanya at sana ay nakuha niya rin ang tiwala nito. Hindi na siya nag make-up dahil wala siyang gana. Nagsuklay lang siya ng kanyang buhok. Nakapaghilamos na naman siya ng madalian. Natanggal na ang bakas ng mota at laway pagtulog niya kagabi. Mabilis siyang lumabas ng kwarto at napatingala sa itaas. Mapapasok din niya ang kwarto sa third floor! Kailangan niya lang kunin ang tiwala ng Gobernador at sekretong magmanman kung nasaan ang susi nito. Sa ngayon ay gagampanan muna niya ang pagiging Pet ng Gobernador. Pero sana ay wala ng gulo sa pupuntahan namin ngayon! Bulong niya sa kanyang sarili. Paglabas niya ng mansion ay andiyan si Eugene at nakatayo sa gilid ng limousine ng Gobernador. Kahit mahirap lang siya ay kilala naman niya ang mga mamahaling sasakyan. Pakiramdam niya ay espesyal ang kanilang pupuntahan ng Gobernador dahil mamahaling kotse ang gamit nito. Noong magpunta sila sa Bayan ng Santa Cruz ay hindi kagandahan ang dalang kotse nito. Hindi niya pinansin ang masamang titig ni Eugene sa kanya. Kailangan siyang umiwas dito! Pinagbuksan siya nito ng pintuan at ang nakangiting Gobernador ang bumati sa kanya sa loob ng kotse. Hindi niya alam kung bakit sumagi sa kanyang isipan ang kakaibang anyo nito na may hawak na baril! Bigla siyang natakot at kinabahan. Agad din naman niyang iwinaksi ang masamang isipin. Hindi niya na gustong maulit ang experience na 'yon! "Are you feeling well now?" Nakangiting tanong ng Gobernador ng makaupo siya sa tabi nito. "Oo, Salamat sa pagpapagamot sa akin." Pasasalamat ni Jane Rose. "No, Thank you Jane Rose for saving me." Giit ng Gobernador. Medyo nahiya siya dahil first time na may nagpasalamat sa kanya. At Gobernador pa! Sa bahay nila, kahit maligo pa sila sa sarili nilang dugo ay walang pakialam ang kanilang ama basta makainom lang ito. At parang tuod naman na sunud-sunuran ang kanilang ina. Ibinilin niya ang kanilang ina sa bunso nilang kapatid. Alam niyang labis na nagdurusa ito ngayon dahil wala ng ibang mapag-iinitan ang walang kwenta nilang ama. Pero desidido na siyang hanapin ang kanilang Ate Naomie. At isang buwan lang naman siyang mawawala. Sumang-ayon naman ang kanyang kapatid dahil mahal din nito ang kanilang ate. Titiisin nito ang masamang ugali ng kanilang ama. Nasanay na naman sila pero naiinis parin si Jane Rose kapag kinukuha ng kanilang ama ang mga naipon nilang pera. "I want to give you a reward for saving my life," sabi ng Gobernador na nagpabalik kay Jane Rose sa kasalukuyan. Kung saan-saan na lumipad ang kanyang isipan! Ipinagdarasal niya na sana ay okay lang ang kanyang nanay at kapatid hanggang makabalik siya. Pero may agam-agam sa kanyang puso kung makakabalik pa ba siya sa kanyang pamilya? Hindi niya alam... Basta ang importante sa kanya ngayon ay makakalap ng impormasyon at mahanap ang kanyang Ate Naomie! "Ah, hindi na kailangan mahal na Gobernador. Kahit sino naman ay ililigtas ka. Nagkataon lang na ako." Nahihiyang tanggi ni Jane Rose. Alam niyang grasya ang kanyang tinatanggihan. Pero ano ang magagawa niya. Eh, nahihiya siya! "No, I insist. You're my Pet and you are still in my care." Pagpupumilit ng Gobernador. Medyo nailang si Jane Rose ng marinig ang salitang Pet! Alam niyang napakalaki ng agwat ng status nila sa buhay ng Gobernador. Pero ngayon lang niya nadama ang sampal ng katotohanan. Kaya kailangan niya ng mag-ingat at huwag magpa dalus-dalos sa pagkilos. She will always be the Governor's servant. His Pet to play to... Yan ang dapat niyang itatak sa isipan niya! "Kung mapilit po kayo ay sige," nahihiya niyang pag sang-ayon. Pansin din niya na napakagalang niya ngayon! Kailangan niyang sumobra sa kabaitan upang magtiwala sa kanya ang Gobernador. Kahit ilang kutsilyo pa ay sasaluhin niya. Makahanap lang siya ng impormasyon kung nasaan ang kanyang Ate. Hindi niya alam kung magkakalakas siya ng loob na tanungin nalang ng deretso ang Gobernador. Sana maitanong ko... Bulong ni Jane Rose. Lutang na naman siya at kung anu-ano na naman ang kanyang naiisip! "That's good. But before that-" pabitin na sabi ng Gobernador. Napatingin naman si Jane Rose sa gwapong mukha ng Gobernador. Napakagwapo talaga nito! Hiyaw niya sa kanyang isipan. "Don't call me Governor anymore. Nakaka Lolo!" Nakatawang sabi nito. "You know I'm still young, Feel free to call me Bryant." Dagdag pa nito. Bryant... Muling bulong ni Jane Rose sa hangin. Masarap sa pandinig ang pangalan ng Gobernador! "Kung yan ang gusto mo. B-Bryant," nabubulol na sabi ni Jane Rose. Awkward parin para sa kanya ang tawagin sa pangalan nito ang Gobernador. "That's good!" Masayang sabi ng Gobernador. Hindi niya alam kung bakit masaya siya at bibigyan pa ng reward ang kanyang Pet! It's the first time in history na magbibigay siya ng reward. But he thinks that Jane Rose deserve it for saving his life! "Are you ready for your surprise?" Nakangiting tanong ng Gobernador. Nagulat naman si Jane Rose. Na sorpresa na siya habang hindi pa niya alam kung ano ang surprise ng Gobernador para sa kanya! Pa'no naman. Ang gwapo nito kapag ngumiti. Makalaglag panty talaga at pakiramdam ni Jane Rose ay pulang-pula na ang pisngi niya. "Yes," maikli niyang sagot. "Let's go!" Sigaw ng Gobernador. Sinabayan naman ng kanilang driver ang sigaw ng Gobernador at pumaharurot na ito ng takbo. Napatingin si Jane Rose sa paligid. Nakalabas na sila ng bayan ng Santa Leticia. At tinatahak na nila ang papuntang syudad! Kung saan ay doon siya nakatira. Sa madilim na eskinita na sobrang sikip sa may squatter's area. Gusto niyang kamustahin ang ina at bunsong kapatid pero hindi naman niya magagawa yon. Napabuntunghininga nalang siya ng malalim. Na miss lang siguro niya ang pamilya kaya nalungkot siya ng bigla. She needs to indulge everything kung gusto niyang magtagumpay sa kanyang misyon. Focus Jane! Ito ang palaging hiyaw niya sa kanyang isipan. Hindi pa niya alam kung ano ang sorpresa ng Gobernador pero excited naman siya. Kailangan muna niyang iwaksi ang masamang isipin. ************************ Nakarating sila ng siyudad at dinala siya ng Gobernador sa pinaka sikat at mamahaling restaurant. At unang beses niyang makakain ng ganito kasarap na mga putahe! No! It's an expensive cuisine! Sigaw ni Jane Rose sa kanyang isipan. Familiar naman siya sa mga mamahaling restaurant dahil may experience siya noon bilang Secretary. Kahit maliit lang ang kanilang kompanya. Dahil paminsan-minsan naman ay kumakain ang kanyang Boss with a client sa mga ganitong restaurant. At bigla na naman niyang na miss ang trabaho! Wala na siyang trabaho na babalikan dahil hindi pumayag ang kanyang Boss na mag leave siya ng isang buwan. Pero mas pinili parin niyang mawalan ng trabaho para sa kanyang Ate Naomie! "This delicious foods are for you. Dig in!" Paanyaya ng Gobernador. Syempre bigla siyang naglaway at kumalam ang kanyang sikmura. Pakiramdam niya ay gutom na gutom siya! "Salamat Bryant. Ngayon lang ako makakakain ng ganito ka sarap!" Masayang sagot ni Jane Rose. Hindi na siya nahiya na tawagin ang pangalan ng Gobernador dahil ang nasa isipan niya ngayon ay pagkain! Nawala ang hiya at lumipad sa kung saan. "I'm glad, Enjoy your reward food Jane Rose." Sabi ng Gobernador. At hindi na siya nakapag thank you dahil sinimulan niya ng kainin ang masarap na steak. Puro mamahalin at ang sasarap ng mga pagkain! Hindi niya napigilan ang sarili at nakalimutan niyang andiyan lang ang Gobernador sa harapan niya! Napatigil siya ng kain ng makita ang natutuwang mukha ng Gobernador. Nabitawan niya ang kanyang kutsara at biglang napahiya. "Sorry, Bigla akong nagutom." Paumanhin niya. Napatawa ang Gobernador. He's amused seeing his Pet eating like this! "It's okay. Feel free to eat. Kainin mo ang lahat ng gusto mo Jane Rose hanggang mabusog ka. I bet na ginutom ka ng husto dahil tatlong araw kang natulog." Paliwanag ng Gobernador. Kakain na sanang muli si Jane Rose pero nabitawan niyang muli ang kanyang kutsara. Tatlong araw siyang natulog? Kaya pala medyo magaling na ang kanyang sugat! Grabe! Hindi makapaniwalang sigaw ni Jane Rose sa kanyang isipan. Sino ba ang mag-aakala na sa kanyang pagkahimatay ay tatlong araw siyang ma knock out?! Iniisip palang niya ang mukha ng Gobernador ng mga sandaling 'yon ay kinikilabutan na siya! "Tatlong araw talaga?" Di-makapaniwala niyang tanong. "Yes, kaya kumain ka hangga't gusto mo." Nakangiting sagot ng Gobernador. Syempre kumain siya ulit pero ang creepy lang sa pakiramdam ng makita niya ang kanang kamay ng Gobernador na si Eugene na nakatingin sa kanya! Nakatayo ito sa di-kalayuan sa kanilang lamesa at matiim na nakatitig sa kanya! Ayaw niyang mawalan ng gana kaya hindi niya pinansin ang masamang titig ni Eugene. Matapos siyang busugin ng Gobernador ay ipinag shopping naman siya nito! The sky is the limit pa. Gamit ang black card ng Gobernador. Noong una ay nahihiya pa siya pero sa kalaunan ay nalula siya sa sobrang ganda ng mga damit, bag, sapatos at kung anu-ano pa. Madaming bodyguards ang nakasunod sa kanilang likuran habang bitbit ang kanyang mga pinamili. Ito ay isa sa pinakamasayang araw niya! Halos bilhin niya na ang buong mall dahil na overwhelmed siyang bigla. Ganito pala mag shopping ang mga Bilyonaryo? Wala sa sariling naitanong niya sa kanyang isipan. Naranasan din niya ang mag buhay mayaman kahit isang araw lang! At ng gabing iyon ay mahimbing at may ngiti sa labi na natulog si Jane Rose...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD