Chapter 6

3269 Words
“ANYTIME, SHE WILL be up” sabi ng doktor na tumitingin sa ina ni Pierre. “Thank you Doc” sagot naman ni Pierre. Hinatid nito ang doktor hanggang sa pintuan ng silid. Pagkaalis ni Pierre sa kanyang opisina ay agad siyang tumawag sa kanyang ama para sabihin na sasama siya kay Pierre para dalawin ang ina nito. Tumanggi man sa una ang ama niya ay napapayag pa din niya ito bandang huli. Pinuntahan uli siya ni Pierre para sabay na silang pumunta sa ospital, nag-commute na lang si Pierre papunta sa opisina niya dahil sasakyan niya ang gagamitin nila tulad ng sinabi ng kanyang ama at kasama pa din si Alex na kasalukuyang nasa labas ng silid. Nagulat si Samantha ng bigla siyang niyakap ni Pierre mula sa likuran. Nakatayo siya na nakaharap sa ina ni Pierre. “I miss you Babes” bulong nito sa kanyang tenga. “I miss you too Babes” sagot naman niya, hinawakan niya ang kamay ni Pierre na nakapulupot sa kanyang bewang. “Are you okay?” tanong niya. “Hmm.. I’m just so tired” sagot nito. Inamoy-amoy nito ang balikat niya. “Namiss kong kayakap ka Babes” Naramdaman niya na hinahalikan na ni Pierre ang kanyang balikat na hinayaan niya lang dahil madalas naman iyong ginagawa ng kanyang kasintahan. Pero naalarma siya ng mapansin niya na halos hinahawi na ng bibig nito ang tela ng damit niya sa balikat at lalo pa nang hawakan ng madiin ni Pierre ang kanyang mga kamay. “Babes, what are you doing nasa ospital tayo” pagsasaway niya sa kanyang kasintahan. “It’s okay Babes, tayo lang naman ang nandito” sabi nito habang patuloy sa paghalik sa balikat niya. “Babes, your mom is here and Alex is outside” sabi niya. Hindi siya makapalag dahil sa higpit ng yakap sa kanya ni Pierre. Tumigil sa paghalik si Pierre, iniharap siya nito habang nakapalupot pa din ang mga kamay sa bewang niya. “Babes, walang malay si mommy at hindi tayo makikita ng bodyguard mo mula sa pintuan dahil nasa gilid tayo” sagot nito. “Pero kahit na..” naputol ang sasabihin niya dahil biglang nagsalita si Pierre. “Babes, please? I really miss you so much, don’t you miss me?” naka-simangot na tanong ni Pierre na halatang nagpapaawa sa kanya. “I miss you too Babes, but..” muling naputol ang sasabihin niya ng bigla siyang halikan ni Pierre. Hindi naman niya itatanggi na namiss niya din ang kanyang kasintahan, kaya tumugon din siya sa malumanay na paghalik sa kanya ni Pierre. Hindi na niya napansin na naiikot na pala siya ni Pierre, naramdaman niya na lang ang pagsandal niya sa pader. “Oh God, Babes. I miss this” sabi ni Pierre nang kumawala ito sa paghahalikan nilang dalawa pero agad siyang hinalikan muli pagkasabi niya ng mga salitang iyon. Hindi na siya nakasagot pa dahil sa muling paghalik nito. Mas mainit na halik ang binigay sa kanya ni Pierre na tila uhaw na uhaw sa halik. Sinubukan namang sumabay ni Samantha sa halik ng kanyang kasintahan ngunit hindi siya makalaban sa halik nito. Ilang minuto ding nagtagal ang halikan nila ng ibinaba ni Pierre ang kanyang halik sa kanyang leeg. Alam niya na walang masama sa ginagawa nila dahil magkasintahan naman sila, pero sa hindi malamang dahilan ay na-aalarma siya sa ginagawa sa kanya ng binata. Itutulak niya sana si Pierre pero hawak na pala nito ang dalawa niyang kamay na nasa taas ng kanyang ulo. “Pierre, please stop” mahinang sabi niya sa kanyang kasintahan, ngunit hindi siya nito pinansin at patuloy lang sa paghalik sa leeg niya. “Pierre!” medyo madiin na tawag niya. Tumingin sa kanya si Pierre. “Babes, stop please” nagmamakaawang sabi niya. “You’re so beautiful Babes and I really want you” ang sabi lang nito na parang hindi narinig ang sinabi niya. Muli siyang hinalikan ni Pierre at mas mabagsik na halik ang ibinigay sa kanya, pakiramdam niya ay nasusugatan na ang kanyang labi at nararamdaman niya din na lalong humihigpit ang hawak nito sa kanyang kamay. Muli na namang bumaba ang halik nito sa kanyang leeg, pinag-isa na din nito ang hawak sa dalawang kamay niya kaya ang isang kamay nito ay nasa beywang na niya. Hindi magawang makapalag ni Samantha dahil malakas talaga si Pierre. Gustuhin man niyang sumigaw para tumigil si Pierre, alam niyang ikakagalit lang iyon ng kanyang kasintahan kaya hindi sinasadyang napaluha na lang siya. “Oh s**t!” pagmumura ni Pierre nang may marinig na katok sa pintuan. Agad siyang binitawan ni Pierre. Nakita niya ang gulat sa mukha nito ng makitng may luha siya, hahawakan san “Good evening Sir, round sched ko po kay Ma’am” bati ng nurse. Lumapit naman si Pierre sa nurse para tulungan ito sa mommy niya. Habang nakatalikod ay dahan-dahang lumabas si Samantha sa silid at nang makalabas ay dali dali siyang naglakad. Alam niya na nagtatakang nakasunod sa kanya si Alex, ngunit hindi niya ito nililingon dahil gusto niya nang lumabas ng ospital. Nang nasa entrance na sila ng ospital ay tsaka niya lang kinausap si Alex. “Saan naka-park si Mang Benny?” tanong niya. “Tawagan ko para makapunta na dito” sagot ng binata. “No!” sigaw niya kay Alex na ikinagulat na ikinagulat nito. “Lets go to Mang Benny” sabay talikod niya kay Alex at naglakad. “Babes!” hindi pa siya nakakalayo ng bigla siyang hawakan ni Pierre. Umikot si Pierre para makaharap sa kanya. “Babes, look I’m sorry hindi ko sinasadya” sabi nito sa kanya. “Pierre, I’m just tired, I want to go home” walang buhay na sagot niya. “Call me Babes, please. I let you go home basta patawarin mo ako” sabi nito sa kanya. Napansin ni Samantha na nilagpasan sila ni Alex, pero huminto ito sa hindi kalayuan sa likod ni Pierre na tila naghihintay na matapos silang mag-usap. “Let’s talk tomorrow Pierre” sagot lang niya. “Okay Babes, let’s talk tomorrow” akmang yayakapin siya ni Pierre. “Don’t touch me” mahina pero may diin na sabi nito. Nagulat na lang siya ng biglang lumapit sa kanila si Alex at hinawakan siya nito sa braso. “I’m sorry Sir Pierre but we need to go. Namumutla na si Ma’am. She need to rest” sabi lang nito at inakay siya papunta sa parking. Hindi maipaliwanag ni Samantha ang gaan ng paghawak sa kanya ni Alex o dahil katatapos lang ng bigat ng kamay ni Pierre sa kanya kaya pakiramdam niya ay maingat siyang inaalalayan ng binata. Nang masigurado niya na hindi na siya sinusundan ni Pierre tsaka naman siya pumiglas kay Alex. “Why did you do that?” pagtataray niya sa binata. “You should thank me, dahil kung hindi ako pumagitna sa inyo, baka hindi lang yan ang inabot mo” sabi nito sabay turo sa kanyang pulsuhan na namumula. Agad naman niyang itinagao ang kanyang kamay sa likod. “Whatever!” ang sagot lang niya at tinalikuran ang binata. Bumusina naman si Mang Benny nang makita sila. “PRINCESS, ARE YOU okay?” tanong sa kanya ni Mang Benny habang bumabyahe na sila pauwi ng mansyon. “Yes po Mang Benny” sagot niya. “Parang namumutla ka e” pag-aalalang sabi ni Mang Benny. “Pagod lang po siguro” “Mang Benny, daan po tayo sa store kapag may nadaanan ka, may bibilhin lang ako” sabi ni Alex na hindi niya kinikibo mula pa kaninang pagsakay nila. Tatanggi sana siya dahil gusto niya ng umuwi pero wala na siyang nagawa nang maunahan siyang sumagot ni Mang Benny. “Okay Alex, sige” Mga ilang minuto lang din ay may nakitang mini store si Mang Benny at nag-park ito doon. “Labas lang ako ang sandali Mang Benny” pagpaalam ni Alex kay Manang Benny. Gustong magreklamo ni Samantha kung bakit sa driver ito nagpaalam at hindi sa kanya kung siya naman ang amo nito, ngunit dahil malaki ang respeto niya sa kanyang driver at pakiramdam niya ay pagod talaga siya ay pinalagpas na lang niya iyon. Pagbalik ni Alex ay may dala itong plastik na hindi niya alam ang laman, meron itong hinahanap sa bag niya nang magpaalam si Mang Benny na pupunta muna sa banyo. Nang mahanap na ni Alex ang kanyang hinahanap ay sinara na nito ang pintuan sa passenger seat at binuksan ang pintuan sa back seat kung saan siya nakaupo. “Hey! What are you doing?” nagtatakang tanong niya. Mula sa labas ng sasakyan ay kinuha nito ang kanyang kamay, ipinatong nito doon ang isang malamig na bimpo. “Do you think hindi mapapansin yan ni Don Tonny?” tanong nito. Babawiin sana niya ang kanyang kamay pero mahigpit ang hawak ng binata sa kanyang braso, mahigpit ngunit hindi masakit. “I can hide it” sabi niya. “Yes, you can hide but until when?” tanong nito. Pinapalipat lipat nito ang pwesto ng yelo para madampian ang paikot niyang pulso. “Akin na yung isa mong kamay” Hindi na siya tumanggi, binigay niya ang isa niya pang kamay. “His not like that” bigla na lang niyang nasabi na kahit mismo siya ay kinagulat iyon. Pakiramdam niya ay nagpapaliwanag siya sa binata. “I don’t care about him, okay?” sabi nito. “Nag-aalala ako kay Don Tonny, pano kung makita niya tong nasa kamay mo, ano sasabihin niya sa akin? Na hindi kita binabantayan?” pagpapatuloy ni Alex. Nakaramdam siya ng hiya ngunit hindi niya alam kung bakit. Pakiramdam niya ay kasalanan niya din dahil sa nasabi niya kanina. Alam naman niya na nagpapanggap lang na mabait si Alex para lagi siyang kampihan ng ama niya, para lagi siyang purihin. “I know right? Ako na gagawa niyan kaya ko naman” ang sabi na lang niya at kinuha ang yelo at bimpo. Sakto naman na dumating na din si Mang Benny kaya umalis na din agad sila. Hindi naman napansin ni Mang Benny ang nasa pulsuhan niya dahil sinadya niya iyong itago para wala ng magtatanong sa kanya. MAAGANG PUMUNTA SA ospital si Pierre para dalawin muli ang kayang ina. Nagpatulong siya sa kaibigan niya na kung maari ay ito muna ang magbantay sa kanyang ina kagabi dahil meron siyang importanteng gagawin. Sila na lang mag-ina ang magkasama mula ng mamatay ang ama niya. Gustuhin man habulin ni Pierre si Samantha kagabi ay hindi niya magawa dahil meron siyang kailangan paghandaang importanteng meeting ngayong araw. Hindi niya din magawang tawagan ang dalaga dahil alam niyang hindi nito sasagutin ang tawag niya kapag mainit pa ang ulo nito. Nang masilip ni Pierre na wala pa din malay ang kanyang ina ay humalik lang siya sa noo nito at umalis na din. Pagdating sa kanyang opisina ay agad siyang nagtrabaho at naghanda para sa presentation niya. Panaka-naka naman siyang sumisilip sa selpon niya kung sakaling nag text si Samantha, pero wala. Nang matapos ang presentation niya ay agad siyang nagpaalam sa sekreterya niya para sabihin na aalis siya at agad siyang dumeretso sa opisina ng kanyang kasintahan. “Good afternoon Sir Pierre” bati sa kanya ni Aivee. Ang sekretarya ng kanyang kasintahan na kaibigan niya din at halata ang gulat nito dahil sa bulaklak na dala niya. Kahit na matalik na magkaibigan silang dalawa ni Aivee ay hindi nila iyon pinapahalata kapag nasa Restaurant sila para walang masabi ang ibang tao. “Hi Aivee, andyan ba si Samantha?” tanong niya. “Yes Sir, she’s here” sagot nito. Akmang pagsisilbihan siya ni Aivee nang magsalita agad siya. “Thank you Aivee, wag ka nang mag-abala papasok na ako” sabi niya at hindi na hinintay ang sagot nito. Bumuntong hininga muna siya bago kumatok at binuksan ang pintuan. “Hi Babes” banggit niya ng makasilip na siya. “Pierre?” nakita niya ang gulat sa mukha ng kanyang kasintahan. Tuluyan siyang pumasok. “I know na hindi mo pa sasagutin ang tawag or text ko kaya pumunta na lang ako bigla dito” sabay abot ng bulaklak sa dalaga. “For you” nakangiting sabi niya. “Ow!” ang nasagot na lang nito, kinuha nito ang bulaklak. “Babes, can we talk?” nagsusumamong tanong niya sa kanyang kasintahan. “Alex, can you please give us time” sabi nito sa kanyang bodyguard. “But Ma’am..” “Mag-uusap kami” singit ni Samantha. Hindi na niya napansin ang pagtayo at paglakad ni Alex papunta sa pinto dahil hindi niya inaalis ang tingin niya sa kanyang kasintahan. “Don’t you dare hurt her” nagulat na lang siya ng marinig niya ang sinabi ng bodyguard ni Samantha. “What did...” paglingon niya ay tuluyan ng nakalabas si Alex, muli siyang lumingon sa kanyang kasintahan. “What’s going on?” nagtatakang tanong niya. “What?” tanong lang sa kanyang ni Samantha. “Why he’s acting like he care?” tanong niya. “He saw my wrist Pierre and he is loyal to Dad” sagot nito. Ibinaba nito ang bulaklak sa lamesa. “Kapag nakita ni Dad ang kamay ko, siya ang pagagalitan dahil siya ang bodyguard ko” Bigla niyang naalala ang nangyari sa ospital.”Oh God, Babes, I am sorry. I didn’t mean it. Sobrang nadala lang talaga ako” sabi niya. “It’s okay, it’s done. Alam ko naman na marami ka ding iniisip sa company niyo at ang nangyari kay Tita” sagot nito. Alam niya na papatawarin agad siya ng kanyang kasintahan, ganoon kabait ang dalaga pagdating sa kanya o kahit kanino dahil mabilis lang talagang magpatawad ito. “Pinapatawad mo na ako?” tanong niya. “You’re my boyfriend, hanggat kaya kong magpatawad gagawin ko pero ayokong masagad dahil hindi ko kilala sarili ko kapag nasagad ako” pagbabanta ng kanyang kasintahan na sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam siya ng takot mula dito. “I know Babes and I am really Sorry. I just really missed you” sagot niya kay Samantha. Nakita niyang bumuntong hininga si Samantha bago nagsalita. “Ano ba nangyari kay Tita, bakit siya inatake?” tanong nito sa kanya. “I really don’t know what happened, I was in my room when yaya called me and sinabi niya na hinimatay si mommy. Hindi na ako nagtanong kung anu-ano dahil nag-panic na ako kaya isinugod agad namin siya ni yaya Yen. Pagdating sa hospital ilang oras sinubukang i-revive si mommy. Sa sobrang pag-aalala ko, hindi ko na naalala pang tumawag o mag-text sayo dahil hindi ko din dala yung cellphone ko. 1 am na nang lumabas ang doctor ni mommy, successful siyang na-revive at doon pinaliwanag ng doctor na inatake siya sa puso, iyon na pala ang pangalawang beses na inatake si mommy, hindi ko alam kung kelan siya unang inatake, kaya sabi ng doctor kailangan maiwasan na uling atakihin siya sa puso dahil baka maging delikado na siya” bumuntong hininga muna siya bago ipinagpatuloy ang pagkukuwento. “Nang makalipat na ng room si mommy at palagay na ako na okay na siya, tsaka ko kinausap si yaya Yen, tinanong ko kung ano nangyari. Hindi niya din alam pero ang sabi niya may kausap si mommy sa phone ng atakihin siya, at mukang nagtatalo daw sila ng kausap niya hanggang sa narinig niya na tumumba na si mommy. Tinanong ko din si yaya Yen kung alam niya kung kelan unang inatake si mommy, pero hindi niya alam” Lumipat ng upuan si Samantha sa tapat ng inuupuan niya. Hinawakan niya ang mga kamay ng kanyang kasintahan. “Nang makauwi ako doon ko lang napansin ang text at tawag ni Aivee sa akin, sinabi niya sa akin kung ano ang nangyari sayo. Papunta na sana ako sa inyo ng biglang tumawag ang manager sa company para sabihin na may problema sa kumpanya kaya sa halip na sayo ako pupunta, pumunta na lang ako sa opisina dahil narinig ko sa boses nito ang panic” pagpapatuloy niya. “What happened to your company?” mahinang tanong ni Samantha. Hindi niya makita ang itsura ng kanyang kasintahan dahil nakayuko lang siya habang nagkukwento. “May isang stock holder ang biglang nag backout sa company, isa siya sa major stock holder namin. Kaya biglaan ang paghahanap namin ng bagong stock holder para hindi bumagsak ang company. Sa sobrang pag-aalala ko na bumagsak ang company, kinailangan kong gumawa ng presentation dahil magpe-present ako sa isang stock holder na nakausap ng aming manager. Iyon yung presentation ko this morning before I came here” pagtatapos niya at tumingin na siya kay Samantha. “How’s the presentation?” tanong ni Samantha, nakita niya ang pag-aalala sa mukha ng kanyang kasintahan. “It was good Babes and I’m just waiting for their feedback until tomorrow” sagot niya. “You claimed it Babes, you will made it” nakangiting sabi ni Samantha. “Thanks Babes” sagot niya na may kasamang ngiti. Umayos siya ng upo para mas makaharap ng maayos kay Samantha. “How about you Babes, how are you?” tanong niya sa dalaga. Ikinuwento nito ang lahat ng nangyari, mula nung inatake ito ng sakit ng ulo, sa paulit-ulit na panaginip nito sa kanyang nanay, yung tungkol sa nakita nilang tao sa opisina at sa bahay nito, yung sagutan ng kanilang mag-ama, yung paghihigpit ng seguridad sa bahay nila at sa opisina. “Oh Babes, I am sorry, I was not there when you needed me the most” sabi niya at hinalikan niya sa noo ang kanyang kasintahan. “It’s okay Babes, I told you I understand. And I am sorry too I was not there when you need me” sagot nito. “Kaya ba laging nasa tabi mo ngayon yung bodyguard mo?” tanong niya. “Yup, it’s Dad’s request. Pinabalik niya na din si Mang Benny para hindi mahati ang trabaho ng bodyguard ko” sagot nito. “I don’t like him” “Are you jealous?” nakataas kilay na tanong ng kanyang kasintahan pero halatang nang-aasar lang. “Yeah, first time na may laging nakabuntot sayong lalake” sabi niya. “How about Mang Benny? Lagi din siyang nakabuntot sa akin before diba?” sabi nito. “It’s different Babes, matanda na si Mang Benny para pagselosan ko unlike that Alex halos same age ata natin” sabi niya. Natawa naman ang kanyang kasintahan, ang tawang nagpapabaliw sa kanya dahil sobrang ganda talaga nito kapag tumatawa. “Believe me Babes, I don’t like him also. For 1 month, I need to be good with daddy and after that I will say na hindi talaga ako komportable kay Alex at pipilitin ko siyang ibalik si Rebecca” sabi ng kanyang kasintahan. “1 month?” nagtatakang tanong niya. “Yes, Dad say after 1 month at hindi ko talaga nagustuhan ang trabaho niya then he will leave” sagot ng dalaga sa kanya. “Okay, 1 month is not that too long. Ayokong may umaaligid na ibang lalaki sa maganda kong kasintahan” sabi niya. Kahit nasabi niya dito na mas mapapanatag siya na lalaki ang bodyguard nito dahil mas mapo-protektahan ito pero sinabi niya lang iyon para lang hindi na tumanggi si Samantha sa kagustuhan ng kanyang ama. Nahinto ang usapan ng dalawa ng may kumatok sa pintuan ng opisina ni Samantha at sumilip doon si Aivee. Dumating na ang ka-meeting ni Samantha na isang supplier. Nagpaalam na din siya dito para bumalik sa ospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD