"SAM, WAKE UP" "Hmm..." "Wake up" Iminulat niya ang kanyang mga mata, ramdam niya ang sakit ng kanyang ulo. Nasa sasakyan pa din sila ni Alex. "We're home?" tanong niya habang pinupunasan ang mga mata dahil pakiramdam niya ay nanlalabo ang kanyang paningin. "No, we're going somewhere" napatingin siya dito dahil sa sinabi nito. Bakit parang ang gwapo ni Alex sa paningin ko ngayon? Naka-puting v-neck sweater ito at simpleng pantalon lang naman pero iba ang dating nito sa kanya, kahit saan siya tumingin ay parang ang gwapo nito. Nakita niya ba ng ganto si Pierre dati? "We're are we Alex?" tanong niya uli nang hindi sumagot si Alex. "I want to show you something" sabi lang nito habang abala sa mga gamit na kinukuha sa likod ng sasakyan. "Sa parking lot?" nagtatakang tanong niya dahil

