VIVIAN DE VERA Nang buksan ko ang aking mata ay unang bumungad sa akin ang mukha ng dragon. Napadasog ako at na-realize ko na nakatalikod sa akin si Wynter. Paano nila natitiis na magpa-tattoo ng ganito kalaki? I mean, hindi ba ‘yan mahapdi? Umupo ako at napangiwi dahil sa naramdamang kirot sa balakang. Sa harapan ng kama ay naroroon ang wardrobe at nakita ko ang sarili mula sa salamin niyon. Nakakalat ang lipstick at magulo ang aking buhok. May mga pulang marks sa aking leeg, balikat, at ibabaw ng dibdib dahil sa ginawa ni Wynter. Nanigas ako ng kumilos ito na sa pag-aakala na gising siya. Tumihaya siya ng higa at inunan ang ulo sa dalawang kamay. Dahil sa pagkilos ay bumaba sa bewang niya. Napalunok ako nang masilayan ang v-line nito. Hindi ko napigilan na igala ang mga mata sa k

