Twenty Four Euenessia Kontrolado ng babaeng iyon ang apoy. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero mukhang kagaya rin iyon noong mga weirdo kong talent. Gaya noong kapag iisipin ko lang na humangin eh hahangin. “Paanong…” Humangin kaya nawala iyong apoy. De ako na. “Ang mga mata mo… bakit… aaaaaaaaaah!” Ayokong manakit pero kung hindi ako mananakit, de ako ang nasaktan. Hindi ko sila papatayin. Tatawagin ko lang ang atensyon ni Zero wherever he is para naman hindi ako nag-iisa rito. “T-teka lang, teka lang.” pautal-utal na awat noong lalaking cute na alagad daw ni Mommy sabi ni Zero. “Shin, tulungan mo si Naya, bilis!” taranta iyong isang babae. Oh jeez. Tama na nga. Hingal ang babae nang tumigil ako. Ibinalik ko ang contact lens ko sa kaliwa kong mata. Kinapa ko iyong swi

