Sa buong oras ng pamamalagi n'ya sa pad ng lalaki ay walang maisip gawin si Melissa kundi ang magligpit ng mga kalat, maglinis at mag-ayos ng mga display nito. Napansin n'ya na mahilig pala sa mga figurine, halaman at bonsai ang binata. Hindi n'ya namalayan ang oras na noon ay mag-alas kwatro na pala ng hapon.
"Anong oras kaya s'ya aakyat?" nabulong n'ya sa sarili.
Nagpasya ang dalaga na mag-swimming sa pool upang guminhawa ang pakiramdam at makapaglinis ng katawan. Matagal na nagbabad sa pool ang dalaga.
"Maganda pala dito kaya lang nakakainip mag-isa." Pansin ng dalaga habang malayang naglalaro sa kulay asul na tubig.
Pagkatapos magsawa sa paliligo ay umahon na ang dalaga at tumuloy sa shower sa labas malapit sa maliit na hardin ng binata. Naalala n'ya wala s'yang ekstrang damit kaya ang nakikita n'ya na t-shirt ng lalaki ang naisipan n'yang isuot.
"Bahala na, wala naman akong choice." Saad n'ya habang nagbibihis.
Nag-iisip s'ya ng gagawin pagkatapos. Paikot-ikot s'ya sa loob ng pad na naghahanap ng maari n'yang gawin.
"Hayyys, kung hindi lang nakakahiya kanina pa sana ako nakababa kaso baka makaagaw ako ng atensyon ng mga empleyado." bulong n'ya.
Naisipan na lang n'ya na magsaing at magluto ng mauulam. Nag-prepare s'ya ng caesar salad at pork steak.
"Gusto ko s'yang makasama pero ayoko naman ng ganito na naiiwan akong mag-isa at kawawa," pabulong-bulong na sabi ng dalaga.
Pagkatapos makapaghanda ay nanuod s'ya ng television. Isa itong sports channel ngunit hindi n'ya namalayan na nakatulog na pala s'ya. Isang dampi sa labi ang nagpagising sa kanya. Magkasalubong ang kilay na nagmulat s'ya ng mata dahil nabitin ang masarap na pagkakahimbing n'ya.
"Why are you wearing my shirt?" tanong ng binata na mukhang kararating lang.
"Remember, wala akong dalang damit." Saad ni Melissa.
"Sorry, I forgot to give you this." Sagot ng binata saka inabot ang isang paper bag ng sikat na brand ng damit.
"What's this?" takang tanong n'ya.
"Sabi mo wala kang dalang damit so I bought you few clothes." Tugon nito.
"Ah! Salamat! Uuwi naman na ako mamaya kaya hindi ko na ito kailangan," sagot ng dalaga.
"You can't wear my shirt sa pag-uwi noh!" tutol ng binata.
"Oo nga pala. Sige, mamaya magpapalit na ako. Anong oras na ba?" tanong n'ya.
"Past five in the afternoon. So much time but there's nothing we can do," pagpapahiwatig nito.
"I cooked you some food. I didn't know if you'll like them but you may try," pagbibigay alam ng dalaga.
"Maybe later. Iba ang gusto kong putahe." Sagot ni Gregory na iba ang ipinapahiwatig.
"Like?" walang idea si Melissa sa tinutukoy ng binata.
"This!" tugon ni Gregory at nagbaba ng mukha upang bigyan s'ya ng masarap na halik.
Napatitig ang dalaga sa binata. Pakiramdam n'ya ay masyado ng kumportable ang binata na sa anumang oras na gustuhin nito ay magagawa n'ya.
"Hey! Hindi ka ba nagsasawa?" mahinang tanong ng dalaga.
"Bakit ako magsasawa? We are just getting started, honey!" saad nito sa husky na boses.
"Teka!" pagtatangka ni Melissa na mapigilan man lang ang binata.
"What and why are you stopping me now? Akala ko ba you want me? Now that I want you, you're pushing me away?" madilim ang mukha na bulalas nito.
"It's not that. How should I say it," nag-aalinlangan na tugon ng dalaga.
"Spill it out when you know how to say them. For now, I want to devour you!" malambing na usal nito habang hinahalikan sa leeg pababa ng dibdib n'ya ang dalaga.
Hindi na nagawa pang umiwas ng dalaga dahil kinasasabikan din naman n'ya ang bawat haplos at halik nito. Hindi n'ya alam kung hanggang kailan sila na ganito ang magiging set up ngunit hanggat may pagkakataon s'ya ay buong puso n'ya itong gagawin. Hahayaan n'ya ang binata na tuluyan ng makulong sa kanyang presensya at pagnanasa hanggang sa matutunan s'ya nitong tanggapin at mahalin. Tanging halinghing at maninipis na ungol ang namayani sa buong pad. Wala naman silang alalahanin na makakarinig sa kanila dahil nag-iisa lang doon ang binata kaya malaya itong gawin ang anumang nanaisin nito. Ang mahabang sofa ang naging saksi ng kanilang muling pagniniig. Hindi lang iisa kundi hanggang sa makaramdam ng pagod ang binata.
"Are you on pills?" naisipang itanong ni Gregory.
"No and never, why?" sagot ng dalaga.
"You should start taking pills from now on if you want us to be spontaneous." Utos nito.
"What if I don't like doing so?" hamon ng dalaga.
"It is up to you. But don't blame me that I didn't ask you," pahayag ng binata na medyo dinaramdam ng dalaga.
"Okay. If that's what you want," saad n'ya upang matapos na ang usapan.
Nakaupo sila sa mahabang sofa habang nakaakbay sa kanya ang binata.
"Let's have dinner." Aya ng dalaga na tumayo na pagkatapos maisuot ang natanggal na saplot.
Samantala si Gregroy ay patay malisya na tumayo kahit pa nakahubad ito. Mukhang kumportable na ito sa ganung itsura.
"Are you not going to cover yourself?" naiilang na puna ng dalaga.
"Does it make you uncomfortable? Honey, masanay ka sa akin lalo na kung tayo lang. You asked for me so I gave it you and this is me." Sabi nito sabay hapit sa dalaga at niyakap mula sa likuran.
Naramdaman na naman ni Melissa ang matigas na parang bato na katawan ng lalaki sa kanyang likuran at ang sandata nito na anumang oras ay handang makipaglaban. Inamoy pa nito ang dalaga ng ilang beses bago lumayo. Nagsuot ito ng boxer saka naupo upang sabayan s'ya sa pagkain.
"Magaling ka pa lang magluto," puna nito habang sumusubo.
"Okay lang. Hindi kasarapan pero pwede na," saad ng dalaga.
Tumango lang ito at tahimik silang naghapunan. Biglang tumunog ang telepono ng binata.
"Dad! How are you?" bungad ng binata.
Tapos na sila maghapunan kaya sinimulan na n'yang ligpitin ang kanilang pinagkainan at s'ya na rin ang naghugas.
"Feeling misis," bulong n'ya sa sarili.
Mula sa hindi kalayuan ay naririnig n'ya ang sinasabi ng binata sa kausap sa kabilang linya.
"Yes, Dad. I'll be there, I promise. See you," pagtatapos ng binata sa usapan.
"Is that your Dad?" usisa n'ya sa binata.
"Yes. Ano ang ginawa mo dito kanina?" tanong nito nang napansin na wala na sa dating ayos ang ilan sa mga gamit.
"Sorry, wala kasi akong maisip gawin kaya naglinis ako at nagligpit ng ilang gamit." Pagbibigay alam ng dalaga.
"Aw, okay. Carry on. Ano oras kita ihahatid?" tanong ng binata.
"Ikaw bahala." Sagot ng dalaga na tila ay wala pang balak umuwi.
"Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" curious na tanong ni Gregory sa dalaga.
"Hahanapin syempre." Tipid na tugon n'ya.
"Okay, around nine works for you?" saad ni Gregory.
"Fine with me," sagot ni Melissa.
Pagkatapos ay nagpaalam ang binata sandali na sa home office lang s'ya sakali na may kailangan s'ya.
"Napaka-workaholic naman." Puna ng dalaga at nagpalit na ng damit para mamaya ay bababa na lang sila.
Hinanda din n'ya ang nag-iisang damit na suot n'ya nang sa pinick-up s'ya ni Gregory sa party. Alas otso na wala pa rin si Gregory. Nagsasawa na rin s'ya sa pinapanood n'ya.
"Ano kaya ginagawa nun?" bulong ng dalaga.
Tumayo s'ya upang silipin ito sa kanyang home office. Mukhang abala nga ito at nakakahiya na abalahin kaya bumalik na lang ang dalaga sa sala at nahiga sa sofa. Naalala n'ya ang ginawa nito sa kanya kanina. Nakaramdam s'ya ng kakaibang sensasyon. Ayaw man n'ya aminin, pero tumitiklop s'ya sa tuwing kasama n'ya ang binata. Nawawala s'ya sa sarili at sa tunay na mundo. Alam naman n'ya na lakas ng loob lang puhunan n'ya maliban sa ganda. Hindi maiwasan ay nakaramdam s'ya ng takot sa maaring kahihinatnan ng mga desisyon n'ya ngunit hindi s'ya maaring tumigil sa nasimulan. Handa s'ya sumugal para sa magandang kinabukasan gaya ng pagsama n'ya noon kay Madam Aura noong bata pa lamang s'ya.
"Hey sleepyhead, wake up. Ihahatid na kita," pukaw ng isang tinig.
Pagmulat n'ya ay ang gwapong mukha ni Gregory ang kanyang nasilayan. Matamis na ngiti ang kanyang pinakawalan. Bumangon na ang dalaga kaya kinuha na ng binata ang susi ng kanyang sasakyan. Ilang sandali lang ay hawak nito ang isa n'yang kamay habang pababa sila sakay ng elevator. Napabilib si Melissa sa lifestyle ng binata dahil sa kabila ng pagiging mayaman nito ay simple at hindi ito magarbo. Nag-iisa itong nabubuhay sa rooftop ng sariling building nito. Hindi gaya ng ibang mayayaman na maraming katulong ang nakapaligid upang pagsilbihan sila. Alas diyes ng gabi nang dumating sila sa labas ng bahay ni Madam Aura. Madilim ang paligid maliban sa ilang sulok na nasisinagan ng ilaw na nagmula sa malapit na poste.
"Salamat sa paghatid," pagpatay ni Melissa sa katahimikan.
Halos isang oras din ang kanilang nilakbay ngunit napakatahimik ng binata.
"Thanks for the great time!" saad ng binata.
"Next time?" tanong ng dalaga.
"Sure. Anytime." Malawak ang ngiti na tugon ni Gregory
Hindi kagaya noong una na nag-aalinlangan pa ito. Subalit ngayon ay game ang binata sa set up nila. Ngunit sa isang sulok ng masayang ngiti ay hindi maikukubli ang pagnanasa ni Melissa na mas higit pa doon ang kayang ibigay sa kanya ng binata.
Malalim na halik ang ibinigay ng dalaga na s'ya namang sinuklian ng binata hanggang sa hindi na ito nakapagpigil.
"You're driving me crazy," hinihingal na usal ni Gregory na hindi na kayang pigilan pa ang nararamdaman dahil sa ginagawa ng dalaga.
Handang gawin ni Melissa ang lahat upang mapaligaya at ma-please ang binata. Hawak ang nakahanda nitong sandata ay matiyaga n'ya itong nilaro ng kanyang mga kamay at dila.
"I think I'm ready," marahas na bulong ng binata.
Ayaw pa sana ni Melissa ngunit hindi na mapigilan pa si Gregory. Agad na tinanggal nito ang pang-ilalim na tabing ng dalaga at s'ya na mismo ang gumalaw upang magawa ang kanina pa n'yang nais gawin. Walang ibang saksi sa oras na iyon kundi ang nagkikiskisan na mwebles ng kotse na sumasabay sa bawat indak at galaw ng kanilang paglalakbay hanggang sa maabot nila ang rurok ng kaligayahan.
"Sh*t! Can't just let you go," marahas na usal ng binata.
"Can't get over me, huh?" panunukso ni Melissa.
"Yeah!" nakapikit na tugon ni Gregory.
"Hey, naka-quota ka na. Sa uulutin," malanding bulong ni Melissa.
Bumaba na ang dalaga, kaya naiwan si Gregory sa kotse nito. Nakapasok na ang dalaga ngunit natatanaw pa rin mula sa silid ng dalaga ang sasakyan ni Gregory.
"Ano kaya ang naiisip nito?" napapahagikgik na bulong ng dalaga.
Nag-shower agad s'ya. Hang nasa shower ay hindi n'ya maiwasan damhin ang bawat parte ng kanyang katawan na nagalugad na ng binata. Napangiti s'ya sa naalala. Sa maiksing oras ay nakikilala n'ya ito. Marami pa s'yang nais malaman tungkol dito saka n'ya gagawin ang hakbang kung paano ito tuluyan na magiging kanya.
"I can't wait for that day to come," masayang pahiwatig ng dalaga at sinilip ang kotse ng binata ngunit wala na ito sa labas.
Nakaalis na ito at isang mensahe na nagmula kay Gregory ang nagpuno ng kanyang araw.