Chapter 3

2808 Words
KINUBUKASAN AY MAAGANG nagising si Samantha dahil kailangan niyang maghanda sa mga pupuntahan nila ni Aivee ngayong araw. Pagdating nila kagabi sa bahay ay sinabihan niya na agad si Loisa na maaga siyang aalis kaya kailangan maaga din ito sa paghahanda. Hindi na pumasok ng mansyon nila si Pierre kagabi dahil pagod na din ito at gusto na din niyang makapagpahinga ni Samantha. “Good morning Ma’am, ready na po yung breakfast” bati ni Loisa nang makarating siya sa kainan nila. “Thanks” maikling sagot siya. Ibinigay sa kanya ni Loisa ang inihanda nitong pagkain bilang baon dahil sa opisina na siya kakain. “You’re to early Samantha ha?” bati ng kanyang ama na kararating lang sa kainan. “I have a lot of meetings today Dad, pupuntahan ko din ang site for the new branch” sagot naman niya, sinalubong ito para bumeso. “You want me to come on the construction?” tanong ng kanyang ama. “It’s up to you Dad, let me know para matawagan kita kapag papunta na ako doon” sagot niya. “Alright, will call you na lang hija” “Okay Dad, I’ll go na, baka kung saan pa ako idaan nitong bodyguard s***h driver ko” pagsusungit na sabi niya nang makita niya si Alex na kakapasok lang sa kanilang mansyon. Napakunot-noo naman ang kanyang ama. “What do you mean?” tanong nito. “Never mind Dad” sagot nito habang patuloy sa paglabas ng kanilang mansyon. Hindi na niya hinintay pang sumagot ang kanyang ama o si Alex. Nakita niya ang pagmamadali ni Alex papunta sa sasakya para pagbuksan siya ng pintuan, nagkatinginan pa sila sa isa’t isa bago siya tuluyang pumasok ng sasakyan. “Just tell me immediately kung saan tayo dadaan” sabi niya dito. Nakita niya ang pag ngisi nito bagi sumagot. “Sa original niyong daan, ma’am” sagot nito bago tuluyang pinaandar ang sasakyan. Habang nasa sasakyan ay nagtatrabaho na si Samantha sa kanyang laptop at sa mga ilang papel na dala niya mula kahapon. Naghahanda siya para sa mga meetings at pag-punta niya sa construction site. Nang huminto siya sandali sa pagtatrabaho ay napalingon siya ng hindi sinasadya sa kanyang bodyguard na umiwas ng tingin sa kanya mula sa rear view mirror ng sasakyan. Hindi malaman ni Samantha kung ano ang iniisip ng kanyang bodyguard at madalas niyang napapansin na nakatingin ito sa kanya. Minsan iniisip niya kung tama ba ang pili ng kanyang ama sa kanyang bodyguard dahil sa napapansin nitong pagtingin-tingin sa kanya. Pero hindi naman niya matanong ng maayos ang kanyang ama dahil madalas ay nauuwi sa sigawan ang pag-uusap nila. Pagkalipas ng tatlumpung minuto ay nakarating na sila sa restaurant, wala pang tauhan dahil maaga pa, alas singko pa lang ng umaga at alas otso pa nagdadatingan ang mga tauhan ng restaurant dahil alas dyes ng umaga ang bukas ng restaurant, alas-otso din ang pasok ng office staff. Si Samantha na ang nagbukas ng restaurant sa likod kung saan daanan ng mga staff, hindi na siya nagpabukas pa sa sekya na kasalukuyang nasa harapan ng restaurant, nagpababa na lang siya sa tapat ng restaurant at naglakad papunta sa likod nito dahil kailangan pang i-park ni Alex ang sasakyan. Pagdating niya sa kanyang opisina ay may naaninag siyang anino sa pwesto ng HR department, wala pang ilaw na nabubuksan kaya hindi niya alam kung guni-guni lang niya ang nakita niya o tao nga ba. Imposible. Ang sabi nito sa kanyang sarili dahil nakasara pa ang pinto noong pumasok siya. Nag-desisyon siya na huwag munang buksan ang ilaw para kung sakaling magnanakaw iyon ay hindi agad siya makakatakbo o makakakilos dahil madilim pa sa paligid. Dahan-dahang naglakad si Samantha sa pwesto ng HR Department para makita kung sino man ang nakita niya. Pagdating sa HR Department ay binuksan niya ang ilaw para lang sa department na yun, pero wala siyang nakita. Dumeretso pa siya ng lakad para puntahan ang accounting department dahil nasa dulo iyon at maaring doon dumeretso ang nakita niya ng biglang may humawak sa balikat niya. “Oh s**t!” gulat na sabi niya. Nang lumingon siya ay nakita niya na si Alex ang humawak sa kanya. “Nakalabas na siya” sabi ni Alex. Napakunot-noo naman si Samantha. “Nakita mo?” tanong niya. “May nakita akong tumalon sa bintana na yan..” sabay turo sa bintana na malapit sa Accounting Department. “..pabalik na ako dito, hahabulin ko sana pero may sumundong sasakyan sa kanya kaya nagtago na lang ako para hindi nila ako mapansin para makita ko yung plaka ng sasakyan” “And?” tanong ni niya. “Walang plaka yung sasakyan” sagot nito. Napabuntong-hininga naman ang dalaga. “May idea ka ba kung sino yun?” tanong ni Alex habang papunta sa bintana kung saan sa tingin niyang tumalon ang taong nakita niya. Nag-isip muna siya bago sumagot. “Ang alam ko marami kaming natatanggap ngayon na death threat pero wala akong idea kung sino yun” sagot niya. Napaupo siya sa isang upuan sa HR Department. “I’ll check the CCTV later” mahinang sambit niya. Sa hindi malamang dahilan ay parang nanghihina ang pakiramdam niya, lagi niyang sinasabi sa kanyang ama na death threat lang yan, nananakot lang sila para makuha ang business ng kanilang pamilya o kaya ay baka may gusto lang manira sa kanilang pamilya. Ngunit ngayon sa kauna-unahang pagkakataon na may nakita siyang isang tao na umaaligid ay takot na ang nararamdaman niya. Tuluyan namang binuksan ni Alex ang ilaw sa buong second floor at tumingin ito sa kanya. “Sigurado ka bang wala kang alam?” tanong nito. Kunot noo siyang tumingin kay Alex. Nagulat siya ng makita nitong seryoso ang muka nito at tila may galit sa mata. “Are you accusing me?” mataray na tanong niya sa kanyang bodyguard, hindi siya nagpatinag sa titig nito. Tumikhim ito at umiwas ng tingin sa kanya. “I’ll manage the CCTV” sabi nito at tumalikod na sa kanya. “What do you mean?” Nakita niya ang pagbuntong hininga nito bago ito sumagot. “Let’s keep this between to us muna, it can be an inside job” sagot nito. “One of my employees?” gulat na tanong niya. “Possible, alam niya kung saan dadaan, alam niya kung pano isara ang bintana...” muli itong tumingin sa kanya. “..at isa pa, walang nagulo sa opisina kung magnanakaw lang siya” pagtatapos nito. Bumuntong-hininga siya nang mapagtanto niyang tama si Alex. “What is your suggestion?” mahinang tanong niya. “Let me do the investagation, sa atin lang muna to, wag mo munag sabihin kahit kanino” sagot nito. “Even Dad and Pierre?” “Sasabihin natin kay Don Tonny, baka sakaling may alam siya kung sino ang pwedeng gumawa noon..” tumalikod muli ito at tumingin sa bintana na nilapitan nito. “..for your boyfriend, it’s up to you” pagtatapos nito. Ilang minuto pang nagpababa ng emosyon si Samantha bago siya pumunta sa kanyang opisina. Sinigurado naman sa kanya ni Alex na wala na itong napansing kakaiba pa sa opisina bago ito pumwesto sa lobby. Nang mapansin ni Samantha na may paunti-unti nang dumadating sa opisina nila ay nagpasya siyang pumunta sa pantry para kumuha ng kape, dahil wala pa si Aivee, siya na ang nagkusang nagtimpla ng kanyang kape. Hindi mawala sa isipan ng dalaga ang nagyari kanina, kung sino iyon at kung ano ang pakay nito sa restaurant niya. Pabalik na siya sa opisina niya ng mapansin niya si Alex na abalang-abala sa kanyang selpon at seryoso ang mukha nito, nang mapalingon ito sa dereksyon niya ay tila may kung anong gulat sa mata ng binata, at agad naman siyang umiwas ng tingin at tuluyan ng pumasok sa kanyang opisina. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya mapakali sa kanyang bodyguard, pakiramdam niya ay may masamang motibo ang kanyang bodyguard sa pamilya nila, pero kung ang ama niya ang nagpasok sa kanyang bodyguard ay nasisigurado naman ang kanyang ama na maayos ito, pero sa isang banda ay maaari namang napaikot nito ang ulo ng kanyang ama kaya napapayag nitong makapasok sa kanila. Para kay Samantha ay kailangan niyang mag-ingat sa kanyang bodyguard. “GOOD MORNING MA’AM Samantha” “Oh! Hi Aivee, kanina ka pa?” Hindi na napansin ni Samantha ang oras dahil sa pagiging abala niya kaya hindi na niya napansin ang pagdating ni Aivee. “Hmm.. Yes, I think 5 minutes na akong nandito pero nakatingin ka lang sa laptop mo Ma’am” sagot naman ni Aivee na halatang hinihingal. Napatingin siya sa kanyang sekretarya. “Are you okay? Bakit parang hingal na hingal ka?” tanong niya. Nakita niya ang pagbuntong hininga ni Aivee na tila kumukuha ng maraming hangin para makahinga ito ng maayos. “Actually Ma’am, napa-jogging na naman ako ng wala sa oras, dahil sa traffic kaya bumaba agad ako at naglakad-takbo wag lang ma-late” sagot nito. Natawa naman siya. “Mukang magsisimula na naman ang pag-jogging mo ha” pang-aasar niya kay Aivee. “Hay! Naku sinabi mo pa Ma’am, mukang papayat na naman ako nito” sagot naman nito. Noong bago palang si Aivee sa kanilang opisina ay madalas itong nahuhuli dahil sa trapiko, muntik na itong matanggal noon dahil halos puro memo ito. Mula ng kinausap siya ng HR Manager ay nag-adjust ito sa pagpasok, mas maaga na itong nakarating sa opisina. Pero minsan ay hindi pa din maiwasan ang mahuli tulad ngayong araw. Pagkatapos nilang mag-usap dalawa para sa meeting na gaganapin mismo sa opisina ay bumalik na si Aivee sa kanyang pwesto para maghanda. Eksaktong alas dyes ng umaga ay nagdatingan na ang bisita ng kanilang kumpanya na isang supplier ng beef. Inasikaso na ni Aivee ang mga ito papunta sa conference room at tinawag nito ang mga kasama sa meeting tulad ng Finance Manager at Operations Manager. Kasama din sa meeting si Aivee dahil siya ang magsusulat ng mga pinag-usapan. Halos umabot ng dalawang oras ang meeting, nagpahatid na din si Aivee ng pagkain na mula sa restaurant nila para maging sa tanghalian nila. “So what do you think our proposal Ms. Madrigal?” tanong ng isang lalakei na kasama nila sa meeting. Hindi talaga matandain sa pangalan si Samantha maliban na lang kapag lagi niyang nakakasama ang mga ito. “Well, I think it’s good compare on our current supplier of beef, but honestly I want a dedicated supplier and resourceful one” sagot naman niya. “Yeah, we understand that, and we don’t promise on our client but we always do our best” nakangiting sabi ng lalaki. “That’s great, we will do the decision after visiting your warehouse” sabi niya. “No problem on that Ma’am, will let you know once we confirmed the availability of our Operations Manager” “Yeah, sure and will looking forward on it” sabi niya. Nang matapos na ang tanghalian ay nagpaalam na sila sa isa’t isa, hinatid nila ni Aivee ang mga bisita hanggang sa labas. Pag-akyat nila sa opisina ay pinatawag niya kay Aivee ang kanilang Operation Manager bago ito nagligpit sa conference room. “What do you think George?” agad na tanong niya nang dumating si George sa kanyang opisina, nakaupo ito sa isang upuan sa harap ng lamesa niya. Bumuntong-hininga muna ito bago sumagot. “Well, honestly Ma’am I don’t think na they’re okay. The way they present, the way they answered our questions, it seems they don’t know kung ano ang goal nila for this meeting” sagot nito. Kumunot-noo naman siya dahil sa sagot ng kanyang tauhan. “What do you mean they don’t know?” tanong niya. Umayos muna ito ng upo at bumuntong hininga. Alam lahat ng employee niya na kapag nagtanong na siya ng ‘What do you mean?’, ibig sabihin ay intiresado siya sa sasabihin ng mga ito at inaasahan na may makahulugang sagot o tanong siyang inaasakahan galing sa mga ito. “Look Ma’am, the way they present gusto lang nilang magpa-impress they are not looking for a long term client nila. Kasi if they’re looking for a long-term client nila, they should present, kung ilan na ang client nila, kung gaano na katagal yung client nila, kung ano ang status ng bawat client nila. But what they present is how well-known yung beef nila” sagot nito. Tumango-tango naman siya bilang pag-sang-ayon. “Okay, and then?” muling tanong niya. Nakita niya ang pagkunot noo ni George at tila naghahanap pa ng sasabihin dahil tumitingin ito sa kanyang papel na mga sulat nito habang nasa meeting kanina. “And then, the warehouse visitation, I think it’s not normal na sila ang magbibigay ng schedule sa atin to visit them kasi it feels like they will prepare first, it should be a surprise visit from us to make sure na malinis talaga ang warehouse nila” mahabang sagot nit. “Okay, we’re on the same page” nakangiting sagot niya. “Let’s wait for their call” sabi niya at agad namang nagpaalam si George sa kanya. Naghahanda na si Samantha para sa pag-alis nila para sa susunod na meeting nila, sa labas naman gaganapin ang susunod na meeting nila, isa ding supplier ng karne. Pagkatapos niyang mag-ayos ay lumabas na siya ng opisina at sumunod na din si Aivee na kanina pa handa para sa pag-alis nila. Nauna naman na si Alex para kunin ang sasakyan. Nasabi na din ni Aivee kay Alex kung saan sila pupunta para sa susunod na meeting, ganoon din ang susunod nilang pupuntahan pagkatapos ng pangalawang meeting. “What do you think kanina sa meeting?” tanong niya kay Aivee, hindi man niya tingnan ang dalaga alam niyang abala din ito. Nasa loob na sila ng sasakyan at abala siya sa pagtingin ng mga papeles at abala naman si Aivee sa pagla-laptop para paghandaan ang susunod na meeting. “I don’t like them Ma’am, it feels like they just want to make an impression to us” sagot nito. “Same with George, ganyan din ang napansin niya” sabi niya. Hininto niya ang kanyang ginagawa para makapagusap sila ng maayos ni Aivee. Hininto din ni Aivee ang ginagawa nito at tumingin sa kanya. “And you know what Ma’am, ayoko dun sa Sales Manager nila, ang lagkit ng tingin niya sayo” “What?” gulat na tanong niya. “Hindi mo ba napansin Ma’am? Iba siya tumingin sayo, kahit nga nakaupo na siya pasulyap sulyap pa sayo, e tanda naman na niya” Tumawa naman siya. “Ikaw talaga Aivee kung anu-ano ang napapansin mo” sabi niya. Tumawa din si Aivee. “Pero seriously Ma’am, napansin ko talaga iyon kahit nga nung hinatid natin sila e” patuloy na pang-aasar nito sa kanya. “Naku! Kung nandito lang si Sir Pierre, uupakan agad niya yun” “Hindi naman” maikling sagot niya na naka-ngiti pa din. “Naku Ma’am, knowing Sir Pierre, for sure gagawin niya yun” muling hirit nito. “Hay! Naku, tumigil ka na nga” sagot ni niya. Kahit na kaibigan ni Aivee si Pierre ay may ‘Sir’ pa din ito dito dahil ayaw nitong malaman ng iba na si Pierre ang nagpasok sa kanya sa opisina niya. Nang makarating sila sa kanilang pupuntahan ay agad naman silang sinalubong ng tauhan ng kumpanya para ma-guide sa conference room. Sumunod din naman agad si Alex sa kanila pagkatapos nitong i-park ang sasakyan. Inabot ng halos tatlong oras ang meeting at agad silang nagpaalam sa isa’t isa. Pagsakay nila sa sasakyan ay agad niyang tinawagan ang kanyang ama para sabihin na papunta na sila sa construction site na tinatayo para sa panibagong branch ng restaurant. Nagpahinga muna siya sa kanyang pagla-laptop ng makaramdam siya ng sakit ng ulo. Hinilot niya ang kanyang sintido at ipinikit sandali ang kanyang mata ng ilang minuto, lumingon lingon siya sa labas ng sasakyan para makapagpahinga muna. Sa hindi niya malamang dahilan ay lalong bumibigat ang ulo niya, pumikit muli siya ng ilang minuto, hinilot ang sintido at muling iminulat ang mata. Pero habang ginagawa niya iyon ay lalong sumasakit ang ulo niya, halos sabunutan niya na ang sarili niya dahil sa sakit ng ulo. “Ma’am, ano nangyayari?” natatarantang tanong ni Aivee. “Ahh! Ang sakit ng ulo ko!!!” sigaw niya, nakahawak pa din siya sa kanyang buhok. Hindi sinasadyang napatingin sa rear view mirror at napansin niya si Alex na nakatingin din sa kanya at nakangisi pa ito. “Oh s**t! Ma’am, asan ang gamot mo?” natatarantang tanong ni Aivee habang naghahanap ng gamot sa bag niya. Dahil sa sakit ng ulo niya ay hindi din niya masagot si Aivee, hanggang sa nandilim na lang ang paligid niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD