First time ni Melissa na makapasok sa isang relasyon at ang malaking pagkakaiba pa ay mas matanda sa kanya ng higit doble pa sa edad n'ya ang gap nila ng kasintahan. Isa naman itong napakalaking achievement at panibagong blessing kay Manuel. Marahil si Melissa ang makapagbibigay ng karagdagang lakas upang mas humaba at mapabuti pa ang kanyang buhay. Walang ibang inisip si Melissa kundi ang tuluyan ng yakapin ang kanyang kapalaran. Maaring ito na ang natatanging daan upang maabot n'ya ang mga pangarap n'ya sa buhay. Ang mga kasamahan sa bahay ni Madam Aura ang mga nag-udyok at nagturo sa kanya na maging praktikal. Ang mga ito rin ang rason kung bakit n'ya tinanggap ang alok ng lalaki na maging kasintahan nito. "Congratulations!" bati ni Madam Aura sa dalaga. Kararating lang nito galing ng

