CHAPTER 37 – AFRAID

1736 Words

VIVIAN DE VERA   Dalawang araw na ang nakakaraan nang malipat si Olivia kay Ryker at si Wynter naman ay pinayagan na makasama ko sa villa. Palagi ko pa rin siyang tinatanong kung kailan kami makakabalik ngunit wala pa rin daw approval mula sa Supreme nila. Ngunit hindi naman hinahayaan ni Wynter na ma-bored ako. Sinasamahan niya ako sa iba’t-ibang lugar at pinapabayaan na kumuha ng mga litrato. Paminsan-minsan ay binibisita ko si Olivia at nakikipag-usap. “I’m so bored here! Vivian, tell your boyfriend to get me out of here.” “Hindi niya magagawa iyon hangga’t nandito ako.” Lumabas si Ryker mula sa kusina. Nakatalikod si Olivia sa kanya kaya hindi nito nakita ang pag-irap ng kaibigan ko. Humilig si Ryker sa hamba ng pintuan at humalukikip. “I hate the stench of this freaking place!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD