Chapter 10 NSA

1994 Words
Sobrang nagagalak ang dalaga sa naging tugon sa kanya ng binata. Habang naglalakad papasok sa kanilang silid ay nag-iisip na s'ya ng maisusuot sakaling matuloy nga ang paglabas nila ni Gregory. "Yes!" tuwang-tuwa na usal n'ya na hindi maitatago ang magandang ngiti. "Ang saya naman ng dilag na iyan. Kanina lang ay nakabusangot ka ah," puna ni Candy. Nakaupo ang kaibigan kasama si Matt. Bukas si Madam Aura sa sinuman na gusto manligaw o sumeryoso sa kanyang mga alaga. Ang tanging magagawa nito ay paalalahanan sila. Sinuklian n'ya ng malanding kindat si Candy. "Hi Matt!" bati n'ya sa bisita. "Hello, I hope everything's fine with you and Gregory." Sagot nito. "Of course, thank you for that huge favor." Pagpapasalamat n'ya dahil dito galing ang number ni Gregory kaya madali n'ya itong na-contact. "You are always welcome." Tugon naman nito at nabuhos na ang atensyon sa kanyang kaibigan. Tumuloy sa kanilang silid si Melissa at nahiga na. Napapikit s'ya at nag-flash back sa kanya ang nangyari kanina. Kinilig na naman s'ya sa palaisipan na hindi s'ya natitiis ng binata. "By hook or by crook, you'll be mine." Usal n'ya. Nag-dial s'ya sa kanyang cellphone ngunit walang sumasagot. Napawi ang ngiti sa kanyang labi. "That's it. Hindi maari na masira ang mood ko. Basta pumayag na s'ya at iyon ang mahalaga. Bukas ko na lang s'ya tatawagan." Bulong ng dalaga. Tiningnan n'ya ang stolen photos ng binata kanina. "Ang gwapo mo kahit saang anggulo tingnan," kinikilig na bulong n'ya. "Hoy, tama na iyan. Nababaliw ka na!" sita ni Mandy na gising pa pala. "Kung sa kanya ako mababaliw hindi na nakapagtataka," sakay n'ya sa biro nito. "Ang lakas na ng tama mo, Babe," puna ni Mandy. "I know right. Alam mo ba na pumayag na s'ya na magkita kami ng madalas? Ayyyyy grabe! Iyong puso ko, chukudog chukudog!" humihiyaw na tugon n'ya. "Magdahan-dahan, sinasabi ko sa iyo!" biglang sabat ni Candy. "Nandiyan ka na pala, saan na si Matt?" saad n'ya nang mapansin ito na nakatayo sa pintuan. "Umuwi na, late na din kasi. Ano ang nangyari sa inyo ni Gregory?" usisa nito na bakas ang pag-aalala. Sinalaysay n'ya kung paano sila humantong sa labas at ano ang nangyari buong oras na magkasama sila. Natatawa si Mandy sa kanya samantala si Candy ay halatang may inaalala. "Masaya ka?" tanong ni Candy. "I am," mabilis na sagot ni Melissa. "Good. But guard your heart, okay? Alam mo naman na kung ano talaga ang tingin sa iyo ng lalaking iyon. Ayoko na dumating sa punto na masaya kayo for no-label relationships. In the end, ikaw ang talo." Paalala nito. "I understand and I thank you, Babe. Just be happy for me, okay?" Pahayag n'ya sa kaibigan na hindi nawawala ang pag-aalala. "Let's have a beauty sleep. It's already late. Goodnight, sissy!" paalam nito. Hindi makatulog si Melissa. Ewan ba n'ya basta marami s'yang nais gawin kasama si Gregory at excited s'ya na magawa lahat iyon. Dahil hindi s'ya nakaramdam ng antok ay pilit na hinanap n'ya ang social media ni Matt sa pamamagitan ni Candy sa pag-asa na may mahanap s'ya. Hindi naman s'ya nagkamali. Natagpuan na n'ya ang hinahanap. "Best of friends pala talaga sila ni Matt. Grabe, puro sila bachelors!" bulong n'ya habang nag-scroll ng photos ng binata. Puno ng paghanga ang dalaga na parang bumalik sa pagiging teenager. She never felt such infatuation sa kahit na kaninong guy, kay Gregory pa lang kaya hindi s'ya makakapayag na hindi n'ya ito mapasakamay. Nagising si Melissa sa mahinang tampal sa mukha. Inumaga s'ya ng tulog sa excitement. "Hmmmm, morning!" usal n'ya na walang balak bumangon. "Babe, bumangon ka na diyan. Sa almusal hindi ka na nakasabay pati ba naman sa hapunan. Remember, may raket tayo mamaya," paalala ni Candy. Napabalikwas ng bangon ang dalaga nang mapagtanto na alas onse na ng umaga. "Bakit hindi mo ako ginising kanina?" tanong n'ya na inaantok pa sana. "Ginising kita pero parang hindi ka pa bumabalik sa mundo ng mga tao. Lahat na ginawa ko pero walang nangyari, ayaw mo magising. Ano oras ka ba nakatulog?" saad nito. "Hindi ko na matandaan eh, tara na sa baba." Aya n'ya sa kaibigan. "Maligo ka muna noh. Sa ibaba na kami maghihintay, briefing at rehearsal pa mamaya." Pahabol nito bago naunang lumabas ng silid. Natampal ng dalaga ang kanyang ulo. Naalala n'ya may raket pala sila mamayang gabi. "Kailangan muna natin kumita. I'll be right back, honey dear!" usal n'ya saka nilingon ang litrato ni Gregory na sa wallpaper n'ya. Tumayo na s'ya upang makapag-shower saka na s'ya bababa. Hindi nagtagal ay nakabihis na ang dalaga at nadatnan ang mga kasama sa malaki nilang kusina ni Madam Aura. Maluwag pa sila sa bilang na bente. "Kumpleto na ba tayo?" panimula ni Madam Aura. Sabay na sumagot naman ang lahat. Bahagyang nahiya ang dalaga dahil mukhang s'ya lang yata ang hinihintay. "Kumain na muna tayo pagkatapos ay magkakaroon tayo ng briefing sa gagawin natin mamayang gabi sa isang party sa Makati." Pahapyaw na paliwanag ni Madam Aura. Pagkatapos manalangin ay tahimik na silang kumain. Maliban sa kanila ay may iba pang mga alaga si Madam Aura na mas bata pa. Patuloy na nagpapalawak ang babae ng kanyang negosyo at koneksyon para sakali na magpasya na umalis ang isa o karamihan sa kanila ay magpapatuloy pa rin ang kanyang negosyo. Sa kabilang compound, nakatira ang mga batang alaga ni Madam Aura, kung saan nandoon din sila galing. Doon tinuturuan at inaalagaan ang mga batang recruit nito. Saka lamang sila ililipat sa kanilang hanay kung handa na silang sumabak sa pagiging escort. Pagkatapos ng masaganang hapunan ay nagsimula na ang kanilang session. Si Madam Aura ang nag-lead upang i-prisinta ang kanilang gagawin mamayang gabi. "Nauunawaan ba ng lahat?" pinal na tanong nito. Walang naging katanungan ang lahat, dahil madali lang sa kanila ang gagawin. "Okay, ladies. Please do your preparations para mamayang gabi. We have already set their expectations, kaya hindi maaring pumalya tayo, okay? Sige na," Matalas na paalala ng babae. Umakyat na sila Melissa sa kanilang kwarto. Magkasunod lang sila na mga magkaibigan na sina Candy and Mandy. "Nagpaalam ka na ba kay Madam tungkol sa bakasyon ninyo ni Matt?" naalala n'yang itanong sa kaibigan. "Hindi pa nga eh. Hindi ko pa alam, wala pa naman eksaktong araw kung kailan eh." Sagot nito. "Kahit na. Mabuti na iyong nakapagpaalam ka ng maaga," suhestiyon n'ya rito. "Sabagay. Ikaw wala kang lakad today?" tanong nito. "Wala. Bakit?" tugon n'ya sa kaibigan. "Akala ko may lakad kayo ni Gregory." sagot ng kaibigan. "Wala naman s'ya sinabi ano'ng oras. Basta ang sabi n'ya, we'll see each other tomorrow which is today. Hayaan mo muna baka busy pa sa trabaho. Okay lang, may raket naman tayo dahil kung wala, naku kanina ko pa kinulit iyong tao." Pahayag ni Melissa. Nagkibit balikat lang ang kaibigan sa kanyang tinuran. Alas tres ay dapat nakahanda na sila dahil alas singko ay kailangan nasa venue na sila sa bahay ng kanilang kliyente sa Forbes park. As usual, malalaking tao ang kanilang kliyente. Isa itong social functions ng mga pulitiko. Nasa oras ang kanilang pagdating sa naturang lugar, kaya dagdag puntos ito sa kanila. Naka-long velvet dress ang dalaga na hapit sa makurba n'yang katawan kaya agaw atensyon s'ya sa okasyon. Halos lahat ng alaga ni Madam Aura ay hindi maitulak kabigin dahil may sarili silang identity at personality, magkakaiba ang kanilang appeal at charm na s'yang kinagigiliwan ng mga naging kliyente nila. Professional sila pero hindi maiwasan na may mga offers sila na natatanggap galing sa mga kliyente na may mga asawa na. Red flag sa kanila ang mga ganito at magalang na tinatanggihan nila ang ganitong offer dahil maging si Madam Aura ay hindi nito ito ipinahihintulutan. Escort services sila ngunit ikinokondena ng kanilang samahan ang pagsama sa mga kliyente na may mga pamilya na. Isa itong violation sa kanilang code of conduct. "Hi! I'm Senator Monteclaro! What is your name, dear?" pagpapakilala ng isa sa mga bisita. "Hello! I'm Melissa." Magiliw na tugon ng dalaga habang nakamasid sa paligid. "I will be hosting a party in the next few weeks. Maybe you want to join me at that party, you and some other girls." Sabi nito kasabay ng pagbigay sa kanya ng calling card. "Sure do. Thank you. It's a pleasure meeting you tonight," matamis ang mga ngiti na saad ng dalaga. Naging matagumpay ang nasabing functions. Naging palamuti lang naman sila sa gabing iyon. Alas onse na ng gabi sila natapos saka lamang nahawakan ni Melissa ang kanyang telepono. My miscalls at messages galing sa binata. Gumuhit ang mga ngiti sa kanyang magandang mukha at gusto n'yang lumundag sa tuwa dahil naalala s'ya ng lalaki. "Hello! Am I late to call you this time? Sorry nasa function kasi ako kanina. Where are you?" magkakasunod na tanong n'ya. "Here in my pad. I didn't go out because I have not received anything from you. Saan ka ba ngayon?" tanong nito. "Sa Makati. Tapos na din naman na kami. Can you come over to pick me up?" paglalambing n'ya sa binata. Matagal bago ito sumagot. Mukhang nakainom ito. "It's okay if hindi mo na kaya. Baka mapaano ka pa. We'll just see each other tomorrow. I'm good." Pahayag ng dalaga na excited na makakasama ulit ang binata. "Give me the address. I'll pick you up." Utos nito at agad naman na binigay ni Melissa ang address. Mukhang hindi naman nahirapan ang binata dahil agad naman ito nakapasok sa subdivision. "Mabuti pinapasok ka ng security ngayong dis-oras na ng gabi," bungad n'ya nang humimpil ang sasakyan nito at pinasasakay s'ya. Kibit balikat lang ito. Naalala n'ya malawak pala ang connection nito kaya malamang ito ang naging dahilan kaya hindi na ito na-question sa kanyang pagpasok sa sosyal na lugar na iyon. Napatitig ito sa kanya mula ulo hanggang paa bago pinaandar ang sasakyan. "What's the party all about? Hindi ka na-take out kaya nandito ka pa?" tanong nito na seryoso ang mukha. "It's just a social function. Naging palamuti lang kami doon. Saka we have rules to follow kaya hindi basta makapag-take home ng escort." Paliwanag n'ya. "Really? So what's the exemption that night na nagpaiwan ka sa hotel with me?" nagtatakang tanong nito. "I like you." Matapang na tugon n'ya kaya bahagya itong natawa. "Is that all?" nang-aarok na tugon nito. "Yes, why?" sagot ng dalaga. Hindi napaghandaan ng dalaga ang sumunod na ginawa ng binata. Kinuyumos s'ya nito ng halik na s'ya namang nagustuhan n'ya kaya hindi s'ya pumalag. Kumawala ang lalaki at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Nagtaka ang dalaga dahil sa gusali na pinagtatrabahuhan nito sila tumigil. Hindi nagtagal ay namalayan na lang n'ya ang sarili na sakay ng elevator kasama ang binata. Nakahawak ito ng mahigpit sa kanyang bewang. "Ano ang ginagawa natin dito?" tanong n'ya. "You wanted me, right? Then I want you now," husky ang boses na tugon ng binata at siniil s'ya ng mainit na yakap at halik nito. Kahit pa na huminto na ang elevator sa pinakatuktok ng gusali ay hindi man lang nagpapigil ang binata. Patuloy ito sa ginagawa na tila ba sabik na sabik. Wala naman balak pa na magpakipot ang dalaga dahil ito naman talaga ang gusto n'ya. Nagtaka s'ya nang bigla itong tumigil at tumalikod. Nawala ito bigla sa kanyang paningin kaya nagkaroon ng pagkakataon na mamasdan ang buong pad ng binata. "You live here?" tanong n'ya nang bigla itong sumulpot sa kanyang harapan na wala ng anumang saplot. "I work and live here. You still have a chance to back out. I want you, but with no strings attached. Let's see how far and how long you can take that," sagot ni Gregory sa hamon ni Melissa. Walang anumang salita na nagmula sa dalaga, bagamat lumapit ito sa binata at nagsimula nitong kintalan ng halik ang nakatayong si Gregory. "Walang laban ako'ng inaatrasan. I want you and I do not care what lies behind," nanunukso na tugon ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD