NGAYONG ARAW ANG company outing nila Samantha, napilit siya ni Aivee na makasama sa sariling niyang company outing, napagusapan nila na sa La Union ang pupuntahan nila. Kasalukuyan siyang nasa tabing dagat at nagmumuni-muni, kaninang umaga sila dumating sa resort, nagpahinga muna siya pagdating at ngayon hapon ay nagpasya na siyang maglakad lakad na muna. Buti na lang ay sumama siya sa company outing dahil pakiramdam niya ay makakapagpahinga ang utak niya sa mga nangyayari sa buhay niya. Dalawang araw na ang nakakalipas mula noong huling paguusap nila ni Pierre at mula noon ay wala na siyang narinig na balita pa dito, hindi na din siya sinasagot ng ina nito noong nangangamusta siya, pakiramdan niya ay kasalanan niya kung bakit nagkaganoon si Pierre. Apat na araw na din ang nakakalipas m

