Samu't saring emosyon ang nararamdaman ni Melissa nang mga oras na iyon. Wala pang lalaki na naglakas loob na lumapit sa kanya maliban kay Manuel. At ang nag-iisang lalaki pa lang ang nilapitan n'ya sa pag-aakalang matitipuhan din s'ya, iyon ay si Gregory ngunit nabigo s'ya. "Ano ang balak mo?" pangungulit ni Candy na halatang mas excited pa sa kanya at hindi mapalagay. "Hindi ko alam. Wala naman detalye kung kailan at saan ang sinasabing date sa sulat," paliwanag ng dalaga na kunwari ay hindi tinalaban sa natanggap na surpresa. "Sus! Pero excited ka?" panunukso ng kaibigan. "Kinilig syempre, sino ba ang hindi kiligin?" pagdadahilan n'ya. Sa kwarto sila kaya malaya silang nakakapag-usap habang ang regalo na binigay ni Manuel ay nakatago na sa kanyang sariling cabinet. Hindi n'ya inas

