Fourteen
The Eyes
“Yes, that’s better. Another shot—click!—Good. Beautiful. Laugh, Althea!—click!—Yes, very good. More.—click click!—Very good!”
Kailan ba matatapos ito? Ang sakit na ng mata ko sa kada-flash ng camera. Buti na lang protektado ng Seldom si Raikki kung hindi kanina pa nagwala iyon. Takot iyon sa mga kagaya ng camera kasi nga kabayo ang pangalawa niyang anyo.
“Water.” Inabot ni Jess sa akin ang isang bottled mineral water habang patingin-tingin si Cheen sa pini-preview na pictures ng photographer.
“Kung alam ko lang na mahirap palang maging model, matagal ko nang in-admire ang mga models.”
Ngumiti si Jess. “Sayang, ‘no? Sana noon ka pa pinansin ng buong Academy. You’re really qualified to be a campus princess more than those w****s in our cheering squads na diva-divahan ang dating.”
“You’re one of them,” walang gatol na pagpapaalala ko sa kanya.
“Napilitan lang akong makigaya sa kanila. Tatanggalin nila ako sa team kapag hindi ko sila sinundan. You know it’s hard to be ordinary. Real hard. They got to pick on you, tease you, step on you. Maraming tao ang ayaw sa gano’n. Iniiwasan ko lang na maging gano’n ang buhay ko.”
Pinaglalaruan ko ang takip ng bote habang nakikinig sa kanya at tinitignan ang itsura niya na nag-eemote sa harapan ko. Ang sarili niyang rason sa pagiging meanie. Siguro naisip niyang at least kapag nasa grupo ko siya eh hindi siya gaanong pagkukumpulan at matatawag na loser since me and Zero are prefects. They can’t hurt anybody who’s in charge with detention.
“Slacking off. Magtrabaho ka.”
Kilala ko ang hinayupak na boses na iyon, ah!
Lumingon ako. Gaya nga ng inaasahan ko, nakangisi siyang pumasok ng pictorial room at inagaw sa photographer ang camera na naglalaman ng pictures na nakunan kanina. How rude. Kahit sa mga nakakatanda wala talaga siyang kagalang-galang. Argh!
“Zero Schneider! Anong ginagawa mo rito?!” pabulyaw kong tanong na nakakuha ng atensyon ng ilan sa paligid namin.
“Ssshh,” pangungutya niya. “Wala tayo sa palengke.”
Nakaka-stress siya ng bagang.
Nakangisi pa rin siya nang ibalik niya ang camera sa photographer. Saktong pag-alis ni Jess eh siya namang lapit niya sa akin.
“Ano ba kasing ginagawa mo rito? Sunday naman, pwede bang kahit isang araw lang hindi ko muna masilayan ‘yang pagmumukha mo?”
“Well sorry hindi ko mapagbibigyan ‘yang favor mo. I’m here for a job. May offer din ako rito, nakalimutan mo na?”
“Tinanggihan mo na iyon.”
“Eh sa tinanggap ko na, eh.”
“Aminin mo na lang kasi. Sinusundan mo ako.”
Ngumisi lang siya. Eesh! Sarap niyang batukan. Tatampalin ko na talaga ito, eh! Ang tigas-tigas ng bumbunan. Haler? Six days a week na kaming nagkikita, pati ba naman linggo gusto pa rin niyang ipagduldulan ‘yang nakakainis niyang pagmumukha sa akin? Jusko naman oh.
“Oh great, nandito na pala kayo.”
Pareho kaming lumingon ni Zero. Iyong may-ari ng ADN na pumunta sa school dati noong isang araw para mag-offer ng modeling job kay Zero. Pumasok siya kasama si Bricks at lumapit sa amin.
“I suppose you know each other.”
Nag-irapan lang kami ni Zero. Tensyonadong nag-chuckle iyong naka-suit na lalaki.
“By the way, this is Mr. Bricks Warren. Siya ang head photographer namin. He’s gonna work with you now and within the next projects.”
“Warren?” kunot-noong ulit ni Zero saka bumaling sa akin. “Sounds familliar. Kamag-anak mo?”
“Nope.”
Nagkibit ng balikat si Zero pero alam kong napaisip siya roon. Sya sige, isip well. Trabaho na. Sayang ang cash.
Lover’s quarrel ang theme ng magazine so we need to pose like we’re quarreling which was so easy kasi lagi naman kaming magkaaway n’yang si Zero. Walang oras na nagkasundo kami. Bricks was professional. Hindi naman niya ako pinag-iinitan kasi siguro hindi siya makahanap ng butas sa akin.
“Something’s up.” Sabi ni Zero habang nagpo-pose ng nakakatakot niyang itsura na kaharap ako.
Click!
“Wala naman, eh.”
Click!
“Meron.”
Click!
Bigla akong sumakay sa likod niya. Click! Of course, lahat ng gagawin namin kinukunan ng picture, ‘no. Bahala siya sa buhay niya. Kodak moment ang mga reactions niya.
“Umayos ka nga.” nagpapa-charming ang looks niya sa harap ng camera.
Ako nama’y todo ngiti.
Click!
“Hey!” inis na saway ni Bricks nang marahil ay nahalata ang ginagawa namin ni Zero. “Don’t talk while posing. Malapit nang maging obvious na nagbabangayan kayo habang nagpi-pictorial.”
“Isn’t the theme suppose to be about couples fighting?” counter ni Zero na huminto sa pagpo-pose niya dahil huminto rin si Bricks sa pag-take ng pictures para pagalitan kami.
“Why?” there’s a sardonic drawl in his comeback. “Are you couples?”
Nagkatinginan kami ni Zero. Nagkibit-balikat na lang ako para i-dismiss ang topic saka nag-resume na si Bricks sa pagkuha ng photos.
After ng pictorial session, pinalabas muna kami para magpahinga at para na rin ma-check nila kung okay na iyong mga photos. May park sa labas ng building na iyon. Doon nakatambay sina Cheen at Jess. Doon ako dumiretso.
“Oh si Zero?” tanong kaagad ni Cheen pagkaupo ko.
“Pinakuha ko ng kape.”
“Wow, alila mo na ngayon?”
Tumahimik na nang hindi ako sumagot. Pumikit ako para maramdaman ng mabuti ang hangin sa labas. Ewan. Basta pakiramdam ko ligtas ako as long as nararamdaman ko ang kakaibang dulot ng hangin sa sistema ko.
“Jess was telling me na ang cool mo raw, Thees.”
I opened my eyes. Nakita kong nahihiyang ngumiti sa akin si Jess. Si Cheen naman nakangiting nagpapalit-palit ng tingin sa amin ni Jess.
“Really? Thank you.”
“Yeah. Mas cool ka kay Zoe. We were just following her because she’s hanging out with Tale but in reality… you’re more interesting than her.”
Oh jeez.
“I don’t like to be compared to any bitches.”
Agad siyang napatungo. “S-sorry.”
Masyado ba akong malupit? Kapag kasi naging maluwag ako, pwede akong ma-take for granted. Isa pa, temporary lang naman si Jess. Pakakawalan ko rin siya kapag naging komplikado na ang lahat.
“That’s fine.” I tried to smile.
“Oh. Kape mo.” Inilapag ni Zero ang pinakuha ko sa kanya na kape saka naupo sa tabi ko. May binigay din siya kay Cheen at Jess pero mga soda naman. Pambihira. Sa akin kape, sa kanila soda? Unfair.
“Ang duga mo. Bakit soda sa kanila at sa akin kape?”
“Mahal ‘yang kape mo, manahimik ka.”
Tinignan ko ang kape. Wow, Figaro. Ang taray, sosyal! “Thank you.”
Sa pangalawang pagkakataon na nagpasalamat ako, napatitig na naman siya sa akin habang hawak niya ang sarili niyang kape. Hindi ko na siya pinansin kasi baka ma-conscious siya kaya hinayaan ko na lang. Nagkibit na lamang ako ng balikat.
BALIK school ng Monday. Parang naging araw-araw na nga ang pagsabay namin ni Cheen kay Zero sa kotse niya. Kung tutuusin hindi ko na rin kailangan ang maging driver niya dahil siya na rin naman ang nagda-drive at may trabaho na rin naman ako bilang model sa ADN.
“Zero,” hinatak ko siya nang akmang liliko siya sa pasilyo kung saan naroon ang infirmary. “H’wag d’yan.”
Umiwas kami sa infirmary kaya kinailangan naming umikot ng daanan so napahaba pa kami ng nilakad. Pagdating naman sa classroom, iyong usual na tinginan lang. Buzzes. Mayamaya’y lumapit si Tale sa amin. “Hi, Thea. What’s up?”
Na-sorpresa ako sa biglang paglapit ni Tale. “Himala. Anong kailangan mo?”
“Wala naman. Nami-miss ko lang ang tahimik at saka mabait na Althea na lagi kaming pinapakopya sa homework. Thea… hindi ka na ba talaga babalik sa dati? Ayaw mo na ba talaga sa amin?”
Napaarko ang kilay ko. Anong meron? Umiiba yata ang atmosphere ngayon. Naiba yata ang ihip ng hangin at bumabaliktad ang mga tuta ni Zoe. Why? Ano ito, setup?
“Hoy tumabi ka nga r’yan. Nakaharang ka sa view.” Walang galang na pagtataray nitong si Zero.
Tinignan lang ni Tale ang mokong pagkatapos ay umalis na. Nangunot lang ang noo ko sa pagtataka.
“H’wag kang padadala. Alam kong masaklap makipagkaibigan sa sarili mo pero mas mabuti na iyon kaysa kumuha ka ng malaking bato na ipupukpok mo lang sa sarili mong ulo.” Zero said coldly.
Isa lang ang gustong ipahiwatig ng salitang iyon as far as I’m concerned.
Betrayal.
NIGHT CLASS.
“Tapos ka na?”
Nagkita kami sa may verranda ng Pentagon. Si Cheen ay pinaghintay ko sa may library so all that are present here are the students, prefects, and Cheen. Zero looks uneasy with something na kahit sa dilim ay naaaninag ko ang reaksyon niya.
“May problema ba?” untag ko sa kanya nang mayamaya’y maging ako’y natigilan.
Ah, s**t. That familliar force…
“Hindi mo ba nararamdaman? Wala ka bang nararamdaman?”
Pareho lang kami ng na-anticipate. Naramdaman niya ang naramdaman kong pwersa. Such hatred. Playful scent. Tricky mind. Silly intentions. Could it be…
“Maria…”
Dug-dug!
That familliar beating. I can hear it. Kaagad kong nilingon si Zero. Doon ko nasigurong tama ako ng naramdaman.
Maria is around.
“May balak na siyang tapusin ang laro.”
Tumingin sa akin si Zero kahit hirap na hirap para kumpirmahin ang narinig niyang sinabi ko. Lalampasan ko sana siya pero nahatak niya ang kamay ko pabalik. Bigla na lang niya akong hinigit then he bit my neck.
Nakalimutan ko.
Pero parang hindi siya tumitigil. Kahit nakailang minuto na, hindi pa rin napapatid ang uhaw niya. Nararamdaman ko ang gigil niya sa bawat pagsipsip ng dugo sa leeg ko. Mali ito. Hindi dapat.
“Zero, tama na.”
Hindi siya huminto. His fangs were burying into my neck deeper and deeper.
“Tama na sabi, eh! Kontrolin mo ang sarili mo!”
Humigpit ang hawak niya sa uniform ko na parang gusto niyang punitin ang suot kong damit. He was silently coughing na hudyat na tumigil na siya. Hinaplos ko ang leeg ko and the wound has mended.
“Dito ka lang. Hahanapin ko siya.”
Hindi ko na hinintay pang sumagot si Zero at umalis na lang ako. Dahil madilim ay kinailangan kong gumamit ng flashlight para makakita sa buong hallway na nilalakaran ko.
Ume-echo sa paligid ang kalmadong yabag ng mga paa.
Saan sila nanggagaling? Where could she be?
I turned the flashlight off. Mas madali niya akong mati-trace kung makakakita siya ng ilaw. Kailangan ko lang gamitin ang senses ko para maihatid ako sa kanya. Nasa’n nga ba siya?
Nalampasan ko na ang infirmary pero hindi ko naramdaman ang presensya niya roon. But I entered anyway dahil nararamdaman ko ang kakaibang pwersa na dinadala ni Maria sa tuwing nasa tabi-tabi lang si Zero. Pamilyar na pwersa na ginagawang halimaw kahit pa ang pinakamatataas na uri ng nilalang na kagaya ng mga pure bloods.
Tick!
I stepped on something. Yumuko ako para kunin iyon. Nag-iilaw. Bigla akong natigilan. Halos mapako ang paa ko sa kinatatayuan ko.
Naisahan ako…
Tumakbo ako pabalik sa terrace. Nando’n siya, alam kong nando’n na siya.
All these time alam niyang itinatago ko si Zero mula sa kanya but still, sinubukan niyang ilihis ang paniniwala ko by telling me na masama ang mga bampira. She was trying to say something to me para bumaliktad ako at hayaan na lang siyang tugisin si Zero. Pero hindi niya masabi-sabi.
What was that message she’s trying to convey?
“Maria! No, stop!”
She shot Zero.
“Nakapaloob dito sa tube na ito ang gamot. When you shoot a vampire using this bullet, they will vanish.”
Zero didn’t vanished but he bled. Tinamaan siya sa may balikat. Narinig kong tumawa si Maria na nakatalikod sa akin dahil kaharap niya si Zero. Ikinasa niyang muli ang baril na hawak niya.
“Course. You’ll be gone when I shoot your heart.”
Nanlaki ang mga mata ko. Agad ko siyang tinakbo at sinipa ang baril na hawak niya. Hinarangan ko ang view niya kay Zero na nasa harapan lang.
“T-Thea… umalis ka r’yan. She’s lost her sanity, baka kung anong gawin niya sa ‘yo.”
Lost her… sanity?
“Althea Warren. I didn’t know you have skills.”
Dahan-dahan siyang hahakbang para kunin ang tumalsik na baril pero hinarang ko siya. Nag-angat siya ng mukha para tignan ako. “Althea… why are you doing this?”
“Why are you doing this?”
May kung ano sa mga mata niya ang waring nag-iba. It’s as if she snapped. “Halimaw siya. Hindi mo siya dapat kinakampihan!”
Bumaba ang paningin ko sa suot niyang crystal. Umiilaw pa rin iyon. And I can tell by Zero’s heavy breathing that he’s still affected with the Black Mist kahit pa kalahati na lang ito. No one told me na pwedeng hatiin ang crystal. No one told me na pareho lang din pala ang impact kahit sira na ito. Plano ko pa naman sanang chop-chopin na lang para mawala.
Hinati ni Maria ang crystal para ilagay sa infirmary ang isang parte so she can distract me. Alam niyang nararamdaman ko ang pwersa ng kwintas kaya alam din niyang pupuntahan ko iyon. At habang wala ako, nagkaroon siya ng panahon para atakihin si Zero.
But Zero… attacked her instead because of his thirst with blood.
“Hindi niya gagawin ‘yan sa ‘yo kung hindi mo siya inuudyukan. You’re tempting him. You’re inviting him to commit a crime that will be unforgivable by everybody’s eyes.”
“Ipinapakita lang no’n na hindi sila tao.” She sneered.
“Hindi ba sila pwedeng magpakatao? Hindi ba sila pwedeng mabuhay gaya natin? Hindi ba natin sila pwedeng—”
“Nabubuhay sila dahil sa tao!” galit niyang sigaw. “Hindi pwedeng makasama ng tao ang mga nilalang na nabubuhay dahil sa pagkain sa kanila! Hindi mo ba naiintindihan iyon, Althea? Marami na silang buhay na pinaslang, mga dugong kinuha para sa pansarili nilang kagustuhan. Hindi nila kayang pigilan ang halimaw na nasa loob nila dahil ipinanganak silang gano’n at hindi na kahit kailan magbabago iyon!”
Napatanga ako ng saglit. She was full of hatred. The atmosphere even was full of hatred like her.
Biglang-bigla na lang yumakap mula sa likuran ko si Zero. Kinagat na naman niya ang leeg ko. Para siyang uhaw na uhaw nang sipsipin niya ang mga dugong lumabas sa sugat na gawa niya. Hindi ko naagapan ang pagkilos ni Maria. Nadampot niya ang baril at naputukan niya ulit ang naghihilom nang sugat ni Zero dahil sa pag-inom niya ng dugo ko.
Enough. Jesus, I’ve had enough!
“Tumigil na kayo. Tama na!”
Pareho silang napatingin sa akin. Nakatutok pa rin ang baril ni Maria kay Zero. Zero is getting ready to kill Maria even if he’s being tortured with the Black Mist around.
“Maria, tama na…”
“I have to kill him.”
“I didn’t do anything to you!” Zero shouted, supporting his bleeding arm. Mayamaya’y hindi rin niya kinaya kaya’t napaluhod siya. “Wala akong ginagawa. Wala akong ginawa!”
“Schneider…” A grin formed on Maria’s lips. “Kahit pa wala kang ginagawa, dala mo pa rin ang kasalanang habambuhay nang nakabahid sa pangalan ng buong angkan mo. Eitherway, you’ll be killed by our family’s hands.”
What the hell? Ano raw?
“An… der… son…”
Anderson? Huh? Ano iyon? Sino iyon?
Ngumisi si Maria. Tinignan ko ng mariin ang kamay niya mula sa kinatatayuan ko. She was pulling the trigger. Nauna kong narinig ang sigaw niya pagkatapos ay ang tunog ng paglagapak ng baril sa polished na sahig ng terrace. Tinignan niya ako. I looked deeply into her eyes.
“A-Althea! Paano mo nagawang…”
“Ayokong gawin. Ayoko, Maria. Pero hangga’t hindi ka tumitigil sa kabaliwan mo, mapipilitan akong gawin ang dapat.”
Ngumisi na naman siya. Awtomatikong kumilos ang mata ko at dumako sa tuhod niya. She screamed then was forced to kneel down because she was in pain.
Hindi siya sumuko. Pilit niyang inaabot ang baril. I let her. When she had it, she shot Zero again through the wounds she made earlier. Zero groaned in pain. Muli na namang sumigaw si Maria at namilipit na siya sa sakit this time.
“If you wish to live, stop grinning at me. It’s annoying.”
Ngumisi siya. It sends me the message.
Sabay ng hangin, my eyes performed its last task. The wind have always been a friend of mine. Ipinarating niya sa aking tama lang. Na may dahilan kung bakit kailangan. On why it has to lead to this.
To lead to a fatal…
Walang ibang maririnig kung hindi ang matinis at masakit niyang sigaw. Walang makikita sa ere kung hindi ang mga alikabok na itinatangay ng hangin na nanggaling din mismo sa wasak na si Maria.
Complete…
Napapikit ako at pinakiramdamang muli ang hangin. I never thought I’ll do this again. I never thought I’d be able to kill again.
“…destruction.”
BAKIT may feeling ako na mauubusan ako ng dugo kapag nagpatuloy itong pagsama ko kay Zero?
“Thees, okay na ito?” ipinakita sa akin ni Cheen ang bimpo na nakuha niya sa bathroom ng kwarto ni Zero.
Himala ngang nakapasok kami ni Cheen ng Crescent ng walang kaabe-aberya, eh. Tingin ko nga masyadong madali. Wala rin kasi iyong bad energy na nakasanayan na akong i-welcome kapag pumapasok ako rito.
Kinuha ko ang towel na inilublob ni Cheen sa maligamgam na tubig at ipinunas sa mukha ni Zero na puro dugo. Ibinaling niya ang ulo niya sa kanan kaya hula ko naalimpungatan na siya.
“Thea… Thea!”
Bigla siyang nagdilat ng mga mata niya. Nang makita niya ako sa tabi ay agad siyang bumalikwas ng bangon at yumakap. Akala ko kakagatin ako ulit pero hindi na pala. Yakap lang.
“Bad dream?”
Kumalas siya. Lalong na-conscious nang makita niyang nando’n si Cheen. “Quite. You’re falling from a high cliff.”
Natigilan ako. I knew that was just familliar. But then binalewala ko na dahil baka mahalata ako ng dalawa. Ipinagpatuloy ko ang pagpunas kay Zero but he held my hand to stop it from going anywhere around his face and he looked at me deeply. “I’m… I’m sorry for causing you this trouble.”
“Who’s Maria Anderson if I may just ask after you’ve cost me this much?”
Bumuntong hininga siya at binitawan ang kamay ko. Yumuko siya pero mayamaya rin ay nag-angat ng mukha para tignan ako. “She’s from a clan that built a government secret department who destorys all kinds of vampires and human beasts. It’s called… The Sector. Main target nila ang Sunny Dale since they knew that pureblooded vampires once resided in here. Kami iyon. At sigurado akong nagkalat na sila ngayon.”
“Hunters…”
Bahagyang kumunot ang noo niya. “How did you know?”
Nagkibit ako ng balikat. “I once been hunted.”
Nakatingin lang siya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at tumayo. Ibinalik ko sa basin ang towel na ginamit ko sa paglinis sa mukha ni Zero. Nakita kong dahan-dahang humalo ang kulay pula na nanggaling sa bimpo at sa isang kisap mata ay naging pula na rin ang tubig.
“Why are they doing that?” I asked him again.
“Our ancestors killed some of their people. Dinala ng pamilya nila ang galit nila sa mga pure blood at sa mga human beasts kaya hanggang ngayon they’re still tracking us. Plano nila kaming ubusin until the last vampire may it be low class or pure blood.”
“You’re in danger.”
Hindi siya sumagot. Bubuksan ko sana ang pintuan pero napatigil ako nang may marinig akong mga yabag. Lilingunin ko pa lang sana si Cheen para sabihan siyang umalerto pero bumukas na ang pintuan at bumulaga sa harapan ko ang kamay na sumakal sa leeg ko.
He was pushing me to the wall while strangling me.
“Cyrus! Stop that!” I heard Zero yelled.
“Do you happen to know someone named… Cyrus Schneider?”
Cyrus… Schneider…
Bago pa man ako maubusan ng hininga ay minabuti ko nang ilayo siya gamit ng mga mata ko. Bakas sa mukha niya ang torture nang kumalas siya sa pagsakal niya sa akin. Napaluhod siya at sapo ang ulo niya na alam kong daig pa ang pinupukpok ng maso ngayon.
“T-Thea, tama na. Tama na.” Natatarantang awat sa akin ni Zero na hindi alam ang gagawin.
“Thees, huy! Tama na nasasaktan na siya.”
Ibinaling ko ang paningin ko sa ibang direksyon at tumalikod. Narinig ko ang pagtayo ni Zero mula sa kama. Huminga ako ng malalim saka sila muling hinarap with my composed self.
Nakita ko na ang lalaking ‘yan dati. Noong ninakaw ni Zero si Raikki, siya iyong lalaking kasama niya dati na pinatulog ko.
“Sorry. Nabigla lang ako.” Bigla kasing nananakal, eh.
“Umalis na kayo. Ako nang bahala.” Utos ni Zero sa amin.
Walang imik akong lumabas. Nahawakan ko ang kaliwang mata ko habang sinasalubong ang hangin sa paglabas ko ng gate ng Crescent. Kailangan kong pag-aralang kontrolin ang emosyon ko kung hindi, hindi ko rin magagawang kontrolin ang mga mata ko dahil sinusunod lang naman nito ang mga gusto ko.