Chapter 9

2968 Words
“HI SAMANTHA, WELCOME back!” bati ni Olivia, ang yoga instructor niya. “What happened to you? At mukang namumugto na ang mata mo?” tanong nito. “I’m okay Olivia, I just think I need to do yoga again para mawala ang stress ko” sagot lamang niya. Hindi niya pinansin ang tanong nito tungkol sa namumugto niyang mata. “Yeah, you should be dedicated on it friend, you really need this. Nagtataka nga ako bigla kang huminto e” sabi nito. “Well, medyo busy lang ng kaunti” nakangiting sagot niya. “Okay, magpalit ka na ng damit para makapag-start na tayo” Halos dalawang taon nang nagyo-yoga si Samantha pero natigil siya mula ng lumalala ang death treat sa pamilya nila. Hindi na niya iyon sinabi kay Olivia dahil alam niyang pagbabawalan din siya nito na mag yoga muna para sa kaligtasan niya. Ngayong araw ay pumayag ang kanyang ama na mag yoga siya pero kasama pa din si Alex na nasa lobby lang ng gusali. Hindi siya pumayag na sumama si Alex sa yoga class dahil pakiramdam niya hindi siya makakapag konsentrasyon. Halos isang oras na silang nagyo-yoga kaya ngayon ay nagpapahinga na sila sa opisina ng kanyang kaibigan. Ito ang nagmamay-ari ng yoga fitness na ito at siya din ang nag mamay-ari ng gusali kung saan na ito. Isang buong palapag ang kinuha nito para sa negosyo nitong yoga, marami din itong yoga instructor pero siya ang personal na instruction niya. Naging magkaibigan sila dahil naging magka-klase sila noong kolehiyo pero mas naging malapit sila nang makapagtapos na silang mag-aral dahil noong nag-aaral pa sila ay ang kambal ang madalas niyang kasama kaya bihira lang niyang makasama si Olivia dati. “Oliv, can I ask you a favor?” tanong niya habang pinupunasan ang pawis sa kanyang mukha. “Ano yun?” tanong naman nito habang abala din sa pagpupunas ng pawis. “I want to go to Nanay alone, as in ako lang and I can’t do it dahil laging nakabantay sa akin yung bodyguard ko” bumuntong hininga muna siya bago muling nagsimula. “I know you have VIP access na hindi na sa lobby yung daan mo” “Samantha, I know Tito Tonny kapag nalaman niya yun ako ang pagagalitan niya” Kahit walang alam si Olivia tungkol sa death treat ay kilala nito ang na mahigpit ang kanyang ama pagdating sa kanya kaya naiintindihan niya ang takot ng kanyang kaibigan. “Oliv, walang makakaalam, sa atin lang ‘to, sandali lang ako, I just want to be alone with Nanay, babalik din agad ako dito” pagpupumilit niya. Nakita niya ang pagbuntong hininga nito bago nagsalitang muli. “Dumating ka dito na namumugto ang mga mata mo, paulit-ulit kang nagkakamali sa position mo, minsan bigla ka na lang natutulala, ano ba nangyayari Samantha?” nag-aalalang tanong nito sa kanya. “I don’t know Oliv, hindi ko na din maintindihan. Pakiramdam ko gusto ko lang makausap ang Nanay ko” “Okay okay…” sabi nito. “…just promise me na you will text me kapag nandoon ka na…” biglang nagbago ang reaksyon nito. “…ow no… call me instead. Then promise me na sandali ka lang doon. Okay?” tanong nito na nakapamewang sa harap niya. Napayakap siya sa kanyang kaibigan. “Oh my God Oliv, thank you so much!” may halik pang kasama sa pisngi nito. “Enough girl, pawis na pawis tayo tapos yayapos yapos ka sa akin” halata ang pandidiri nito habang inaalis ang kamay niya. “Ang arte mo naman pareho lang naman tayong pawis” nakangiting sabi niya. Inisnaban siya nito. “Anyway, bilisan mo na. Mag-ayos ka na dahil tumatakbo ang oras mo. Hanggang 5 PM lang ako dito” tumingin ito sa orasan. “Dahil 10 AM pa lang, I am expecting you na babalik ka dito before or after lunch?” tanong nito. “Hmm… after lunch dahil babyahe pa ako, hindi ko pa alam kung makakaabot ako before lunch?” hindi din siya sigurado sa kanyang sagot. “Okay, deal after lunch. I will be expecting you to be here around 1PM to 2PM. Call me para masundo kita sa baba, okay?” “Okay Olivia, thank you so much!” nakangiting sabi niya “HI NANAY, FLOWERS for you!” inilapag niya sa puntod ang dala niyang bulalak, mga rosas ang dala niya, hindi niya alam kung ano ang paboritong bulaklak ng kanyang ina, pero rosas ang binibili niya dahil nagagandahan siya dito. Umupo din siya malapit sa puntod ng kanyang ina. Natawagan na niya si Olivia para sabihing nakarating na siya sa sementeryo. “Sorry Nanay kung ngayon na lang ako nakapagdala ng bulaklak ha. Alam mo Nay, hanggang nayon hindi ko pa din makalimutan yung pagsabog ng sasakyan natin, pupunta lang naman tayo sa EK pero bigla na lang nagka-problema yung sinasakyan natin. Dapat pala pinigilan kita noon Nay, pinigilan kitang lumapit sa sasakyan para hindi ka na nawala. Sabi mo may kukunin ka lang pero hindi ka na bumalik dahil sumabog na ang sasakyan” inilapit niya ang dalawang tuhod niya sa kanyang dibdib at tska iyon niyakap. Hindi niya na maiwasan ang maiyak sa pag-aalala sa kanyang nanay. “Nanay, I feel like there’s something wrong around me, pero hindi ko matukoy kung ano yun. Sana nandito ka para naiipapaliwanag mo sa akin kung ano tong nararamdaman ko kasi tayong dalawa ang madalas mag-usap dati bago ako matulog. Si Daddy lagi na lang nasa work o kaya ay may kausap sa study room niya. I want to do something Nay, but I don’t know what it is. Dala lang ba to ng stress Nay dahil ang dami kong iniisip o dala lang to ng utak ko na hindi na din maintindihan kung ano ang totoo o hindi. Pakiramdam ko kasi nay meron pa akong hindi naaalala pero everytime na tinatanong ko si Dad sabi niya okay naman na ang alaala ko though minsan may nakakalimutan ako na sobrang maliit na bagay lang naman daw. I just don’t know Nay” bumuntong-hininga siya. “Hindi ko na pala makakasama si Rebecca dito Nay, kasi pinalitan na siya ni Daddy. Ayaw na ni Dad sa kanya. Yung pinalit niya hindi ko gusto kasi mukang siya pa ang amo kesa sa akin kung magdesisyon and the way he talked akala mo kung sino, kaya hindi ko siya ipapakilala sayo Nay, baka kasi sumakit din ang ulo mo e” bahagya siyang tumawa. “Hindi ko na din pala nakakasama masyado si Pierre Nay, sobrang busy siya ngayon dahil sa business nila, nagkaka-problema sila financialy tapos inatake pa sa puso ang mommy niya. Sorry Nay kung medyo nagbago si Pierre, alam ko naman na na-pe-pressure lang siya sa business nila e, mahal ko talaga siya Nay e” muling siyang tumawa ng mahina. “Alam kong alam mo yung mga kalokohan niya, pero ito ako nagpapatawad pa din sa kanya kaya sorry Nay, I’ll make sure na I’ll protect myself emotionally, mentally, and Phisically” Humiga siya sa puntod ng kanyang ina tsaka hinimas himay ang lapida nito. “Nanay, meron ka bang gustong sabihin sa akin? Kasi lagi kitang napapaniginapan sa tuwing inaatake ako ng sakit ng ulo. Palagi na lang yung eksena kung kelan sumabog ang sasakyan ang paulit-ulit na nakikita ko sa panaginip ko” napabuntong hininga uli siya at ipinikit ang kanyang mga mata. “Miss na miss na kita Nanay!” mahinang sabi niya at hindi na napigilan ang mga luhang kanina pa gustong umagos. Nagtagal pa ng ilang oras si Samantha sa sementeryo, papalit palit lang siya ng pwesto dun habang nagkukwento sa araw-araw na ginagawa niya, mula sa bahay hanggang sa makapasok ng trabaho, o kaya kapag may meeting siya, o kaya ay aalis sila ni Pierre. Napatigil na lang siya sa pagku-kwento ng tumunog ang kanyang selpon. Pinaalalahanan siya ni Olivia na kailangan niya ng umuwi. “Nanay, masaya ako dahil matagal tayong nag-bonding uli. Uulitin ko to Nanay, pero ngayon kailangan ko na pong bumalik. I love you Nanay” “SO HOW’S YOUR moment with Tita?” tanong ni Olivia. Kasalukuyan na silang kumakain. Alam ni Olivia na hindi siya kakain sa labas kaya naghanda ito ng kakainin nila. “I’m so happy na ang dami kong nakwento kay Nanay without worrying na may makarinig, you know” sagot niya. “Yeah, I know what you mean. And I can see it in your face that your happy” “Thank you Oliv for letting me go, I owed you a lot” “Ang OA mo girl ha, a lot talaga?” natatawang sabi nito kaya natawa na din siya. “Pero seriously I am happy for you” seryosong sabi nito. “Thank you again” nakangiting sabi niya. Pagkatapos nilang kumain ay nagpahinga lang sila para makaalis na siya. Tuloy tuloy pa sana ang session nila pero tumawag sa kanya si Pierre para tanunging kung pwede silang mag dinner kaya uuwi agad siya para magpaalam sa kanyang ama. “I have to go Oliv, thank you again for today” sabi niya sabay halik sa pisngi ng kaibigan niya. “No worry, just drop by for the yoga session, okay?” sagot naman nito na bumawi din ng halik. Pagbaba niya sa lobby ay nandoon pa din si Alex, agad naman itong tumayo ng makita siya. Napansin niya na tila nagbago ang ekspresyon ng muka nito nang makita siya nito. Doon niya lang naalala na medyo maga pala ang mata niya dahil sa pag iyak kanina sa sementeryo. Agad siyang umiwas ng tingin sa binata. Habang naglalakad ay tinawagan na ni Alex si Mang Benny para makalapit na ito sa entrance ng building. “Princess, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Mang Benny pagpasok niya sa sasakyan. “Yes po Mang Benny, nagkakwentuhan lang po kami ng instructor ko, napag-usapan po na namin si Nanay kaya naiyak na naman po ako” pagsisinungaling niya. Masakit man sa kanya magsinungaling kay Mang Benny ay nagawa pa din niya. “Huwag laging malungkot princess ha, hindi maganda sa kalusugan yan” sabi ni Mang Benny. “Yes po, salamat po” maikling sagot niya “BUTI PUMAYAG SI Tito na sumama ka sa akin ngayon?” Kasalukuyan silang nasa isang restaurant, pinayagan naman siya kanyang ama pero kasama si Alex at si Mang Benny. Alam niyang naiintindihan ni Pierre kung bakit sobrang higpit ng ama niya dahil sa mga death threat na natatanggap nila. “Yes Babes, pumayag naman basta kasama ko lang sila Mang Benny at Alex” sabi niya. Si Alex ay nasa lounge ng restaurant at abala sa selpon nito. Si Manong Benny naman ay pinili na lang na manatili sa sasakyan habang hinihintay sila. “How are you Babes?” biglang tanong nito. “I’m okay Babes, but this past few days parang napapadalas na yung sakit ng ulo ko” sagot niya. “Did you see your doctor?” nag-aalalang tanong nito. “Yes, I was there yesterday” Gusto niyang magkwento pero ayaw niya na munang alalahanin ang mga pinag-usapan nila ng kanyan doktor dahil pakiramdam niya ay baka atakihin uli siya ng sakit ng ulo niya. “I see, you can share the result kapag okay ka na” sabi naman ni Pierre. Marahil ay napansin nito ang pagaalinlangan niya. “Thanks Babes, by the way how’s Tita?” “She’s okay na, may malay na siya pero medyo nanghihina pa. Hindi ko muna siya tinatanong sa nangyari, kung sino ang kausap niya bago siya atakahin sa puso” sagot nito. “What do you mean?” “Our yayas told me na may kausap si Mommy sa phone and they said na parang galit na galit siya, ang pagkakaintindi nila humihingi pa siya ng time sa kausap niya” napabuntong hininga ito bago muling itinuloy ang sasabihin. “Hindi daw nabanggit ni Mommy kung ano yung dahilan kung bakit siya humihingi ng time, then biglang nanahimik daw siya ng ilang minuto bago nagsalita uli at ang narinig nila ‘gagawin ko pa din ang part ko’ na pasigaw at doon na nila narinig ang pagbagsak ni Mommy” pagtatapos nito. Hindi na siya nakakain dahil sa kwento ni Pierre, kitang kita niya ang lungkot sa mga mata nito, alam niya ang pagod ng kanyang kasintahan dahil sa kumpanya nito at ngayon naman ay dumagdag pa ang kanyang ina. Hinawakan niya ang kamay ni Pierre. “She will be okay Babes, don’t force Tita to tell you the story baka lalong mapasama sa kanya. Just stay with her muna hanggang sa mag open siya sa’yo” Hinawakan din nito ang kanyang kamay. “Thank you so much Babes, thank you for being with me” hinalikan nito ang likod ng palad niya at ngumiti sa kanya. Gumanti naman siya ng ngiti dito. “By the way Babes…” sabi nito. Binatawan nito ang kanyang kamay at mayroong kinuha sa bag nito na iniabot sa kanya. “This is for you, I want you to be my date sa party na pupuntahan ko next next week” Kinuha naman niya ang invitation card at tiningnan iyon. “Party?” pagtatakang tanong niya. “Yes Babes, it’s about business they invited businessman to attend the party” sagot nito. “Okay, I will ask Dad about it” malungkot na sabi niya. Alam niya sa sarili niya na mahaba habang paalamanan na naman ang kailangan niya para kumbinsihin ang kanyang ama na sumama kay Pierre. “I understand Babes, don’t worry I will call Tito personally to ask him about it. Lalo na bawal ang bodyguard sa mga ganong event” sabi ni Pierre. “What do you mean no bodyguard?” pagtatakang tanong niya. “Remember last year nung pumunta tayo sa Business Summit?” “Oh! Yes Babes, I remembered” kinuha niya ang kanyang baso para uminom ng tubig. “And remember nung nagkagulo sa event na yun? Because of two bodyguards?” muling tanong nito. Tumango lang siya bilang sagot. “Well, the businessman who hosted that party decided na magkaroon ng isang party na walang bodyguard…” sumubo muna ng pagkain si Pierre bago pinagpatuloy ang kanyang kwento. “…he wants to avoid that same scene sa darating na business summit” pagtatapos nito. “And nag agree naman lahat ng businessman na walang bodyguard?” pagtatakang tanong niya. “No, some are disagree on that specially it’s about safety, pero meron pa din namang agree as long as there is assurance on their safety” Napansin niya ang sunod sunod na pagsubo ng kanyang kasintahan kahit na nagsasalita ito. “Babes, are you okay? parang gutom na gutom ka” nag-aalalang tanong niya dito. “What do you mean Babes?” nagtatakang sabi nito. Umayos ito ng upo nang mapansin nitong nakatingin siya dito. “Sorry Babes, sobrang stress lang ako ngayon. Alam mo naman na pagkain ang nagtatanggal ng stress ko” pagpapaliwang nito. “It’s okay Babes, I do understand. Nagulat lang ako kasi ngayon lang kita nakitang ganyan. Kumakain ka pa ba sa tamang oras?” Napansin niya ang bahagyang ngiti sa labi ng kanyang kasintahan. “Honestly, minsan kapag nasa office ako nakakalimutan ko nang kumain sa dami ng ginagawa ko” malungkot na sagot nito. Naiintindihan niya ang kanyang kasintahan lalo na halata sa mga mata nito ang pagod. Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita. “Just make sure na wag mong pababayaan ang pagkain mo, please. Ayokong magkasakit ka” sabi niya. Ngumiti sa kanya si Pierre. “Yes Babes, I’ll make sure to take good care of myself for you” sagot nito. Gumanti naman siya ng ngiti. Nang matapos na silang kumain ay nagyaya na din siyang umuwi. NANG MAKARATING NA sa mansyon si Samantha ay dumeretso muna siya sa kusina para lagyan ng tubig ang kanyang tumbler. Nang paakyat na siya sa kanyang silid ay napansin niyang bukas ang pinto ng study room ng kanyang ama kaya doon na muna siya dumeretso para tingnan kung nandun pa ang kanyang ama. “Dad?” tawag niya ng nasa pintuan na siya. Tuluyan na siyang pumasok nang hindi niya marinig ang sagot ng kanyang ama. Pagpasok niya ay nakita niya na nakatulog na ang kanya ama sa swivel chair nito. Pakiramdam niya ay nagpapahinga lang sandali ang kanyang ama pero tuluyan na itong nakatulog o kaya ay sa pagod nito ay nagpasya itong dito na matulog. “Dad?” tawag muli niya para masigurado kung tulog ba talaga ito o nagpapahinga lang. Unti unti siyang lumapit sa kanyang ama. Nang masigurado niya na tulog na ang kanyang ama ay lumapit pa siya ng unti sa lamesa nito para gisingin siya ng mahagip ng mata niya ang mga papel na nakakalat sa lamesa nito. Dahan dahan siyang umupo sa harap ng lamesa ng kanyang ama at kinuha ang mag sulat, hindi man niya ugali na mangiilam sa gamit ng iba pero naging mausisa siya nang makita niya ang pangalan niya sa ibang papel, isa isa niyang kinuha ang mga sulat at isa isang binasa. You’re daughter will be next Make sure to protect your lies Samantha will be our next target. HAHAHA You will pay! ? Dahan dahan niyang binaba ang mga sulat sa lamesa at dahan dahan ding lumabas ng study room. Pagdating niya sa kanyang kwarto ay napaupo lang siya sa kanyang higaan habang hawak ang isang sulat na kinuha niya sa study room ng kanyang ama, muli niya iyon binasa. Liar! She deserve the truth. Tell her who really she is. Hindi man niya alam kung sino ang tinutukoy sa sulat pero malakas ang pakiramdam niya na may kinalaman ito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD