PAGDATING NILA SA mansyon ay agad silang nagtungo sa Study Room ng kanyang ama, habang nasa byahe ay ilang beses niyang tinatanong si Alex kung ano ang nangyari pero hindi ito sumasagot at sinasabi lang na ang kanyang ama na lang ang magpapaliwanag sa kanya. Nasa loob din ng Study Room ang si Mang Benny, Loisa, Agnes, at Andres, nakaupo ang mga ito sa conference table at nasa gitna naman nakaupo ang kanyang ama. "Please sit down Samantha and Alex" utos sa kanila ng kanyang ama pagdating nila. Tumabi siya sa pagitan ni Mang Benny at Loisa, umupo naman si Alex sa tapat niya, katabi nito si Anges at si Andres. "I received a bad news tonight..." bumuntong hininga muna ang kanyang ama bago muling nagsalita. "Rebecca has scaped" "What?" gulat na tanong niya. "Paano siya nakatakas?" mahinah

