DAHAN-DAHANG hinubad ni Zeus ang aking damit. At gano'n din ang ginawa ko rito. Nanatiling magkahinang ang aming mga labi. Savoring each other's lips. At hanggang sa tumambad sa harapan nito ang makinis kong dibdib. Huminto ito sa paghalik sa akin. At pinakatitigan ang magandang tanawin na animo'y pinagsawaan nitong tingnan. "Beautiful sweetheart," ani nito. Namula ang magkabila kong pisngi. Napansin ko ang matipunong dibdib ni Zeus. May peklat iyon. Nahubad ko na rin kasi ang damit nito. Dati ko na iyong napansin nang minsang nakita ko itong naka-topless. Gusto ko sanang magtanong kung ano'ng nangyari roon, pero mas pinili ko na lamang na tumahimik. Still, napaka-hot pa rin nitong pagmasdan. Hindi iyon minus point sa kakisigan nitong taglay. Pero ang katawan ni Zeus ay pamilyar. M

