VIVIAN DE VERA Kinabukasan ay napagdesisyonan namin ni Olivia na magkita muna sa coffee shop. Kailangan namin mag-usap bago sabihin kay Boss Kiko ang progress ng report namin. Hindi nagtagal ang paghihintay ko at dumating na kaagad si Olivia. Blooming ito at malawak ang ngiti sa labi. Tinaasan ko siya ng kilay nang makaupo na siya sa upuan na nasa aking harapan. Hinawi nito ang makapal at kulay kalawang na buhok sa likod. Kumunot ang noo niya nang makita na isang kape lang ang nasa ibabaw ng mesa. “Hindi mo ako in-order ng kape?” “Hindi. Bukas pa ang sahod, ‘di ba? Singkwenta nalang ang pera ko.” “Ako nga, bente nalang. Pahigop nalang, sis.” Inilayo ko ang kape nang akmang aabutin niya iyon. “Leave my coffee alone, b*tch. Kakagatin kita.” Sumimangot siya at ngumuso. “Ano’ng klase

