Second Piece

4056 Words
Nineteen Second Piece   “OH MY GOSH!” Bigla akong napabalikwas ng bangon. Nakita kong tinakpan ni Zero ng unan ang mukha niya. Pupungas-pungas akong tumingin sa may pintuan. Nando’n si Cheen. Gulo-gulo ang buhok niya at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa direksyon namin. “Ano ba iyon? Utang na loob naman magpatulog ka, Cheen. Bruha ka, pinuyat mo kami sa kakakanta mo pagkatapos ang aga-aga mo pang mambubulabog.” “E-eh… k-kayo ni Zero…” Tumingin ako kay Zero. Nakabalik ang mokong sa pagtulog pero may takip ng unan ang mukha. Eh at least siya nakatulog ulit. Eh ako? Hindi na ako makakatulog nito. Pambihira naman! Tumayo ako at tuluyan nang sinamahan si Cheen sa may sala. Wala nang kalat doon. Malamang naglinis na siya bago ako bulabugin sa pagtulog kanina. Kaya sa kusina na lang ako nag-toothbrush. Doon na rin ako naligo sa banyo sa kwarto ni Cheen. Nakabantay siya sa may kama habang kinakausap akong nagsha-shower. “Sinabi ko iyon kagabi?” Kinukwento ko kasi sa kanya ang mga pinaggagagawa niya noong nalasing siya. Pati iyong sinabi niya kay Zero. “Oh yes. Pati nga iyong mga kanta mo naloloka ako, eh. I mean, hindi ka naman kasi gano’n kumanta kapag hindi ka nakakainom, ‘no.” “Eh nakainom nga, eh.” “O sya, sige, pagbigyan.” “Wus. Eh ano bang ginagawa ni Zero sa kwarto mo? H’wag mong sabihing nag-donate ka na naman ng free blood para sa kanyang hungry fangs. Baka naman maubusan ka ng dugo n’yan.” “Next time magpapa-refill ako ng blood.” Pinihit ko ang shower. Nag-off iyon. Kinuha ko ang tuwalya na nakasabit sa may hanger at ipinunas sa katawan ko. “Please stay by my side. I don’t wanna be apart from you.” Napahinto ako. Diniin ko ang mukha ko sa tuwalya habang iniisip ang mga sinabi niya kagabi. Totoo kaya iyon o pakana lang nila ni Zoe to get me? Hindi naman imposibleng mangyari iyon, hindi ba? Love can always be deceiving. Bakit ba iniisip ko ang mga ganitong bagay? “Tara, breakfast na tayo.” yaya ni Cheen pagkalabas ko ng bathroom niya. Sinundan ko siya sa may kusina. Nadatnan namin si Zero do’ n na naghahalungkat na. Mukha siyang dinaanan ng bagyo. Magulo pa iyong buhok niya pagkatapos iyong puti niyang polo, bukas ang first three buttons. Ano bang ginawa nitong mokong na ito kagabi? “Sakto. Dito ka na mag-almusal, Zero.” nakangiting pagyayaya ni Cheen sa kanya saka kami naupo lahat. Wala namang tensyon. Tahimik lang talaga. Si Cheen nga parang nakikiramdam sa aming dalawa ni Zero. Basta ako kumakain lang. Tuon ang atensyon sa pagkain. Alam ko naman kasing kapag may tinignan ako kahit isa sa kanila, may magsisimula nang magsalita. “Erm…” Ngumuya lang ako ng isinubo kong pagkain. “Ehem…” Hindi ko pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagnguya. “Ano ba, magsalita naman kayo!” Napaubo si Zero kaya nilagok niya iyong tubig na nasa kaliwa niya. Tumingin ako sa kanya saka ngumiti na labas iyong ngipin. Tinitigan lang niya ako pero hindi siya umimik o kaya tumawa. Wala lang, nakakatuwa lang kasi siyang titigan. “May na-miss ba akong event? Kagabi okay naman kayo, ah. Well… weird na nga kayo pagdating kasi hindi kayo nag-aaway pero… ang weird ng atmosphere n’yo ngayon.” puna ni Cheen. “Atmosphere ka naman d’yan,” pairap na sagot ko. “Wait mo lang, mag-aaway din kami ulit.” Bumalik na ako sa pagkain. Balik ulit sa katahimikan ang dining table. Pati si Cheen ayaw na ring magsalita. Sumuko na yata. As if on cue ay biglang tumunog ang telepono ko. Kinuha ko ang cell phone ko mula sa bulsa ng suot kong jeans saka ko sinagot ang tawag. Hindi na ako tumayo. Sina Cheen at Zero lang naman ang kasama ko, eh. Hindi na bastos iyon. Madalas naman kaming mag-bastusan. “Thea? Thea, Stanley and I found something.” Si Ryle iyon. Ang alam ko, magkasama sila ni Stanley dahil sila ang binilinan kong maghanap ng tungkol kay Steven Spencer. Pero sa tono niya ngayon, mukhang hindi excitement sa news ang maririnig ko. Mukha siyang disappointed or rather… naaalarma. “Tungkol saan?” “Cyathea.” Natigilan ako. Parang nawalan ako bigla ng ganang kumain. “Bakit? Ano iyon?” “Papunta kami ni Stanley d’yan. Ipapakita ko sa ‘yo.” The call ended.  Binalingan ko ng tingin iyong dalawa na nakatingin din sa akin at mga nagtatanong ang mata. “It’s Ryle. Papunta raw sila ni Stanley dito. I’m pretty sure they found out something bad.” Automatic na napatingin si Cheen kay Zero. Tumingin naman si Zero sa akin. Tumayo ako at nagdiretso sa kwarto ko. Nakasilip ako sa bintana nang maramdaman ko ang presensya ni Zero na sumunod nga sa akin. “Thea, hindi mo ako kaaway.” “Prove me.” “Hydra’s possession will be completed when the moon shows up with a blue ring. Doon mo siya pwedeng tapusin dahil doon nagiging sensitive at nawawala ang kakayahan niyang ma-absorb ng paulit-ulit ang blows n’yo.” Humarap ako sa kanya. Unang naisip ko, he can fool me. Pero nang makita ko ang mga mata niya, parang biglang nawala lahat ng duda ko’t hinala. Nagmamakaawa ang mga matang iyon para paniwalaan ko. Whatever. Malalaman ko rin naman kung totoo ang mga sinabi niya, eh. “Alright, fine.” Saktong narinig ko ang busina ng kotse ni Ryle. Mula sa bintana ay nakita kong pinagbuksan sila ni Cheen. Dali-dali silang pumasok. Pumunta na rin kami ni Zero sa sala and they were like throwing me the ‘what-the hell’ stares noong nakita nila si Zero. “Don’t worry, guys, it’s safe. Under compulsion ko siya.” pagsisinungaling ko. Mukha naman silang naniwala kaya nagsiupo silang dalawa. Naupo rin si Cheen. Nanatili akong nakatayo katabi si Zero na nanonood sa gagawin nila. “I received a mail this morning.” Paunang pagkukwento ni Stanley na may inilalabas na notebook at inilapag iyon sa center table. “What mail? Snail mail? Uso pa ba iyon?” Binato ako ng unan ni Cheen. Hindi ko siya pinansin pagkatapos kinuha niya ang notebook at nirebesa ng matagal. Her reaction was epic. Parang luluwa ang mga mata niya sa binabasa. “The mail contains that notebook. Read it, Cheen.” Tumingin pa sa akin si Cheen na parang nanghihingi ng permiso. Tumango lang ako. May hinala na kasi ako sa nangyayari. She cleared her throat. “A girl named Cyathea owns and possesses the killer eyes. She knows she is special and so she aspired to be one of the ladies who can connect to the spiritual Gods. They are called priestess. She took her long journey from home to find her dreams.” Hydra. Ano bang gusto mong palabasin? Bakit ba pilit mong inilalabas ang lahat ng mga nalalaman mo tungkol sa akin? Ano bang gusto mong gawin? “And she found it at the land now called Athens. She hid her ability because it was given to her by a bad entity which is highly forbidden in that sacred place. For some reason, she was accepted and was adopted as a priestess.” “By then, she was rewarded a keeper who’s name is Raikki. Her years of being with the keeper was tough and difficult. The keeper taught her many things, among those is to fight with only her bare hands. It is a priestess’ ability to weaken or maybe strengthen, hurt or maybe heal, only by their touch.  It was almost fine. Not until the war started.” “The battle between the guardians and the Society heated and damaged a lot of beings including the priestesses. Since the war, no one has heard from them anymore. Cyathea’s misfortunes came when someone prophesized that a priestess with the power of a black goddess will destroy the Society at once. When she learned the news, she ran away leaving the whole place devastated by her powers.” “Another journey she began. This time, she was with Raikki who became her most faithful keeper and teacher. She hid her identity as a warrior.” “Raikki had always been good to Cyathea though…” Napatingin sa akin si Cheen. Tila humihinging muli ng permiso. Tumango na lang ako at muli siyang bumalik sa binabasa niyang notebook. “…though he always had taught Cyathea to kill her enemies and to not hesitate doing so. Cyathea became aware of the harm being with her keeper so in the middle of a desert, she said to him ‘It’s you that they want. I’m only doing you a favor, going out of my damned way to kill your enemies. Now I’ve done my part and it’s time for you to do yours.’ He went down on his knees to beg her lady not to go but to no avail.” “Without remorse, Cyathea dropped the Seldom and it landed in front of the keeper who pleads with such sincerity to her. ‘I have to ask for your forgiveness, Raikki. This is the only way that I have thought about and is for the safety of the both of us. Forgive me, my loyal keeper. But I must do this for your sake.’ She said as she went on her way, leaving Raikki as he watch her back.” “Cyathea knew it would still be a long journey for her. Alone and lonely… Alone and terrified…” Huminto si Cheen at isinarado ang notebook. Hudyat iyon na tapos na ang binabasa niya. Automatic na nagtinginan sila sa akin. Naibagsak ko ang sarili ko sa sofa na nando’n at diretsong nasapo ng dalawa kong kamay ang mukha ko. Gusto kong gusutin iyon pero alam kong nagmumukha na akong frustrated sa itsura ko pa lang ngayon. “Wakadudels, Thees. Iniwan mo si Raikki?” react ni Cheen. “Shut up. Mahabang kwento iyon.” “Is he watching us now? Naririnig niya ba kami?” magkasunod namang tanong ni Ryle na tinanguan ko lang. “Then… can we see him?” Napatingin ako sa kanila. Si Zero deadma lang at nakikinig pa rin. Bumuntong hininga ako. Pagkatapos ay lumabas mula sa may sentro ng dibdib ko ang isang sphere energy at tumungo sa gitna naming lahat. Sa isang kisap-mata lang ay lumabas si Raikki. “Halu, Raikki!” masayang bati ni Cheen sa kaharap niyang matangkad na ewan ngayon. “Woah. Man, ang tangkad mo. Anong height mo?” Napatingin lang sa akin si Raikki. Napasimple na lang ako ng kamot sa ulo. “Hindi ka dapat nagdesisyon ng ganito.” Oops. He’s talking about me showing him with bunch of people. “Matuto kang magtiwala. Madali lang silang mawawala sa landas natin kung sakali. Isa pa, bakit ka na naman kontra ng kontra?” Napatungo siya. “Patawad, Kamahalan.” Lahat sila nakanganga sa amin. Ang lakas din ng tama ng mga ito, eh. Pero kunsabagay. Hindi naman sila masisisi, eh. Nakakaloka nga naman kasi ang mga nangyayari ngayon. “Forget about that. Now what we have to pay attention is Hydra. Ginugulo niya tayo by revealing bits of pieces about my past life. Hindi ko alam kung para saan pero f**k it, makuha ko lang ang pagkakataon mapapatay ko talaga siya. Nakakairita siya.” “Kung totoo ngang sa susunod na kabilugan ng buwan makukumpleto ang proseso ni Hydra, mas kailangan nating madaliin ang paghahanap sa espadang iyon.” seryosong sabi ni Stanley. “What sword?” out of the blue ay tanong ni Zero na nakakunot noo na ngayon. If Zero doesn’t know, ibig sabihin hindi pa naaalala ni Hydra ang tungkol sa espada. At kung gano’n nga, makukuha ko iyon ng hindi niya malalaman at masosorpresa na lang siyang mamamatay na gamit ang sandatang ginamit niya para kunin ang buhay ko noon. “Thea, anong espada iyon?” muling tanong ni Zero nang hindi ako sumagot sa unang tanong niya. “Wala iyon.” “Don’t try to hide anything from me, Althea. Akala ko ba—” “What’s up with you?” tila pikong tumayo si Ryle at inangasan si Zero. “Why are you trying to act like that, Zero? Na parang kailangang-kailangan ka ni Althea gayong kumakampi ka na nga kay Zoe. Are you trying to get some infos para kay Zoe? Spy ka ba niya?” Hinablot ni Zero ang kwelyo ni Ryle. Napatayo kami nila Cheen at Stanley. Nakapagitna iyong dalawa kina Zero at Ryle pero naghablutan na sila ng mga kwelyo kaya wala nang magawa iyong umaawat. “Spy? Iyan ba ang tingin ninyo sa akin? Noong nasa tabi ka ni Zoe all those times, Ryle, have I thought of you as a spy habang lumalapit-lapit ka kay Althea na parang bubuyog at nangungulit araw-araw sa kanya?” “Tama na ‘yan.” Mahinahon kong pag-aawat sa kanila. “Did I declared war like you did, Zero?” hayun, deadma nila akey. “Did I do that? The last time I check I’m still Althea’s partner and you’re just her childhood friend whom had always hidden his feelings for her.” Sabi nga ni Cheen, matic na iyon. Tumingin si Ryle sa akin pagkabitaw niya sa kwelyo ni Zero. Zero did the same too. “Thees, let me explain.” ITO. AY. ISANG. MALAKING. GULO. “Thea, kasi… natatakot akong sabihin sa ‘yo. Can we talk? Iyong tayo lang? Iyong masosolo kita?” “Thea.” Hinawakan ni Zero ang kamay ko na parang gusto niya akong pigilan sa pagtango ko. Pero kasi matagal ko nang alam ang tungkol kay Ryle. Kung tutuusin nga eh hindi na hidden feelings iyon. And after all these time, magiging unfair ako kung hindi ko pagbibigyan si Ryle. “Sure. Doon tayo sa basement.” Bumitaw ako sa hawak ni Zero at umalis kasunod si Ryle. Nasa ibaba pa ang basement kaya kinailangan naming dumaan sa spiral na hagdanan patungo roon. Pagdating sa basement, hinarap ko siya. He’s with a serious face with that same hesitation on his eyes plastered. “Can I speak first?” pauna ko na na tinanguan naman niya. “Sorry, Ryle. I’m very sorry.” “W-Why? Hindi pa ako nagko-confess basted agad?” “No, hindi iyon. Actually… I already knew. For years I know how hard it is for your feelings to just… sit around, ignore what you feel or a least hide it for the sake of friendship and for Zoe’s.” “Kaya ba lagi mo akong iniiwasan?” Ngumiti ako. Tinawid ko ang maliit na distansya niya sa akin and I hugged him. He hugged back. “I appreciate every little thing you’ve done, Ryle. Pero hanggang doon lang ang kaya kong ibigay. You’re my best friend, do you know that? Ayokong masira iyon kahit may mga ganitong hindrances sa atin lalo na sa ‘yo.” Humigpit ang pagkakahapit niya sa bewang ko. “You’re keeping me as a friend and not as someone na kayang ibigay sa ‘yo ang lahat ng hilingin mo?”  “I’ll be honest. Yes.” Nawala ang higpit ng yakap niya. Dahan-dahan niya akong itinulak but his hands stayed on both sides of my hips at to my surprise ay nakangiti siya na parang walang nangyari. “Thank you. At least… you let me tell you what’s bothering me for almost a decade now.” Tumawa lang siya. Nag-decide na siyang umuwi pagkalabas namin ng basement. Wala sina Stanley, Cheen at Zero sa sala kaya hindi na nakapagpaalam si Ryle sa kanilang tatlo. Hinatid ko lang si Ryle sa labas. Nakita kong magha-hapon na. Naalala kong tanghali na nga pala kami nagising kanina. Hindi pa nga sana gigising kung hindi nambulabog si Cheen. “Teka, anubey!” Pagpasok ko’y biglang bumulaga si Cheen at hinatak ako papasok. Dinala niya ako sa isa sa mga guest rooms na nando’n. Nakita ko si Stanley na nakadikt ang tenga sa pintuan ng banyo. Sinenyasan nila ako na h’wag maingay. “Ano bang kalokohan ito?” pabulong kong tanong. Ayaw nga ng maingay, hindi ba? De bulong na lang. “Sssshh. Makinig ka.” Parehong nakadikit ang tenga nila sa may pintuan ng banyo. Ngayon ko lang na-realize na nawawala nga pala si Zero. Anlahuy. Baka tumakbo na kay Zoe iyon at nag-report, ah. “Argh! Ang tanga mo!” Muntik akong mapatalon sa gulat nang dahil sa sigaw na nanggagaling sa banyo. Teka, boses ni Zero iyon, ah. “Bakit ko ba kasi sinabi iyon? Seesh. Thea, pwede mo namang tanggihan ng nakaharap kami, ah. Bakit ba kailangan mo pang dalhin sa kung saan-saang parte ng bahay mo ‘yang lalaking ‘yan? Argh!” Sumenyas ako kina Cheen at itinuro ang sarili ko na parang nagtatanong. Pareho silang nakangisi na tumango. Patay. “Nagseselos ako…” Something pricked me on the heart. Parang kinukurot akong ewan. Iyong impact ng boses niya nang sabihin niya iyon was just unexplainable. Hindi ko maintindihan. Para kasing kumakawala iyong puso ko sa loob ng dibdib ko. Like it want to go on a freakin’ rampage. “Schneider. Bwisit. Sana naging normal na tao na lang ako. I mean… how can a vampire tell a mortal that he loves her? How can I tell Thea I love her?” Suminghap ng saglit si Cheen pagkatapos ay tinakpan niya ang bibig niya at tumingin sa akin habang namimilog ang mga mata niya sa sobrang laki. Nakatawa lang si Stanley at nakasandal sa may pintuan. Ako? Well uhm… “Zero? Zero, nand’yan ka ba?” Agad na nagtakbuhan ang dalawa paalis dahil alam nilang bubuksan na ni Zero ang pintuan. And I was right. He opened the door. “Great. Magpapasama sana kasi ako sa supermarket para mag-grocery. Ngayon ko lang naalalang wala na palang laman ang refrigerator namin, eh. Kung okay lang sa ‘yo.” “Ah. Sige. Uuwi lang ako para mag-shower then I’ll pick you up.” Nakangiti lang akong tumango. INABOT kami ni Zero ng gabi sa pamimili kaya ginutom ako ng bongga. Eh iyon nga sana, kakain nga dapat ako kaso wala naman akong  makitang murang restaurant dito pwera sa Jelo’s. Eh malayo-layo iyon. Buti kung pumayag itong si Zero na mag-kotse kami’t sumama sa akin sa ‘cheap’ na lugar na iyon. “Tara roon. Nagugutom na ako.” Tinignan ko ang tinuro niyang resto. Nanlumo na naman ako. Fine rining iyon, eh! “H-Hindi, sige ikaw na lang. I think I’ll go to Jelo’s.” Sisibat na sana ako pero nahuli niya ang bewang ko kaya’t nahigit niya ako pabalik. “Are you planning to leave me?” “Uy hindi, ah. Hihintayin na lang kita sa may parking area.” Naningkit ang mga mata niya. “Wala ka na naman bang pera?” “Meron, nagtitipid lang.” Bumitaw siya sa akin at hinarap ako ng maayos. “Kung lagi mong titipirin ang sarili mo, Althea, hindi ka masa-satisfy. It’s like you’re holding back for the sake of something.” Holding back. I always hold back, I know. Even with love I hold back. Even with food I hold back. Parang lagi ko na lang pinipigilan ang sarili ko. Really. What’s the use of holding back? Lagi na lang kasing may barrier na nakaharang sa mga gagawin at nararamdaman ko. All that I think of is pure tactics. Nothing more. “Oh jeez, ang drama ko.” Pailing kong bulong sa aking sarili. “Bakit?” nakita kong sumilay ang ngiti sa labi ni Zero. “Woah. Ang gwapo naman ng vampire na ‘yan pag naka-smile.” Namula siya. Pinigilan kong tumawa at para nga pag-tripan siya eh lalo ko pa siyang tinignan. Edi lalo siyang namula. “Stop staring!” Tumawa ako ng malakas. “Sige, sige. Libre mo muna ako sa Jelo’s.” “Jelo’s? Doon na lang oh! Mas masarap doon, Althea.” “Mas mura naman sa Jelo’s.” “Bakit ba nakikialam ka pa sa gagastusin eh ililibre naman kita? Ayoko sa Jelo’s maawa ka sa akin. Ang katulad ko pupunta roon? Nababaliw ka na ba?” Matagal na akong baliw. Kaya s’yempre, sa ayaw at sa gusto niya, sasama siya sa akin at ililibre niya ako sa Jelo’s. MAKALIPAS ang limang minuto… “Manong, dalawang large fries, isang cheeseburger at saka dalawang shawarma po without vegies iyong isa. Saka dalawang large coke.” Maloka-loka ako sa itsura ni Zero habang nakaupo kami sa two stools sa may bandang sulok ng Jelo’s. Siya ang nagbayad ng orders. Siguro wala pang isang daan ang nagastos niya. Of course naman. Kapag ako ang pumipili ng place, I see to it na hindi madadale ang isang daan ko sa isang meal. Okay. Ako na kuripot. “Restaurant ba ito? Ang ingay-ingay.” Hayan, nag-umpisa na siyang mag-reklamo. “Resto-bar ito.” “No wonder.” Natigilan siya saka nag-iwas ng tingin. Ay ang adik. Sinasapian yata ako ngayon. Ang weird ko. “Heto na po ang order n’yo.” Inilapag sa harap namin ang mga inorder ko. kKnuha ko kaagad iyong shawarma saka nilantakan kasi nga nagugutom na akey. Tinitigan pa ni Zero iyong shawarma niyang maraming vegies saka kinain. “What ya’ think?” “Pwede na.” Sabi niya habang ngumunguya. “Ashu, ang arte. Pwede namang sabihing masarap, hindi ka naman mamamatay kapag umamin ka, eh.” “Nakakamatay din ang pag-amin.” Wow. Parang may double entendre iyon, ah. “Speaking of pag-amin. Anong sinabi mo kay Ryle? Don’t tell me sinagot mo?” Uminom muna ako sa coke ko kasi full pa ang aking mouth sa dami ng kagat ko sa shawarma ko. Na-miss ko nga ito, eh. Buti na lang napilit ko si Zero na pumunta dito sa Jelo’s. “Kaibigan ko lang si Ryle, ‘no.” “Sinabi mo sa kanya iyon?” Tumango ako. “Kahit na, Althea. Hindi pa rin naman maiiwasang tignan ka niya with the desire to have you. Sana dinirekta mo na lang siya. Sana sinabi mo na lang na wala ka namang nararamdaman para sa kanya pagkatapos pabalikin mo siya kung saang lupalop man siya nanggaling para wala na siya sa landas mo at nang hindi ka niya kinukulit.” Ang brutal naman ng lalaking ito. “You don’t want a girl to do that to you, do you?” Natahimik siya at natigilan. Ngumiti ako then I pinched his nose. “Love takes a lot of time and guts. Hindi lang basta nararamdaman mo, magiging maayos na ang lahat. Ryle proved to himself that in the end, sport siya at kinaya niyang tanggapin ang naging desisyon ko to keep our friendship. That’s guts. If you don’t have it then you sure don’t wanna tell someone you love what’s in your heart because the moment that truth comes out of your mouth, kailangan mong maging handa to face the outcome of your feelings.” Hindi ko sinabi kay Zero ang mga iyon para takutin siya. I told him that para maihanda niya ang sarili niya sa mga mangyayari. It is not yet time for him to tell me those things. At dapat niyang malaman iyon. There’s always time for everything. Hindi pa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD